Colder

23.7K 743 18
                                    

Chapter 29:

Francine's POV:

"By the way, get lost" sabi niya dito.

At kitang kita niya sa mukha ni Ivan ang pagkagulat, pagkalito...at inis?

Pakialam ko!

Agad siyang lumabas sa opisina nito at naglakad papunta sa elevator at talagang aalis na siya nung biglang may humawak sa braso niya.

Agad niyang ipiniksi iyon ng malakas, kung naiinis ito, siya..galit.

Galit at naghihinanakit.

Ang bilis naman yatang naalis ang love na ipinagtapat nito sa kanya dati?

"DON'T TURN YOUR BACK ON ME FRANCINE" Mariin na sabi ni Ivan sa kanya at pilit siyang pinapaharap dahil tumalikod na siya dito.

"Bitiwan mo nga ako!" Asik niya dito pero hindi siya binitiwan nito at masakit ang paraan ng paghawak nito sa braso niya at pilit siyang hinihila pabalik sa opisina nito.

Wala ba itong pakiramdam? Bakit siya hinihila nito pabalik sa loob ng opisina nito kung nandoon pa iyong babaeng kalampungan nito?

"Gago ka! Manloloko! Babaero! Wala kang isang salita--" naputol ang pagtalak niya nung bigla siyang binuhat nito, pero hindi na ang dating bridal style kundi caveman style na para siyang tindang nakatay na karne sa palengke at buhat ng isang matadero.

"SHUT UP!" Sigaw nito sa kanya at nagulat naman siya sa ginawang pagsigaw nito sa kanya, ni minsan ay hindi siya sinigawan nito.

Talagang nagbago na ito.

Kaya naman wala na ding rason para sabihin niya dito na nahulog na ang loob niya dito dahil ito na mismo ang nagbago.

Nagulat siya nung tumalbog siya sa sofa at nasa loob na pala sila.

Agad siyang dinaganan nito at pinigil ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid.

Nanlalaki ang mga mata niya at mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakalapit ng matigas nitong katawan.

"Nasisiraan ka na ba ng bait! Aray! Bitiwan mo nga ako!" Malakas niyang palag at na pilit na kumakawala sa pagkakadagan nito.

"Yes! You just don't know how crazy I am!" Sigaw nito.

"Take it easy, Ivan" sabi ng boses ng babae sa gilid, saka lang niya ulit narealized na nandoon pa rin ang babae.

"GET OUT!" Biglang sigaw ni Ivan, madilim ang itsura ni Ivan nung napatingin siya dito, parang ganito ang nakita niya dati.

Bakit ganito ang ugali ni Ivan sa babaeng kalampungan nito?

"Remember what I told you, goodbye" paalam ng babae at titig na titig sa kanya si Ivan at parang inaantay nito munang umalis ang babae.

Natameme naman siya.

Nababasa niya ang galit sa mga mata nito.

Ito pa ang may habang magalit? Eh eto ang naabutan niyang may kalampungan?

"Get. Off. Me" madiin niyang sabi dito.

"NO!" Hiyaw nito sa kanya at lalo pang idinagan ang sarili sa kanya, dahilan para mahirapan siyang huminga.

"What the hell is that, Francine?" Sabi nito ulit habang busy siya kung paano makakawala sa matigas at mainit nitong katawan.

"You heard me" sabi niya at pilit na inaalis sa sistema niya ang epekto ng katawan nito sa kanya.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga.

"For the last time, Francine..,explain what the in the world did you just told me" sabi ni Ivan.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon