Thirteen

1.3K 63 1
                                    

Tapos na si Cara na magluto para sa'ming lahat. Pinagsaluhan namin ang niluto niya sa sala dahil hindi kami kasya sa dining are nila.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin, puro kwentuhan at tawanan lang kami. Halos mabulunan na nga kakatawa si Jomar dahil sa pagtawa niya.

“Guys, have you all decided kung anong University ang papasukan n'yo kapag naka-graduate na tayo?” Fiona asked us.

Bigla akong napatingin kay Cara, gusto kong malaman kung saan University siya papasok dahil do'n din ako papasok. Kahit saang school pa 'yan basta nando'n siya, papasukan ko 'yan.

“I haven't decided, yet.” Paulo answered.

“Ako din.” Jomar said.

Tumingin si Fiona kay Cara. “Eh ikaw?”

“I'm going to Alfaro University, that's my dream school.” Cara answered her.

“Why?” I asked.

“Kasi do'n grumaduate si Papa. No'n pa 'yon na talaga ang School na gusto kong pasukan.”

“Eh ikaw Jays?” Fiona asked.

“I'm going to Alfaro University too. Nando'n ang Mrs. Love ko eh.” I winked at my Cara.

She just smile, shyly at me.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko 'yong kiss naming dalawa kanina sa kwarto niya. Parang gusto ko ulit gawin namin 'yon.

After naming kumain, mga ilang oras pa tumambay pa sa bahay ni Cara ang mga kaibigan namin bago nila na isipang umuwi habang ako naman ay nag stay pa muna sa bahay niya at tinulungan siyang maglinis nang mga pinagkainan namin.

Nang magawa namin lahat 'yon tumambay naman kaming dalawa sa sala. Umupo kami sa sofa habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at yakap niya ang braso ko.

She's a type of girlfriend na laging clingy. Ayoko nang gano'ng babae dati pero pagdating sa kanya, ayos lang at na e-enjoy ko pa nga.

“Hindi ka pa ba uuwi my Love?” Tanong niya sa'kin.

“Gusto mo na ba 'kong pauwiin?”

“No, kaya lang baka nagtataka na si Tita kung bakit wala ka pa.”

“For sure alam na niya kung nasaan ako.”

“Talaga?”

“Yup! Alam niyang nasa puso ako ng girlfriend ko.”

Tumawa siya sabay alis ng ulo niya sa balikat ko 'tsaka niya 'ko pinalo sa balikat ng mahina. “Baliw ka talaga!”

Ngumiti lang ako ng pa-cute sa kanya.

“Anyways, let me ask you question.” She changed the topic.

“Okay.”

“Are you really sure you want to go to Alfonso University with me?”

“Yup!”

“Why?”

“Because i wanted to be with you. Gusto kong makita ka araw-araw at makasama ka.”

“Pero two hours away 'yon mula dito ang plano ko kapag nag simula na ang klase do'n, mag bo-boarding house ako.”

“Gano'n din ang gagawin ko or much better kung mag re-rent na lang tayo ng Apartment para magsama---”

“Sira! Hindi pwede 'yon, gusto mong magalit satin si Mama?”

“I'm just kidding, Mrs. Love.” Takot ko lang din kay Tita pero maganda sana 'yong na isip ko kung papayag sila.

“But honestly, i can't wait for that to happen. You and me at the same school again, siguradong masaya 'yon.” She said.

“I feel the same.” I kissed her cheek. This time ako naman ang hinalikan niya sa pisnge.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge 'tsaka niya ako tinadtad ng halik sa buong mukha ko, wala na 'kong nagawa kundi tanggapin na lang ang mga ito habang nakangiti. I love it.

Hapon na 'ko umalis sa bahay ni Cara. Bitin pa nga eh. Gusto ko pa siyang mas makasama ng matagal kaya lang kailangan ko na din talagang umuwi baka ipahanap na 'ko ni Mama 'pag hindi ko pa ginawa 'yon.

Nang malapit na 'ko sa bahay, nakita ko si Beauty sa labas ng bahay na tila kanina pa gustong pindutin ang doorbell pero mukhang nag dadalawang isip pa siya.

Bumusina ako kaya napunta sa'kin ang atensyon niya.

“What are you doing here?” I asked paglapit ko ng motor sa kanya.

“I just... miss you Jays.” She looked down.

“What the fuck?” Pinatay ko ang makina ng motor ko at bumaba ako dito. “Are you out of your mind Beauty? Pumunta ka sa bahay ko para sabihin 'yan? Alam mo namang may girlfriend na 'ko.”

“Are you really serious about Cara? What you feel is just infatuation. I know it's nothing serious.”

“How do you know ha?”

“Because i know you Jays! You just play around with girls until magsawa ka and i want you to know that I'm willing to wait hanggang mag sawa ka kay Cara. That's why I'm not giving up. I'm still here if you want we can be together again, let's just hide to Cara.”

“You're completely out of your mind now, Beauty. 'Tsaka na bigyan ba kita kahit ng kunti ng idea na may chance na bumalik ako sa'yo? As far as i remember, wala! At kung maghihintay ka nga talaga, mukhang habang buhay kang maghihintay kung gano'n dahil itong nararamdaman ko kay Cara pang habang buhay 'to.”

“How can you be so sure about that? Okay, let's say that maybe 'yong feelings mo for her ay pang habang buhay na. How about Cara? Does she feel the same?”

“Yes.” I don't know pero parang may kunting doubt akong naramdaman. What if Beauty is right? Does Cara feel the same as me? Or ako lang 'to? She maybe loves me but same ba 'yon ng love ko for her? I don't want to be with anyone, i just i want Cara. I hope gano'n din siya.

“Are you convincing me or you're convincing yourself?”

“Just shut up!”

“Okay. But still, i will wait. Alam ko naman kasing maghihiwalay pa din kayo.”

“Umuwi ka na nga lang!” Nakakainis siya. Magpapakita siya nang kung ano-anong sasabihin. Hindi ko ba siya nasaktan ng sobra para kulitin pa din niya 'ko ng ganyan? Haay!

To be continued...

Her Name Is CaraWhere stories live. Discover now