Fourteen

1.3K 62 4
                                    

Everyone is so noisy, gathering around with their group of friends. All of them are laughing, chatting to enjoy their little time na magkakasama nila ang isa't-isa dahil sa nalalapit na ang graduation.

Some are talking about the school na gusto nilang pasukan. Matagal na naming napagusapan ng mahal ko ang tungkol sa school na papasukan namin kaya hindi na 'ko nag iisip pa tungkol do'n.

And also ang darating na Graduation Ball bukas ng gabi na gaganapin lang din dito sa school.

Mabilis lang na lumipas ang mga buwan pero kahit gano'n itong feelings ko for my girlfriend ay walang pinagbago. Mas lalo pa ngang lumalim. Kahit araw-araw ko siyang kasama walang dull at boring moment. Wala ding sawa moment. Gano'n din ang nararamdaman ko sa kanya tuwing kasama niya 'ko. Hindi nawala ang pagiging malambing niya kahit na ilang buwan na kaming mag boyfriend/girlfriend. 'Yon ang dahilan kung bakit mas lalo pang lumalim ang feelings ko for her.

May mga fights din naman kami pero hindi malalim na away. Like kapag naglalaro ako ng counter strike with our guy friends. She doesn't like that lalo na kung hindi ako nagpapaalam at kinakalimutan kong mag review. Most of our fights 'yon ay dahil sa pagpapasaway ko pero mabilis niya lang ako napapatawad dahil sa paglalambing ko.

I'm just staring at her right now while she's talking animatedly at Fiona. I'm really in love with her.

“Jays!” Tawag ni Fiona sa'kin kaya naputol ang pagiisip ko.

“What?” I asked her.

“Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang kay Cara.”

“Gano'n ba, pasensya na.” Natawa lang si Cara sa sinabi ko. “Bakit mo ba 'ko tinatawag mo?” Tanong ko.

“Cara and i talking about the graduation ball tomorrow. I asked Cara kung may susuotin ka na, ang sabi niya ikaw ang tanungin ko dahil mukhang wala ka daw interest do'n.”

“Oh! 'Yon ba?” Wala talaga sana akong planong pumunta do'n kasi parang boring naman kaya lang pupunta daw si Cara kaya syempre kailangan kong pumunta. Mahirap na, baka may mga lalake dyang hinihintay lang na wala ako sa tabi ni Cara 'tsaka sila poporma sa kanya.

“Meron na.” Sagot ko.

“Talaga?” Cara asked me.

“Oo, nagpabile na 'ko kay Mama kahapon.”

“Oh good! Akala ko wala na 'kong datw nun eh.”

“Pwede ba naman 'yon?”

“Hindi talaga kayo mapag-hiwalay ah.” Fiona comments.

I shrugged, grinning. “Gano'n talaga.”

“'Di ba same University din kayo? Same course din ba?”

“Nope. Civil Engineering ang kukunin ni Jays while me Business Administration.” Sagot ni Cara.

“May Fine arts ba do'n?” She asked. Hindi na nakakapagtaka na 'yan ang kukuning niyang course kasi naman, magaling talaga siyang nag drawing.

“Why? Do'n ka na din magaaral?” I asked.

“Kung may Fine arts, why not? Honestly hindi pa din ako dicided kung saang school papasok kaya naghahanap ako ng option.”

“Hindi ko alam kung meron eh. Pero may website sila if you want samahan kitang tumingin sa website nila para makasiguro.” Cara said.

“Okay, gawin natin 'yan mamayang uwian.”

Nang dumating nga ang oras na ng uwian...

Tulad nga ng offer ni Cara kay Fiona dumiretso kaming tatlo sa computer shop para tignan nilang dalawa ang website nang Alfaro University. Pero kung sila titingin sa website ako naman ay mag co-counter strike na lang muna para naman hindi ako mainip sa paghihintay sa kanila.

Dalawang computer lang ang ginamit namin, nag share 'yong dalawa sa isang computer while me nag rent ng isang computer.

Sinimulan ko na ang maglaro at hinayaan na sila sa gusto nilang gawin.

Nasa gitna ako ng page-enjoy sa paglalaro nang tinawag ako ni Cara.

“Love,”

“What?” I asked. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil ang focus ko nasa game.

“Wala 'yong course mo sa Alfonso University.”

“What?!!” Bigla kong na ibaling ang tingin sa kanya.

“Wala 'yong gusto mong course sa Alfonso University.”

“Bakit wala sila?”

“I don't know!”

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nakitingin ako sa monitor at isa-isang tinignan ang offer na courses nila pero tama si Cara walang Civil Engineering na offer ang school.

Kung gano'n paano 'to? Sa simula palang 'yon na nag course na gusto ko. Shit!

“Buti na lang pala tinignan natin 'to. Makakahanap ka pa ng school na may nag o-offer ng Civil Engineering.” Cara said.

“What? What do you mean? Sa iba School na 'ko papasok?”

“Yup, dahil wala namang Civil Engineering sa Alfonso.”

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. I don't know what to say, I'm so disappointed. Ang tagal nang plano 'to tapos magbabago lang ng ganito? No! I won't allow that!

We decided na umuwi na, after masira ng website na 'yon ang plano namin. Sinira din nun ang mood ko.

As always hinatid ko si Cara hanggang bahay niya, pumasok na din muna kami at dumiretso sa sala 'tsaka umupo sa sofa.

“Kanina ka pa tahimik.” Kumento niya.

“Hindi lang ako makapaniwalang wala pa 'yong course ko do'n sa school na gusto mo.”

“Maganda ngang maaga natin nalaman 'di ba? At least makakahanap pa tayo ng school for you.”

“Pero gusto ko sa Alfonso dahil nando'n ka. 'Yon ang plano natin sa simula palang at ayokong baguhin 'yon.”

“Pero wala naman tayong magagawa, wala 'yong course mo do'n.”

“Magpapalit na lang ako ng course.”

“What? No! I won't allow that!”

“'Yon lang ang paraan para magkasama pa din tayo sa school or pwede rin namang humanap nalang tayo ng school kung saan may engineering at business administration.”

“Wala sa kahit na anong sinuggest mo ang gusto ko! Hindi ako magpapalit ng school dahil alam mong dream school ko 'yon at ayokong baguhin mo ang course mo dahil dream mong maging tulad ng Papa mo.”

“Eh anong gusto mo? Magkaiba tayo ng school?”

“Why not? Kung 'yon ang magiging way para matupad 'yong pangarap natin.”

“No! Hindi 'yon ang plan natin. Ang plano, sa same school tayo para magkasama pa din tayo!” Pagmamatigas ko.

She sighed, shaking her head. “Pero wala na nga tayong magagawa!”

“Meron, magpapalit ako ng course.”

“You know what, pagisipan mo nalang mabuti 'yan. Ayokong magpadalos-dalos ka sa pagbabago ng course mo.”

I sighed. “Okay.” Pero mukhang kahit ano naman atang isip ko walang magbabago. It's either, magpapalit kami ng school kung saan merong offer na course na gusto namin or magpapalit ako ng course.

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now