Twenty Nine

1.1K 39 3
                                    

Inililibot ko ngayon ang tingin sa paligid ng maliit na Apartment ni Cara. Pang isang tao lang talaga ang pwede dito or pwedeng dalawa basta couple sila. Isa lang ang kwarto at maliit pa, gano'n din ang sala. Wait wala palang sala dahil wala namang sofa o kahit na anong makikita sa sala. Ang kusina naman meron nang gamit kahit papaano, pinamile niya daw 'yon bago siya tuluyang lumipat dito.

Haay! Kung ako ang kasama niya na pumili ng Apartment baka hindi ganito kaliit ang napili niya. Sinabihan ko siya na tawagan ako kapag hahanap na siya ng Apartment pero hindi naman niya ginawa dahil daw biglaan lang din daw ang pagtulong sa kanya ni Ansel na makahanap ng Apartment.

“So, anong tingin mo sa bahay ko?” Tanong niya habang nakaupo siya sa sahig at iniisa-isa niyang inilalabas ang gamit niya sa bag niya.

“Pwede na, pero maliit siya.”

“Ako lang naman kasi ang titira dito nu! 'Tsaka for sure lagi akong nasa galaan kesa nandito sa bahay.”

May point siya. Baka maging busy din siya sa mga gig nila.

Chineck ko na lang muna ang mga bintana kung maayos ba, gano'n ang lock ng pinto. Mahirap na, mag isa lang siya dito baka bigla na lang siyang pasukin dito. Kampante ako noong nasa dorm siya kasi naman marami siyang kasama do'n pero dito, siya lang mag isa kaya nag aalala ako.

“Ano ba 'yang ginagawa mo?” Dinig kong tanong niya.

“Chinicheck ko lang 'yong lock baka kasi madali 'tong masira.”

“Na check na 'yan ni Ansel.”

Siya na naman? Haay! Akala ko ba bawal siyang pormahan ng ka-bandmate niya? Eh kunti na lang iisipin kong pinupormahan na niya si Cara eh.

“Anyways, mag papainum ako mamayang gabi. Niyaya ko mga ka-banda ko. Pumunta ka ha! Isama mo sila Shaun.”

“Para saan at bakit ka magpapainum?”

“Para dito sa bago kong bahay.”

“I see.”

Umupo nalang din ako sa sahig pero pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya at tinititigan siya. Ngayong settled na siya sa tutuluyan niya dapat ko na bang sabihin sa kanya 'yong tungkol sa pag alis ko?

Sa lahat ng kaibigan ko siya na lang ang hindi nakakaalam.

“Oh bakit tumahimik ka dyan?” Tanong niya.

“Uh... Kasi...” Kumamot ako sa likod ng ulo ko.

“May sasabihin ka ba? Ano 'yon?” Tama! Dapat siguro sabihin ko na sa kanya.

“Uh... Si Mama kasi, gusto niyang sa Australia ko na ituloy ang pagaaral ko.”

Nahinto siya sa ginagawa niya at napatitig sa'kin dahil sa gulat.

“What?”

“Sorry, ngayon ko lang sinabi.”

“Iiwan mo na din ako?” Parang nag babadya ang mga luha niya na bumagsak. Shit! “Ikaw na lang ang meron ako Third tapos iiwan mo na din ako?”

“Lalayo lang naman ako eh, hindi naman ako mawawala. Pwede pa rin naman tayong magtawagan. You can call me anytime you want.”

“Pero iba pa rin pag nandito ka.” Her tears starts to fall.

“Haay! 'Wag ka ng umiyak, mahihirapan lang ako lalong umalis niyan eh.”

She wipes her tears in a very unladylike. “Sorry.”

Hinawakan ko ang mga kamay niya. “Tatawag ako palagi pangako ko 'yan.”

“Mahal ang long distance call.”

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now