All

26.2K 790 9
                                    


Chapter 39:

Francine's POV:

"You even called me honey earlier..Don't worry..I love you too, Francine, that I distance myself for you to grow and experience the life, to change myself to become a better one, to make you become proud of me..you see, I never own something, so Francine... " sabi nito ng sobrang seryoso ang mukha.

Napalunok siya.

"Can you be mine?" Tanong ni Ivan sa kanya habang titig na titig sa kanya.

"Yes" agad niyang sagot.

Kitang kita niya, nalaglag ang panga nito dahil sa pagkabigla.

Natawa siya ng bahagya nung parang hindi ito kumurap at nakatingin lang ito sa kanya dahil sa pagkabigla.

"Ayaw mo?" Tanong niya dito, ilang beses itong napakurap, at nagulat siya nung biglang sinampal nito ang sariling mukha nito.

"Ivan!" Saway niya dito at hinuli ang kamay nito.

Nagulat siya at napamulagat nung biglang hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at hinahalikan na pala siya nito ng mariin.

"Hmmppph--!" Sabi niya at pinigil niya ang mukha nito, gusto niyang tugunin iyon, pero bago pa siya matupok ng halik nito ay may kailangang pa sabihin siya dito.

"Ivan! Sanda--mmmphh!" Sabi niya pero agad na nahuli nito ang labi niya.

Kaya pinagbigyan na muna niya ito, at saka tinugon ang halik nitong nakakalasing..at nakakatupok.

Inilagay niya ang kamay sa batok nito at saka iyon tinugon ng buong init.

Bumalik sa kamalayan niya ang init na hatid ng labi nito at ang sensasyon na dala niyon nung gabing may nangyari sa kanilang dalawa.

Nung biglang binawi nito ang mga labi nito ay parang lasing siyang na hinabol iyon.

Nanatiling hawak nito ang magkabilang pisngi niya.

"Are you sure" narinig niyang tanong ni Ivan sa kanya.

"Huh?" Nasabi niya dahil kasalukuyang kalat pa ang utak niya dahil halik nitong nakakalasing.

"You just told me that you wanted to become mine right? Don't take it back" may halong utos at pagsusumamo ang boses nito at mga mata.

Parang natunaw naman ang puso niya sa mukha at sa boses nito.

Mabilis at malakas din ang tibok ng puso niya.

Isinilid niya ang kamay sa magkabilang braso nito at saka niya ito niyakap at isinandig ang ulo dito.

Isinigurado niyang nararamdaman nito ang malakas na pintig na 'yon habang yakap ito ng mahigpit.

"Do you feel my heartbeat? That's yours.." sabi niya habang yakap ito, naramdaman niyang natigilan ito.

Inilayo niya ang sarili at tinitigan ito ng saglit at saka niya inabot ang labi nito at kinintalan iyon ng halik.

.."because I love you, Ivan" sabi niya at saka ngumiti dito ng matamis na sabi nito ay gustong gusto nitong makita, iyong sinabi nitong gusto nitong maging masaya at ang ngiti niya, doon pa lang halos natutunaw na siya sa sobrang kilig.

Napakurap ito ng ilang beses.

At nakita niyang parang namula ang mata nito.

"Thank you, Francine, oh God thank you!" Tuwang tuwang sabi nito at bigla siyang hinapit at niyakap ng mahigpit sa paraang ayaw na ayaw siyang pakawalan nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon