Eleven

1.5K 73 2
                                    

“Jays, nandito sila Paulo.” Dinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Ano naman kayang kailangan nila sa'kin? Ayoko pa namang lumabas ng bahay. Na iinis pa din ako dahil sa pagseselos ko do'n s a best friend ni Cara. Hindi din mawala sa isip ko ma do'n pa sa bahay niya matutulog ang lalakeng 'yon.

“Pakisabi na lang Ma, wala ako sa mood mag basketball ngayon!” Sagot ko.

Nag bukas ang pinto at si Mama ang nakita ko. “May sakit ka ba?” She asked.

Umiling ako. “Wala po, ayos lang ako. Wala lang talaga ako sa mood. Pakisabi na lang po.”

“Okay.” Lumabas na ulit si Mama ng kwarto ko kaya na iwan na ulit ako ditong nag mumukmok.

I don't know kung ilang oras na 'kong nandito sa kwarto ko nang hindi lumalabas. Lumalabas din naman pero para kumain at uminum lang ng tubig. Babalik din naman agad ako sa kwarto ko para magkulong. Hindi ko alam pero wala talaga ako sa mood gumawa ng kahit na ano.

Nakarinig ulit ako ng katok sa labas ng kwarto ko.

“My Love,” Bigla akong napaupo sa pagkakahiga dahil ang narinig kong boses sa labas ay ang boses ni Cara ko.

What is she doing here? Wala na ba 'yong bisita niya?

Anong gagawin ko? Naka boxer lang pa naman ako.

“I'm going to open this.” I heard her said. Hindi na 'ko nakasagot dahil binuksan na niya 'yong pinto.

“Hi!” Bati niya pagbukas niya ng pinto.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“Kasi hindi ka nagpapakita at nagpaparamdam sa'kin, nag alala ako. Tapos nakasalubong ko pa sila Paulo, ang sabi nila pinuntahan ka nila dito pero hindi mo naman sila nilabas. Naisip ko baka may sakit ka kaya pumunta ako.”

“Wala akong sakit.”

Nag lakad siya papalapit sa'kin. Umupo siya sa kama at hinaploa ang forehead ko. “Wala nga. Pero bakit hindi ka nagpapakita?”

“Wala lang.” Ayokong sabihin sa kanya.

“Nagpapa-miss ka ba? Effective siya.”

“Talaga? Namiss mo 'ko? Parang napaka imposible nun dahil nasa bahay n'yo 'yong best friend mo! Baka nga buong araw kayong nag kwentuhan eh! Habang ako nandito lang sa kwarto ko at nag mumukmok!”

“Nag seselos ka pa din kay Thrid?”

“Oo! Kahit anong reassured mo sa'king best friend mo lang siya, magseselos at magseselos pa din ako dahil kahit baliktarin mo ang mundo, lalake siya!”

“Okay. I understand.” She holds my hand. “Tatandaan ko na laging seloso ang Love ko. Just please, bati na tayo. Miss na kita, halos isang araw kang hindi nagpakita. Hindi ako sanay.”

Bumuntong hininga ako. Miss ko din naman siya eh, kaya nga siguro hindi maalis 'tong pagmumukmok ko dahil hindi ko siya nakikita. Ayaw ko naman kasing istorbohin siya sa best friend niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya at hinalikan ko siya sa labi niya. Siya naman agad 'tong bumitaw sa halik ko sa kanya.

“Ano ba, baka biglang magpakita si Tita. Baka kung ano pang isiping ginagawa natin.” She scolded.

I pout. “Akala ko ba miss mo 'ko?”

“Oo nga.”

“Kung gano'n, kiss mo pa 'ko.”

She chuckled. “Pumaparaan ka na.”

“Kung gano'n mag tatampo pa din ako.” Pabiro kong pagbabanta.

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now