Choose (vb.)
"Gaano mo ba ako kamahal?" tanong mo. Hindi ako nakasagot dahil nagtataka ako. Ang tagal ko nang pinaparamdam ng sagot ko sa tanong mo. Hindi ko sukat akalain na tatanungin mo pa ulit ako. Kailangan ko pa bang sagutin iyan kung sa lahat ng tao sa mundo, sa iyo lang ako nagkasala ng ganito? Sa lahat ng tao sa mundo, sa iyo lang ako handang magbago nang walang sawa. Oo ikaw lang ang nakapagpapili sa akin ng ganito. Isang pagpiling mas imposible pa sa pagsabi mo ng "oo."
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
שיריםBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.