Confession

24.2K 864 18
                                    


Chapter 19:

Francine's POV:

"Ever since I fell in love with you"

Nalaglag ang panga niya.

Fell in love?

Ito?

"S-sa akin?" Maang tanong niya, ewan niya pero parang sasabog ang puso niya sa sinabi nito sa sobrang pagtibok.

Huminahon ka.

Diyos ko, paano?

Sa sinabi nito parang kakapusin siya ng hininga.

"What makes you think the reason why I had the eyes on you few years ago and now, my rose?" Imbes na sagutin siya nito ay iyon ang sinagot nito.

Umiling siya.

"I- I d-don't know" tulirong sabi niya, hindi niya alam kung paano magrereact, parang sobrang saya na nakakabigla?

Titig na titig siya dito.

Maging ito ay nakatitig din pala sa kanya.

Tapos ay ngumisi ito.

Natigilan siya.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Nagkasalubong ang kilay niya.

"What? N--"

"Gago ka talaga!" Sabi niya saka ito pinagpapalo sa braso.

"Wait! What the hell--" sabi nito habang salag ng salag sa mga palo niyang sunod sunod.

"Hindi talaga ako magtitiwala sa'yong bwisit ka--"!

"WHAT!" Biglang sigaw nito sa kanya kaya nagulat siya dahil sa dagundong niyon.

"Hindi ko na uulitin pahmmmppp--!" Hindi na niya natapos ang anumang sinasabi niya at inaangkin na nito ang labi niya sa isang madiin at mainit na halik.

Napakurap siya nabitin sa ere ang kamay niya na akmang papalo dito.

Napasinghap siya at akmang itutulak ito nung biglang hinawakan nito ang batok niya at ikiniling nito ang ulo patagilid para mapalalim pa ng husto ang halik nito.

Dahil nagsasalita siya kanina ay nakabuka ang mga labi niya at agad na ginamit nito ang dila para maikot nito ang dila sa kanya.

Naramdaman niya ang pagtulak nito sa kanya sa pader ng elevator kung saan sila nandoon at pakiramdam niya naglalagablab ang loob ng elevator dahil sa marubdob na halik nito.

Para siyang nalulunod... at nalalasing.

Parang ibinuhos nito sa halik nito ang lahat ng nararamdaman nitong pagkamiss sa kanya.

At ang patunay niyon ay ang ginagawang paghalik sa kanyang labi.

Patunay?

"I love kissing you.." Sabi nito saglit na pinakawalan ang labi niya at saka binalikan iyon, napapikit siya dahil lalong umaalab ang halik nito.

Kissing me..

Bakit na nga ba siya hinahalikan nito?

Ang tamis at ang init ng halik nito--

Napamulat siya ng mata at umangat ang kamay niya para hawakan ang mukha nito at itinutulak palayo sa mukha at labi niyang umaangkin pa rin sa labi niya.

"I-ivan! Teka! Sandahmmmp--!" At parang wala ang lakas ng tulak niya dahil binalikan nito ng isang halik ang labi niya sa paraang dapat hindi siya makaalis sa labi nito.

Nanlaki ang mata niya nung naramdaman niya ang kamay nito sa pang upo niya at ginamit nito ang kamay paakyat sa bewang niya para mahapit siya at magdikit ang katawan niya sa mainit at matipunong katawan nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon