Cooking

25.1K 955 25
                                    


Chapter 18:

Francine's POV:

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.

Lalo na part na bumulong ito sa tenga niya.

"An-anong cooking ka diyan! Gago ka ah! Umalis ka na nga!" Pulang pula ang buong mukha niya.

Nagtataka naman ito sa inaasal niya, doon siya parang nagising.

Dahil natuliro siya sa ginawa nitong pagbulong at dahil dumikit ang mainit nitong labi sa tenga niya, at sadyang madumi ang isip niya, ay ibang 'cooking' ang nandoon.

Tumigil ka nga Francine! Hindi luto ng Diyos ang sinasabi niya!

Napamura siya.

Ilang saglit na parang nalito naman ito.

"I thought you wanted help? Did you changed your mind already?" Takang tanong naman nito.

Hindi siya nagsalita, paano ba niya sasabihin ditong nag utak damo siya?

"H-hindi ko nasabi sa'yo ang desisyon ko dati" pag iiwas niya.

Nakita niyang natigilan ito.

"And your decision is..?" Pigil hininga ba ito?

"Yes..I accept" sabi niya ng mabilis, dati kasi nung sinabi nito sa kanya ang proposal nito bigla itong nawala, baka kung tumanggi siya ngayon ay bigla na naman itong mawala at baka hindi na niya ito makikita pa--

Natigilan siya sa pag iisip.

Ayaw na ba niyang mawala ito sa paningin niya?

Pinakiramdaman niya ang sinasabi ng puso niya.

Tama siya, ayaw niya ngang mawala ito sa paningin niya, ang rason?

Hindi niya din alam.

"Don't take back your words, Francine" sabi nito, unaware sa tumatakbo sa isip niya.

Kaya naman ngayon, salamin niya kung ano talaga ang nararamdaman niya dito, kung simpleng crush pa ba ito or sobrang attracted na siya dito.

"B-basta legal ang gagawin natin, Ivan" sabi niya dito, tinitigan siya nito.

"Don't worry..it will be" sabi nito.

---

Kinagabihan ay nung natapos na siya sa trabaho ay niyaya siya nitong kumain sa labas at para na rin daw pag usapan nilang dalawa ang gagawin nitong pagtulong sa kanya.

Sabi nito ay gusto siyang i-treat nito dahil namiss daw siya nito ng sobra, dahilan para mag alboroto ang puso niya sa sobrang pagtibok.

Umibis sila sa isang restaurant na mukhang sobrang mamahalin ang pagkain.

"Ivan? Hindi ba mukhang alangan ang suot ko?" Tanong niya dito matapos siyang pagbuksan ng pinto ng kotse nito at inalalayan siyang bumaba.

At parang gusto niyang pagsisihan ang tanong dahil nagtaas baba ang mata nito sa buong kabuuan niya.

"You're such a gorgeous woman, the place should be the one to be ashamed" sabi nito sa kanya at diretso ang titig nito, parang gusto niyang maniwala sa sinabi nitong talagang maganda siya.

Napapitlag siya  nung bigla hulihin ng malaking kamay nito ang mas maliit niyang kamay, agad na  nabalot ng mainit na singaw ng kamay nito ang buong kamay niya.

Ewan niya pero parang ayaw niyang alisin nito ang kamay sa kamay niya.

Pakiramdam niya hindi lang kamay niya ang kayang takpan ng init ng kamay nito, pati na din balutin ng init ng kamay nito ang buong pagkatao niya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon