Bruise

418 15 0
                                    

Bruise (n.)

"Sorry ulit," sabi mo. Hindi na ako magtataka kung bukas, o sa makalawa, ay sasabihin mo rin ang parehong kataga. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako sasagot ng "Okay lang." Magkatabi tayong dalawa sa upuan na handog ng mga convenience stores para sa mga taong naghahanap ng convenience. Wala naman talagang convenience sa store na ito pero lahat nagbabago kapag ikaw ang kasama ko.

"Nabasa ka ata," sabi mo. Pinunasan mo ulit ang mga balikat ko. Hindi mo ata napansin ang mata kong kanina pa nabasa ng luha na dahil sa'yo.

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now