Sixteen

1.3K 60 6
                                    

Krisostomo Tan III

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Krisostomo Tan III

Two Years After...

Tunog ng paulit-ulit na doorbell ang gumising sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ko at tinignan ang oras dahil sa liwanag ng cellphone ko halos masilaw ako kaya isang mata lang ang nakadilat sa'kin. Tinignan ko ang oras and it's almost 2am.

Urgh! Sino ba 'yon?

Bumangon ako ng kama ko, binuksan ko ang ilaw 'tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto ko.

Dumiretso ako sa pagbukas ng pinto para pagbuksan na 'yong walang tigil na nag do-doorbell.

Pagbukas ko ang best friend kong si Cara Morris ang nakita ko na mukhang lasing. Hindi lang mukhang lasing, amoy alak din siya.

“Third!” She opened her arms na parang handa na 'kong yakapin. She tried to step forward pero natumba siya buti na lang nasalo ko siya.

“You're drunk again!” I scolded her. Kapag ganyan siya laging kalasing, dito siya laging dumidiretso para makitulog.

“Mmm.” She just hummed.

Haay! Binuhat ko na lang siya at sinarado ang pinto. Pinasok ko siya sa kwarto ko at inihiga sa kama ko. Tinanggal ko ang sapatos niya at hinayaan lang ito sa sahig.

Ngayong nakahiga na siya ang bilis niyang nakatulog. Lasing na lasing siya kaya ang bilis niyang bumagsak.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya. Hindi naman siya dati mahilig uminum pero ngayon hindi natatapos ang linggo na hindi siya nalalasing nang ganyan.

Nag simula siyang uminum ng uminum nang may nag advice sa kanya na magandang makalimot kung iinum ka ng alak. Brokenhearted siya nang mga araw na 'yon sa first love/boyfriend niyang si Jayson.

Gustuhin ko man siyang pigilan ayaw naman niyang papigil lalo na't lagi niyang sinasabi sa'kin na Please, gusto ko lang makalimot kahit sandali.

Nasasaktan ako para sa kanya noon pero wala naman akong magawa kundi damayan lang siya. Nang tanungin ko naman siya kung bakit pa niya naisipang hiwalayan si Jays kung mahal niya talaga 'to ang sagot niya lang sa'kin ay para 'yon sa kanya.

Iba ang tama niya sa lalakeng 'yon, sobra niya 'yong iniyakan. Nasaksihan ko 'yon mula sa paguwi niya noon galing sa Graduation Ball hanggang sa mag simula na siyang mag aral sa Alfaro University.

Hindi ko nga alam kung naka move on na ba talaga siya do'n kasi naman balik siya sa dati na walang pinapansin na manliligaw.

Madaming gustong manligaw sa kanya sa school pero ni isa ayaw niyang pansinin. 'Yong iba naman napapa-atras dahil inaakala nila na boyfriend ako ni Cara.

Sana nga boyfriend niya 'ko pero hindi eh. Matagal na 'kong may lihim na pagtingin sa kanya pero ang tingin lang talaga niya sa'kin ay best friend. Pero hindi ko pa naman inaamin sa kanya 'yong nararamdaman ko sa kanya, natatakot din ako dahil baka i-reject niya 'ko tulad ng iba and mas worst layuan niya 'ko dahil sa feelings ko para sa kanya.

Lumabas na lang ako ng kwarto at hinayaan na siyang matulog. Pumunta ako sa sala at sa couch na humiga. Dito na 'ko matutulog, baka kasi kung tabihan ko siya hindi ko mapigilan ang feelings ko para sa kanya.

I don't want to do that, i respect her.

Ipinikit ko na 'yong mga mata ko para matulog na ulit.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang una agad na pumasok sa isip ko ay ang best friend kong nasa kwarto ko ngayon.

Bumangon ako nag lakad papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko, she's still sleeping deeply. I looked at my wall clock. Four hours na lang oras na nang pagpasok niya sa school.

“Cara!” I wake her up. Kung hindi ko siya gigisingin ngayon siguradong ma-le-late siya sa klase niya.

Hinawakan ko siya sa balikat niya at ginising muli. “Cara, wake up!”

Nag palit lang siya ng posisyon sa paghiga imbes na gumising.

“Cara!”

“Mmm. Third masakit ulo ko.”

“Kasalanan mo 'yan, nagpakalasing ka na naman eh.”

“You're so mean!”

“Bumangon ka na dyan! Alam mo dapat hindi ka basta-basta nakikitulog sa bahay ng lalake eh!”

“Ikaw naman eh.”

“Mabuti nga ako eh, paano kung iba at mag take advantage sa'yo?”

“Hindi mo naman gagawin 'yon eh.”

Wala kang lang idea kung gaano ako nagpipigil na may gawin.

Minulat niya ang mata niya at tumingin sa'kin. “Ikuha mo naman ako ng tubig, please?”

“Okay.” Lumabas na 'ko ng kwarto ko, dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng baso, kinuha ko din ang pitsel sa ref 'tsaka ko sinalinan ito ng tubig.

Bumalik ako sa kwarto na bitbit ang tubig na kailangan niya. Pagpasok ko ng kwarto nakaupo na siya ngayon sa kama habang nakahawak sa ulo niya.

“Here!” Inabot ko 'to sa kanya at kinuha din naman agad niya 'to para inumin.

“Ano ba'ng meron at nalasing ka na naman?” Tanong ko.

“Birthday nung classmate ko.”

“'Pag nalaman ni Tita na umiinum ka nang gano'n siguradong masesermunan ka.”

“I know, hindi mo naman sasabihin 'di ba?” Nag smile siya ng pa-sweet. I hate it when she's doing that smile it melts my heart.

“Hindi ko nga siguro sasabihin pero hindi pa rin maganda na umiinum ka ng sobra.”

“Alam ko po!”

I sighed. “Kung gusto mo talagang magpakalasing, bakit hindi nalang ako ang yayain mo?”

“Ang hina mo kayang uminum.”

“At least mapagkakatiwalaan akong tao.”

She chuckled. “Next time, Third.”

“Okay. Wala ka bang klase?”

“Meron anong oras na ba?”

“7am.”

“Shit!” Bigla siyang napabangon sa kama na may kunting pagpapanick. Pumasok siya sa bathroom ko para maghilamos at mag toothbrush. Yup! May toothbrush siya dito, dahil nga tuwing lasing siya dito siya natutulog at minsan nakiki-kain siya dito.

Ngayong wala na siya sa kama. Niligpit ko na lang muna ito habang hinihintay siyang matapos. Nang matapos kong linisin ang kama ilang sandali lang lumabas na si Cara sa bathroom.

Nag madali siyang kunin sa sahig 'yong sapatos niya at sinuot ito. Nang masuot niya 'to lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa pisnge.

“Thank you for letting me stay again.”

“You are always welcome.”

“I have to go. Love you!” She kissed my cheek again.

“Love you too.” Maraming beses na niyang sinasabi ang mga salitang i love you sa'kin pero bilang kaibigan lang. Pero ako tuwing sinasabi kong mahal ko siya hindi dahil mahal ko siya bilang kaibigan kundi dahil... talagang mahal ko siya.

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now