Twenty Eight

1K 37 3
                                    

Nasa tapat ako ng dorm ngayon ni Cara. Hinihintay ang pagbabalik niya, ngayon na kasi ang araw nang pagbabalik niya. Na ibigay ko na sa kanya ang one week na gusto niyang mapagisa kaya kapag hindi pa siya umuwi ngayon, i swear pupuntahan ko na talaga siya sa bahay nila.

Araw-araw ko din naman siya tinatawagan para i-check kung ayos lang siyang magisa sa bahay niya and thankfully sinasagot naman niya ang tawag ko kaya medyo nakakampante akong ayos nga lang siya.

Pero kahit alam kong ayos siya hindi ko parin maiwasang magalala kasi naman hanggang ngayon wala pa din siya. Naiinip na 'kong maghintay dito sa labas, bawal pa namang pumasok ng lalake sa dorm nila kaya hindi ako makapasok para do'n maghintay.

May huminto na pulang Oner type jeep sa tapat ng Dorm, napatitig ako dito dahil parang pamilyar ito. Bumaba mula sa driver's seat si Cara kaya napahinga ako ng maluwag nang makita siya. Ngayon alam ko na kung bakit parang pamliyar 'to, Oner 'to ni Tita. Gagamitin na niya siguro ngayong wala na si Tita.

Wala na ang malungkot na awra ni Cara sa kanya pero pumayat naman siya.

Kinaway niya ang kamay niya sa'kin nang makita ako at ngumiti pero 'yong ngiti niya hindi pa din katulad nang dati niyang mga ngiti na mahahawa ka at mabibihag ka.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at kinuha ang bitbit niyang bag.

Tinuro ko 'yong oner na parang nag sasabi kung bakit niya dala ito.

“Gagamitin ko na kesa mabulok lang do'n sa bahay.” Sagot niya.

Tama nga ako ng hinala.

“I see. Mabuti naman dumating ka na, kanina pa 'ko nag hihintay sa'yo.”

She chuckled, weakly. “Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Ayos lang ako. I just really need time to be alone.”

“Oo nga pero mukhang pinabayaan mo naman sarili mo. Ang payat mo na oh!”

“Don't worry, babawi na 'ko ng kain mula ngayon.”

“Dapat lang.”

Bigla niya akong niyakap. “I miss you, Third.”

I smiled, fondly. “I miss you too and I'm really happy to see you.”

“Hindi ako nakapagpasalamat sa lahat nang ginawa mo noong lamay ni Mama hanggang sa burial niya. Hindi mo 'ko iniwan, maraming salamat.”

“Hindi mo kailangang magpasalamat. That's what friends are for, right?”

“You're right.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa'kin nang may ngiti sa labi.

“Papasok ka na ba ulit sa school?” Tanong ko.

She shakes her head. “Actually, plano ko nang mag stop.”

“Ano?! Pero bakit?”

“Wala na kasi 'yong nag iisang dahilan para tapusin ko pa 'yong pagaaral ko. Si Mama lang naman ang dahilan ko kung bakit ko gustong maka-graduate pero ngayong wala na siya, wala na 'kong makitang rason para ituloy pa ang pagaaral.”

“Siguradong hindi magugustuhan ni Tita kung hihinto ka.”

She shrugged. “Buo na ang desisyon ko. Sa langit na lang siguro niya ako sermunan.”

“Sigurado ka ba talaga dyan?”

She nodded. “Oo.”

“Eh anong plano mong gawin kung hihinto ka?”

“Plano kong ituloy ang pagbabanda dahil 'yon na lang ang nagpapasaya sa'kin at plano ko na ding humanap ng bagong lilipatan, maybe maliit na Apartment na malapit sa mga gig namin para hindi ako hassle sa byahe.”

“'Yan siguro ang pinagisipan mo habang nando'n ka sa bahay nyo.”

“Gano'n na nga.”

“Kung gano'n tutulungan kitang humanap ng Apartment.”

She smiled. “Salamat.”

“Welcome.”

Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko settled na siya bago ako umalis. Well ilang buwan pa naman 'yon pero gusto ko pa ding siguraduhing ayos na talaga ang lahat sa kanya bago ako umalis.

Wala pa siyang idea tungkol sa pagalis ko. Wala din akong idea kung kailan ko sasabihin sa kanya. Baka kasi malungkot lang na naman siya sa ibabalita ko kaya mas mabuting hindi pa ngayon, hahanap pa 'ko ng tyempo.

Kinuha niya ang bag niyang bitbit ko. “Papasok na 'ko, aalis din kasi ako agad para magpakita sa mga ka-banda ko. Alam nilang ngayon din ang uwi ko eh. Salamat sa paghihintay sa'kin.”

“Sige, sabihan mo lang ako kung kailan ka mag hahanap ng Apartment.”

“Okay.” She kissed my cheek then sinimulan na niya ang mag lakad papasok ng dorm niya. Pinanuod ko muna siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Naglakad na 'ko papunta sa kotse ko, sumakay ako dito at pinagana ang makina nito. Sinimulan ko din naman na ang byahe ko pauwi.

Wala pang trenta minutos ang naging byahe ko para makauwi at sa labas palang ng Apartment ko nakita ko si Danna.

Bumusina ako para makuha ang atensyon niya. Tumingin din naman agad siya sa direksyon ng kotse ko. Itinabi ko lang muna ang kotse, pinatay ko ang makina nito 'tsaka ako bumaba.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“Totoo ba 'yong sinabi nila Rocco?”

“Ang alin?”

“Sa ibang bansa ka na daw mag aaral?”

Kung gano'n sinabi na pala nila Rocco sa kanya. Sa kanila ko palang kasi 'to nababanggit eh.

“Pumasok muna tayo.” Sabi ko. Ako na ang naunang mag lakad papasok ng Apartment habang siya naman ay nakasunod lang sa'kin.

Dumiretso kami sa sala 'tsaka ko siya pinaupo sa sofa. “May gusto ka bang inumin?” Tanong ko.

She shakes her head. “Sagutin mo na lang 'yong tanong ko.”

“Totoo 'yon. Inaasikaso ko na 'yong papers ko para do'n.”

“Pero bakit? Anong dahilan mo? Si Cara ba?”

“May part na si Cara ang dahilan pero 'yon din kasi ang gusto ni Mama. Si Mama ang nakaisip nun, dinagdag ko lang na dahilan ang makalimot sa feelings ko for Cara.”

“Hindi ka na ba mapipigilan?”

“Hindi na.”

“Kahit ni Cara?”

“I don't know, wala pa siyang idea sa pagalis ko at wala namang magbabago kahit pigilan niya 'ko eh. For her best friend niya lang ako. Mas lalo lang akong mahihirapan kung araw-araw niya lang na ipaparamdam sa'kin 'yon.”

“Kailan mo sasabihin?”

“Hindi ko alam, siguro pagnatapos ko nang asikasuhin ang papers ko.”

“I see.” Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“Ayos ka lang ba? Bakit parang malungkot ka? Don't tell me ma-mi-miss mo 'ko?” Pabiro kong sabi para naman mag light ang mood niya.

“Gano'n na nga.” Seryoso niyang sabi. “Matagal na kitang gusto Kris, bulag ka lang dahil sa feelings mo para kay Cara.”

Fuck! Her confession took me off guard.

Tumayo siya. “Anyways, kung hindi ka na talaga mapipigilan wala naman akong magagawa. Magingat ka na lang do'n.”

Naglakad na siya palabas ng bahay nang hindi manlang ako hinihingian ng isasagot sa mga sinabi niya. Kung sabagay hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sa kanya dahil ito ang unang beses na may nag confess sa'kin na babae tapos si Danna pa. Totoo nga pala ang hinala nila Shaun na may feelings sa'kin si Danna! Ang tanga ko! Ginamit ko pa siya para pagselosin si Cara. Haay!

To be continued...

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon