Nine

1.6K 76 4
                                    

Lumabas na kami ni Cara sa classroom. Uwian na namin.

Hawak ko lang 'yong Teddy bear na bigay ko sa kanya, dahil masyado na siyang maraming hawak. Isa na do'n 'yong bulaklak at 'yong kamay ko.

Holding hands kami habang nag lalakad sa Hallway. Sobrang laki ng ngiti ko dahil finally girlfriend ko na siya. Sayang nga lang walang kiss kasi naman ang daming nanunuod sa'min kanina. Tsk. Gusto ko pa naman siyang halikan.

“Par, ang laki ng ngiti natin a!” Kumento ni Paulo sabay tawa ng malakas nang makasalubong namin siya.

“Kanina pa nga sila ganyan kahit sa classroom e.” Kumento naman ni Fiona.

“You can't blame me.” Hinalikan ko ang kamay ni Cara na hawak ko 'tsaka ko siya kinindatan. “Ang ganda kasi ng girlfriend ko e.”

Cara laughed. “Korni mo, Love.”

I just make a pa-cute face.

“Sige na, mauna na kami sa inyo!” Paalam ko sakanila. Hinila ko na si Cara papunta sa parking dahil gusto ko na siyang ma-solo.

Habang papunta kami ni Cara sa parking, pinagtitinginan kami ng mga schoolmates namin. Buti naman nakikita ng iba na ka-holding hands ko si Cara para malaman na ng lahat na akin na siya. Sa simula palang akin na siya.

Nang makarating kami sa parking ni Cara. Inabot ko muna sa kanya 'yong teddy bear para makuha at mapagana ko ang makina nito. After kong mapagana ang ang makina, sumakay na si Cara 'tsaka ko sinimulan ang pagmamaneho.

Nang makarating naman kami sa bahay niya. Bumaba na siya sa motor habang ako naman ay itinabi lang muna ang motor ko 'tsaka ko pinatay ang makina nito.

Pumasok kaming dalawa sa bahay niya, dumiretso kami sa sala. Nilapag niya sa maliit na lamesa 'yong bulaklak na binigay ko sa kanya habang sa sofa naman niya nilapag ang bag at teddy bear.

Umupo siya sa sofa katabi ng Teddy bear niya habang ako nakatayo lang sa harap niya.

“Bakit hindi ka umuupo?” Tanong niya.

“I want to kiss you.” Pagamin ko. Kanina ko pa 'tong gustong gawin at ngayong solo ko na siya mas lalo akong nakakaramdam ng kagustuhang halikan siya.

She chuckled. “What?”

“I want to kiss you!” I repeated.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. “Uh... Can we do it kapag 18 na tayo?”

“18?! You want me to wait two years to kiss you?”

“Yeah! Can you do that?”

Napatitig lang ako sa kanya habang speechless. I can't find a word to answer her dahil ayokong magsinungaling sa kanya na kaya kong mag hintay ng dalawang taon. Baka kasi bigla ko nalang siyang halikan kaya ayaw kong mangako.

Bigla naman siyang tumawa na ipinagtaka ko.

“I'm just joking, Love!” She said laughing.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya kahit na pinagtripan niya 'ko.

I grabbed her waist at pinagdikit ko ang katawa namin. “So, pwede na kitang halikan?” I asked. Kailangan ko pa din ng permiso mula sa kanya.

She touched my both cheeks. “Yes, you can.”

And since may signal na 'ko mula sa kanya, hindi na 'ko nag sayang ng oras para halikan siya sa labi. I just give her a swift sweet kiss, perfect for our first official kiss as a couple.

“Happy?” She asked after ko siyang halikan.

“I'm super happy.”

She giggled. “Like wise, Love.”

“Pwede bang 'wag na lang Love ang itawag mo sa'kin? I feel like you're just calling me on my name. Gusto ko ng Sweetie or baby, babe-”

“Wait!” She stopped it.

“How about my Love? Coz your mine now.” She winked.

I grin, biting my lower lip. “Perfect. May na isip na din akong itatawag sa'yo.”

“Ano 'yon?”

“Mrs. Love.”

“What?!” She asked, giggling.

“Bagay naman sa'yo 'di ba? Cara Love.” Tumawa lang siya sa sinabi ko. “You should be proud, i don't let any girl to use my last name. Ikaw pa lang.”

“I'm already proud kasi girlfriend mo na 'ko, my Love.” She hugged me. I hugged her back.

Bigla namang kumulo 'yong tyan ko sa gutom habang nasa gitna kami ng pagyayakapan. Nahiya tuloy ako bigla.

Bumitaw siya sa yakapan namin habang tumatawa. “Gusto mong kumain?”

“Ipagluluto mo 'ko?”

“Titignan ko muna baka may kakainin pa naman merienda sa ref.”

“Okay.”

“Magbibihis lang muna ako.”

Kinuha na muna niya 'yong bag niya, gano'n din ang bulaklak at teddy bear. “Aakyat na muna 'ko sa kwarto.” Paalam niya.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Sa pagsisimula niyang umakyat, umupo naman muna ako sa sofa. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang hinihintay makapag-bihis ang girlfriend ko. I'm really happy. I just can't hide it. I don't know how to hide it.

After mag bihis ni Cara binalikan na niya ako dito sa sala na nakasuot lang siya ng short at sando. Lumapit siya sa'kin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta sa kusina nila.

Umupo na lang muna ako habang siya dumiretso sa ref para kumuha ng kakainin namin.

“Gusto mo ba ng chirchirya?” Tanong niya 'tsaka siya humarap sa'kin.

“Chichirya ipapakain mo sa boyfriend mong gutom?”

“Wala na pala kasing stock sa ref.”

“E di sa labas tayo kumain!”

“Mmm. Good idea.”

“Okay but first, mag jacket ka. Ayokong lumabas ka ng naka-sando lang.”

“Aba! Mukhang istrikto ang boyfriend ko ah!” Biro niya.

“Masanay ka na Mrs. Love.”

She laughed. “Paninindigan mo talaga Mrs. Love ang itatawag mo sa'kin?”

I grinned. “Oo! You're my soon to be Mrs. Love.”

“'Di ba masyado pa tayong bata para maisip mo na 'yan?”

“Sure na 'ko dito.” I pointed my heart.

“Korni mo talaga. Sige na, kukuha na 'ko ng jacket.” Lumapit siya sa'kin at hinalikan niya ako sa pisnge.

Sana laging ganito, may kiss galing sa kanya.

Iniwan niya ako dito sa kusina para siguro kumuha ng jacket. Naglakad na lang din muna ako papunta sa sala para do'n siya hintayin.

Ilang sandali lang nagpakita na siya na ngayon ay may suot ng jacket.

Lumabas kami ng bahay niya, dumiretso kami sa motor ko. Pinagana ko muna makina nito bago siya tuluyang umangkas sa likod.

Pinaandar ko ang makina hanggang sa makarating kami sa isang Burger Stand.

Itinabi ko muna ang motor ko 'tsaka siya bumaba. She wait for me bago kami lumapit ng Burger Stand. Inakbayan ko siya habang nag lalakad. Nang makaupo na kami, sinabi ko naman agad do'n sa crew 'yong order naming dalawa.

Habang niluluto pa ang Burger na order namin, nakatingin lang ako sa napaka gandang girlfriend ko. I can't take my eyes on her and na notice niya 'yon kaya binaling niya ang tingin niya sa'kin.

“What?” She asked.

“I just love you.”

She smiles. “I love you too.” She mouthed.

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now