One

4.1K 118 6
                                    

Nasa parking ako ngayon ng school para i-park ang motor ko nang marinig kong may tumawag sa'kin

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Nasa parking ako ngayon ng school para i-park ang motor ko nang marinig kong may tumawag sa'kin.

"Jays!" Lumingon ako para tignan kung sino 'yon at ang nakita ko ay ang tropa kong si Paulo.

"Oh bakit?" Tanong ko pagkalapit niya.

"May bagong chick, pre! Sobrang ganda!" Tila nag ningning pa ang mga mata niya nang sabihin niyang sobrang ganda ng bagong chick. Siguro nga totoong maganda 'yong chick na 'yon para maging ganyan ang mata niya.

Pareho kaming mahilig mag chick hunting, pero mas lapitin ako ng chicks.

"Sino naman? Anong section?"

"Classmate mo pre! Tangna, ang swerte mong gago ka!"

I smirked. "Talaga?" Hinawi ko na siya at nag simula nang maglakad para makita na ang bagong chick na sinasabi ni Paulo.

"Uy pre! Excited?" Dinig kong pahabol na sabi ni Paulo pero hindi ko 'yon pinansin basta nag continue lang ako sa paglalakad.

Dumiretso ako sa classroom ko at hinanap ko agad ang bagong mukha sa classroom namin pero wala naman akong makita dahil 'yong iba pamilyar na kasi naging classmate ko noong mga nakaraan na taon at 'yong isa ex ko.

Baka wala pa dito.

"Jays!" Tawag ng ex kong si Beauty na na pumwesto sa harap na upuan. "Mag classmate pala tayo ngayong last year of highschool." She comments.

I shrugged. "Mukhang gano'n na nga!" 'Wag lang sana niya akong kulitin dahil noong nakipag break ako sa kanya todo pangungulit siya sa'kin para makipag balikan. Nahinto lang siya no'ng nag bakasyon na.

Dahil sa harap siya nakaupo, plano kong pumuwesto sa likod kung saan malayo sa kanya. May nakita akong bakanteng upuan kung saan may katabi akong babaeng mukhang antukin. Kaya ko nasabing antukin dahil hindi pa nga nag sisimula ang klase nakayuko na siya sa desk niya at natutulog.

Hindi ko rin naman siya masisi kung bakit siya aantukin, ang aga kaya ng klase namin.

"Good morning, class!" Biglang pagpasok ng class adviser namin na si Ma'am Horja.

Mukhang narinig naman nitong seatmate ko ang boses ng teacher namin kaya ini-angat na niya ang ulo niya. Tumingin siya sa'kin ng bahagya at ngumiti pa. Para naman akong tanga na natulala dahil sa sobrang ganda niya.

Wala siyang ka-ayos ayos sa mukha hindi tulad ni Beauty na ka-aga-aga may make up na.

Napatingin ako sa labi niya na medyo dry dahil namamalat ito.

Her Name Is CaraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt