Pending

38.4K 1.2K 28
                                    


Chapter 3:

Francine's POV:

Pasalampak siyang humiga sa sofa sa bahay nila ng Nanay niya, pagod na pagod siya sa maghapong trabaho.

Nag file siya ng leave para magpahinga naman siya dahil wala na siyang tigil simula pa nung bagong graduate siya.

Isang taon na nung naging regular siya sa isang TV station, at hanggang ngayon wala pa rin siyang big break, iyong tipong makikilala siya sa buong mundo?

Ayaw naman niyang humiling ng isang malaking sakuna para lang makilala siya, ang gusto niya iyong may mahuhuli siya.

Bumuntong hininga siya.

Tumayo siya at hinanap ang Nanay nila, nakita niya itong may nakapasak na headphone sa tenga nito.

"Nay" tawag niya dito.

Natawa siya at napailing.

Iyon kasi ang regalo sa kanya ng apo nitong lalaki at isa sa kambal na si Aleksandr, bale cellphone iyon na pinag ipunan ng kambal, at ibinigay nung pumunta ang mga ito sa pilipinas para magbakasyon.

Mahal na mahal ng Nanay nila ang mga apo nito, sabagay minsan lang kasi nito makita ang mga pamangkin niya.

Tatlong beses yata or apat.

Iyon din ang panahon na nakikita niya ang kapatid, maliban sa video call nila weekly.

Anim na taon na ang kapatid niya at pamilya nito sa Amerika.

Anim na taon...

Napasimangot siya.

Erase! Erase! Sabi niya sa isip at pilit na binubura sa alaala niya ang mga nakalipas na taon matapos niyang makuha ang first kiss niya..

Hindi! Ninakaw niya 'yon sa'kin!

Ang lalaking hanggang ngayon gumugulo sa isip niya.

Ang lalaking hindi niya talaga nakalimutan.

Pero mukhang siya, kinalimutan na nito.

Sa isiping iyon nag init ang ulo niya.

"Nay!"

"Ay kabayo ka!" Nagulat na sabi ng Nanay niya.

"Kainis kang bata ka! Bakit ka ba nanggugulat!" Nanlalaki ang matang sabi nito

"Kasi naman 'nay, tawag ako ng tawag sa inyo eh hindi niyo ako naririnig!" Sabi niya dito.

"Eh naka headphones eh" tila bale walang sabi nito.

Napailing siya.

"Kumain ka na ba, 'nay?" Tanong niya dito.

"Oo, ang tagal mo kasing umuwi eh, nandiyan na 'yong pagkain mo, kainin mo na, at baka maunahan ka pa ni Ming Ming" sabi nito, ang tinutukoy nito ay ang pusang Persian na alaga nito, na bigay ng bayaw niya.

Nalaman kasi nitong mahilig ang Nanay nila sa pusa, ayun, palakas.

Natawa siya sa iniisip.

Nagtataka siya sa Nanay niya, imported naman iyong pusa, pero tunog pusakal ang pangalan.

"Nanay, para namang kumakain 'yan ng kanin" sabi niya, naka cat food kasi iyon, at ang higaan sa tabi ng Nanay niya.

Sinabi niya dati na parang na baby na nang husto ang pusa.

At ang sinabi nito sa kanya ay..

"Mag asawa ka na kasi, para naman may baby na dito.."

Sinabi niya ditong ayaw niyang mag asawa.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon