Ten

1.5K 75 1
                                    

I'm sitting here at our couch while waiting for Cara. I'm planning to introduce her to my Mom. Ito ang first time na gagawin ko 'to... I'm excited.

I can't wait to see her and mapakilala ko siya bilang asawa--- i mean girlfriend pala.

Nakarinig ako ng doorbell, maybe ang Mrs. Love ko na 'yon. Dali-dali ko siyang pinagbuksan ng pinto. Nakita ko siyang napaka ganda sa simpleng suot niyang blouse and pantalon. Ang mahaba at straight niyang buhok ay nakalugay. Her face is plain, no make up needed. She's still so perfect in my eyes.

She smiled at me. “Hi my Love.” She greeted.

I kissed her cheek and i hugged her. “Hi, Mrs. Love.” Pabulong kong bati.

She tapped my back. “Okay that's enough. Baka makita tayo nila Tita.”

Bumitaw na 'ko sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay niya 'tsaka ko siya hinila papasok ng bahay.

“Ma, nandito na ang girlfriend ko!” Halos pasigaw kong sabi para marinig ni Mama mula sa kusina na nag hahanda ng meryenda for us.

Siniko ako ni Cara kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. “Kailangan ba talagang sumigaw?”

“Masarap lang ipagsigawan na nandito na girlfriend ko.”

She shakes her head, giggling. “Ewan ko sa'yo.”

Pinaupo ko muna siya couch habang hinihintay namin si Mama. 'Di rin naman nag tagal nagpakita na si Mama mula sa kusina at lumapit ito sa'min ng may ngiting very nice.

Tumayo si Cara nang makita siya. “Magandang araw po, Tita.” She greeted 'tsaka siya nag mano bilang paggalang kay Mama.

“Nice to finally meet you, hija. Ngayon alam ko na kung bakit excited na palaging pumasok ang anak ko sa school. Maganda ang girlfriend niya.”

Well! Hindi ko matatanggi 'yon. Sinong hindi gaganahang pumasok kung katulad ni Cara ang makikita.

Cara smiled at Mom, shyly. “Thanks po, Tita.”

“Welcome. Kumain na kayo, tapos ko ng ihanda 'yong meryenda n'yo.”

“Thanks, Ma.” I said.

Hinawakan ko ulit si Cara sa kamay niya and this time hinila ko siya papunta sa dining room.

Mom cooked us Mac and Cheese, my favorite. Pinaupo ko na si Cara 'tsaka ko siya pinagsandok ng Mac and Cheese sa plato niya. Gano'n din naman ang plato ko. After kong gawin 'yon, sinimulan na namin ang kumain.

“Your Mom is pretty.” Cara said while chewing.

I smiled at her. “She is. Parang ikaw.”

She laughed, giggling a little. “Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako sanay sa pangbobola mo.”

“Masasanay ka din.” I winked at her.

“Anyways, i already told Mama about us too.”

Nilunok ko bigla 'yong kinakain ko. Gusto ko sana ako ang gagawa nun pero ang sabi niya siya na lang daw kaya hinayaan ko na. “Really? What did she said?”

“She wants me--- us to behave. And make sure daw na alam natin ang limits natin.”

“She can trust me.”

“Sinabi ko na rin sa kanya 'yan.”

“Kung gano'n wala na tayong problema sa parents natin.”

“Gano'n na nga.”

Hinalikan ko siya bigla sa pisnge niya.  Pinalo naman niya ako sa braso ko. “Sira ka talaga, baka makita tayo ni Tita!” She scolded me.

“Ayos lang 'yon!” I winked.

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now