The Man hater

44.5K 1.3K 80
                                    


Chapter 2:

Francine's POV:

Nakangiting pinapanood niya ang kapatid habang naglalakad ito sa altar.

Ang ganda ganda ng kapatid niya.

Blooming na blooming ito.

At ang saya saya ng itsura ito.

Hindi na ito iyong dating kapatid niya, para itong isang bagong tao sa tingin niya.

Nagtama ang pansin nito sa kanya, tinitignan siya nito at nginitian siya nito.

Parang kailan lang, lagi silang nag aasaran, siya din ang nag alaga dito nung nagising itong hindi na ito nakapagsalita, naalala niyang lagi siyang naghahanap ng part time para maipagamot ito, nung namatay ang Papa nila, iyon na yata ang pinaka mahirap na sa lahat.

Biglang may dumaan ulit sa kanyang pait, naalala niya ang--

Lumunok siya at pilit na inaalis ang ala alang iyon.

Huminga siya ng malalim.

Kasal ng kapatid ko, huwag kang ano utak. Sabi niya sa isip habang ngumiti dito, hindi pwedeng malaman ng kapatid niya ang mga iniisip niya.

Mag aalala ito..ang gusto niya, ang asawa at magiging anak nito ang iisipin nito magmula ngayon.

Ang sabi ng kapatid niya, Amerika na daw ang mga ito titira, pero sabi ng mga ito kapag season break o kahit holidays uuwi ang mga ito, at magbabakasyon.

Nagulat siya dati nung bakit gusto ng mga itong tumira sa ibang bansa, hanggang sa nalaman nila ng Nanay ang dahilan.

Kulang pa sa gulat ang naramdaman niya dati dahil sa nalaman, akala niya mayaman na negosyante ang bayaw niya, pero hindi pala.

Isa pala itong mafia.

Ex- mafia.

Sabi ng kapatid niya, aalis na ito para sa kapatid niya at sa kaligtasan nilang lahat kaya bakit aalis ang mga ito.

Sa sinabi ng kapatid niya, na tatalikuran ni Viktor ang pagiging mafia ay sapat nang dahilan para malaman niyang mahal talaga ni Viktor ang ate niya.

Pati ang Nanay nila, gulat na gulat, at takot na din na hindi naiiwasan.

Nagsigurado naman si Viktor na may nagbabantay sa kanila if ever na may kalaban.

Nagbigay ng dote si Viktor na hindi naman na kailangan, pero nagulat pa rin silang tatlo dahil malaki ang halagang iyon, nalaman din niya na nung nagkasakit siya galing din dito iyon.

Ngumiti siya sa kapatid habang titig na titig dito.

Kung sana nandito ang Papa nila,alam niyang masaya ito.

Speaking of Papa, hindi niya alam na bayani pala ang Papa nila, nakwento ni Viktor ang mga nangyari sa Russia dati, kaya umuwi ang ate niya sa pilipinas.

Talagang kahit anong mangyari, kahit na sa hinaba haba ng prusisyon..

Sa simbahan pa rin tuloy. Ngumisi siya.

Nang napatingin siya sa altar ung saan nakatayo doon si Viktor ay natawa siya.

Tulala ang bayaw niya.

Parang hindi ito makapaniwala na ikakasal ito sa ate niya.

Nang nag uumpisa na ang kasal, hanggang doon, ramdam niya ang kanina pa niya ini-ignorang matang nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam ung kaninong mata ang may ari doon, pero may pakiramdam siyang hindi siya titigilan ng mga tingin na 'yon.

Hanggang sa natapos ang kasal ay hindi siya mapakali.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon