Twenty Two

1K 37 6
                                    

Nakaraning ako ng katok mula sa labas ng Apartment ko na bumasag sa pakikinig ko ng music dito sa sala.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at naglakad papalapit sa pinto 'tsaka ko binuksan ang kumakatok.

Sa bukas ko, si Cara ang nakita ko na may bitbit na beer.

“Hi Third, celebrate tayo?” Nakangiti niyang tanong.

“Ano namang i-ce-celebrate natin?” Tanong ko.

She rolled her eyes. “Ano pa nga ba? E di 'yong pagkapasok ko sa The Street!”

“Ah Oo nga pala.” Do'n nga din pala siya galing ngayon dahil ngayong araw siya pinakilala ni Dorothy sa mga ka-banda niya.

Pumasok na siya sa Apartment at dumiretso sa pagupo sa sofa habang ang dala niyang beer ay nilapag niya sa lamesa.

“Nangyari sa pagpapakilala sa'yo ni Dorothy sa mga ka-banda mo?” Tanong ko sabay upo sa tabi niya.

Ipinatong ko sa sandalan ng upuan ang braso ko kaya parang naka-akbay ako sa kanya.

“They're super nice and friendly, and... also cute.”

“Cute?” Kunot noo kong tanong.

Tss!

“Yup!” Kumuha siya ng beer at inabot 'to sa'kin. “Paki-open.”

Kinuha ko 'yon at binuksan tulad ng sabi niya 'tsaka ko din naman agad na ibinalik ito sa kanya.

“May natipuhan kang band member?” Tanong ko ulit.

She laughed. “It doesn't matter.”

“Ah, so may natipuhan ka nga.” I sounded bitter.

“Yeah but like what i said it doesn't matter.”

“Why?”

“Dahil may rule si Dorothy sa boys at 'yon ay bawal akong pormahan.”

Oh great! Hallelujah! Thank you Dorothy!!

“Na disappoint ka ba sa rule ni Dorothy?” Tanong niya.

“Naah!” She said shaking her head.

Kumuha na din ako ng beer at binuksan ito.

“Anong pangalan ng natipuhan mong band member mo?” Tanong ko ulit sabay inum ng beer.

“Ansel, siya 'yong pianist at vocalist din ng banda.”

Ansel? Kung gano'n siya pala ang dapat kong bantayan.

“So, siya pala ang makaka-duet mo?”

She chuckled. “Gano'n na nga.”

“Kailan ka kakanta kasama nila?”

“Ipapakilala nila 'ko sa Acquaintance Party natin sa school. Mag pe-perform daw kasi ang banda namin sa gabing 'yon.”

Acquaintance Party? Next month na 'yon.

“So parang launching mo na 'yon?”

“Parang gano'n na nga.” She grinned.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Mamimiss ko 'to.” She murmured.

“Ang alin?”

“Itong paguusap natin. Itong best friend to best friend moment natin.”

“Bakit mo naman mamimiss? Bakit magiging busy ka na ba sa pagbabanda mo? Manunuod naman ako lagi ng gigs n'yo eh.”

“Hindi tungkol sa pagbabanda ko ang dahilan. Kasi malapit ka nang magka-girlfriend at syempre bilang respeto sa girlfriend mo babawasan ko na ang pagiging clingy ko.”

“Paano ka naman nakakasiguro na malapit na 'kong magka-girlfriend?”

“Dahil sure akong sasagutin ka ni Danna. Kitang-kita ko sa kanya na gusto ka talaga niya.”

Wow! Gano'n ba kagaling umarte si Danna para makita 'yon ni Cara?

“Gano'n ba.” Matipid kong sagot. “H-hindi ka ba magseselos?” Tanong ko para malaman ko kung nag wo-work ba talaga ang pagpapaselos namin sa kanya.

Inalis niya ang pagkakasandal niya balikat ko. “Kay Danna? Ba't naman ako magseselos sa kanya? Masaya pa nga 'ko dahil finally magkaka-girlfriend ka na.”

“Talaga?” I sounded disappointed.

She nodded. “Susuportahan kita katulad kung paano mo 'ko suportahan sa'min noon ni Love at kapag sinaktan ka niya i promise,” Tinaas niya ang kanang kamay niya. “Hindi rin kita iiwan tulad nang ginawa mo noong brokenhearted ako.”

I smiled, weakly. “Salamat.”

She smiled, sweetly. “Anything for my best friend.” She kissed my cheek then sinandal niya ulit ang ulo niya sa balikat ko.

Mukhang hindi nga talaga gumagana. Useless kung itutuloy pa namin ni Danna 'yong ginagawa namin. Siguro nga oras na para umamin lalo na ngayon dahil may natipuhan pa siyang band member niya. Siguro nga may rule pero ang rule ay ginawa para i-break ng iilang matitigas ang ulo. Paano kung 'yong Ansel na 'yon i-break ang rule at pormahan si Cara?

Kailangan ko nang gumawa na move para hindi na mapunta pa sa iba si Cara at baka masaktan lang siya ulit tulad nang nangyari sa kanila nung Jayson Love na 'yon.

“Cara,” Tawag ko sa kanya.

“Hmm?” She hummed.

“Uh...” Heto na naman. Sa tuwing na iisip kong aminin na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, bigla na lang akong nawawalan ng sasabihin.

Inalis niya ulit ang pagkakasandal niya sa balikat ko. “Ano 'yon?” Tanong niya.

“Ang bigat ng ulo mo.”

“Tss. Oo na, hindi na 'ko sasandal sa'yo!”

Haay! Inatake na naman ako ng pagiging torpe ko. Kainis!!

Bigla tuloy pumasok sa isip ko 'yong pabirong suggest ni Rocco kung paano ko sasabihin kay Cara na gusto ko siya... ang halikan na lang siya. Kaso kapag ginawa ko 'yon baka hindi lang pag basted ang gawin niya sa'kin baka sampalin na din niya ako at mas worst, magalit siya sa'kin.

Nakakabaliw na 'to, kailan ko ba masasabi sa kanya 'tong lihim kong pagtingin sa kanya?

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now