Two

2.4K 94 3
                                    

The next day...

Nasa harap ako ngayon ng salamin todo ayos sa buhok ko. Kinse minutos na ata akong nag pa pa-pogi dito. Gusto ko kasi kapag nakita ako ngayon ni Cara, gwapo ako sa paningin niya para mabilis ko siyang ma-akit at mapapayag na maging syota ko.

After kong ayusin ang buhok ko, lumabas na 'ko ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan, lalabas na sana ako ng bahay nang marinig kong tinawag ako ni Mama.

"Jayson, hindi ka manlang ba muna kakain?"

"Hindi na po, Ma!" Sagot ko tsaka ako tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa motor ko.

Sinimulan ko na ang pagmamaneho ng motor ko para pumunta sa school.

Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagmo-motor ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na babae na nag lalakad papunta sa direksyon ng school. It's Cara.

Bumusina ako kaya napalingon siya. Nilapit ko sa kanya 'yong motor ko.

"Good morning Cara." Bati ko.

"Good morning, Love." She greeted back.

"Gusto mong sumabay na sa'kin?"

"'Wag na, malapit naman na 'ko."

"Sige na, ayokong napapagod ka!"

"Korni mo! Sige na, sasabay na 'ko para hindi ka na pumickup lines pa dyan."

Sinimulan na niyang umangkas sa motor ko 'tsaka siya humawak sa balikat ko para do'n kumapit.

"'Wag kang kumapit sa balikat ko, yumakap ka sa'kin."

"Ayoko nga!"

"Hindi tayo aandar kung hindi ka yayakap sa'kin. Ikaw din, pareho tayong ma-la-late."

"Alam mo Love, napaka maparaan mo!"

"I know that!" Utakan lang naman 'yan e.

"Okay, gagawin ko na." Iniyakap na niya sa bewang ko ang mga kamay niya. "Ang laki pala ng tyan mo, Love." She comments, jokingly.

"Wala akong tyan nu!"

"Wala ka ding abs! Alam mo 'yong type ko, 'yong may eight packs abs. Ab lang meron sa'yo e."

"Hindi mo pa nga nakikita e!"

"Hindi ko na kailangang makita," Kinapa niya ang tyan ko na medyo ikinalang ko. Grabe! "See! Wala ka sa abs Third!"

Badtrip 'to a!

"Sino naman si Third?"

"'Yong best friend ko."

"Mas gwapo ako do'n sa best friend mo!"

"'Di mo pa nga siya nakikita e."

"Tss!" Sinimulan ko na lang ulit mag motor. Ayaw ko nang marinig pa kung ano mang lamang ng best friend niya sa'kin.

Makapag seat up nga sa bahay mamaya pag-uwi.

Nang makarating kami sa parking ng school, bumaba na si Cara sa pagkaka-angkas niya sa motor ko. Nang ma-i-park ko nang maayos ang motor ko, humarap ako kay Cara na tila hinihintay ako habang may mapangasar na ngiti sa labi.

"Bakit ganyan ngiti mo?" Tanong ko na may kunting pagtataray sa tono ng boses ko.

"Wala!"

Sinimulan ko na lang ang maglakad, gano'n din ang ginawa niya. Sabay lang kaming naglalakad.

"Love," Tawag niya sa'kin habang naglalakad kami pero 'di ko siya pinansin.

"Love!" Tawag niya ulit pero hindi ko ulit siya pinansin. Binadtrip niya kasi ako dahil sinabihan niya akong walang abs e 'tsaka tama ba  namang i-compare ako sa kung sino mang best friend niyang ugok. Tss! Nagpa-gwapo pa naman ako sa kanya tapos ba-badtripin lang din pala niya 'ko.

Her Name Is CaraМесто, где живут истории. Откройте их для себя