“GERALD!!! Nahulog yung wallet mo kanina, buti na lang ako ang nakapulot” saka ibinigay ang wallet. “Oy..ate Juday nandito ka pala” bati nito sa ate niya, (pinakilala niya na kasi ito sa ate niya kahapon) “ganda ng sundo mo ahh…” sabi nito sa kanya.

“teka, Gerald?” turo nito sa kaharap “ikaw si Gerald?” tumango naman ito. Humarap sa kanya ang ate niya at tiningnan siya na parang nagsasabing “humanda ka sakin mamaya sa bahay”  

“Peace!!!” nag peace sign siya at tumakbo papunta sa sasakyan.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------

“luwa ang mata? Eh ang pungay nga ng mata ko. Sarat ang ilong? Ang tangos kaya nito. Makapal ang labi? Hoy, ako ata ang may pinaka kissable lips dito. Maitim? Kung ganito ang maitim pano pa kaya ang maputi? Saka payatot? Hello, 6 packs to no…” sabi nito sa kanya habang pabalik balik sa harap niya.

“ano bang problema mo? eh sa yun yung nakikita ko…” sagot niya dito.

“nakikita mo? Malabo na ba ang mata mo? Magpa check-up ka na nga.”

“anong mala—“

“heeeeeeeeep… tama na… ang aga aga may World War?” awat sa kanila ni Maja.

“Eh kasi—“

“Sabi ng tama na eh…” sabay subo sa kanila ng lansones. Tawa naman ng tawa si Fred sa ginawa ng kaibigan.

Araw-araw ganito ang nangyayari sa kanila, asaran, kulitan hindi ata natatapos ang araw na hindi siya nito inaasar. Hindi niya namalayan ang paglipas ng mga araw last week na ng January, malapit na ang prom. “Sino kaya magiging partner ko? May practice na pala mamaya. Sana naman mabait, ok lang kahit hindi gwapo, basta mabait. Balita ko 4th year ang mga makakapartner namin…”

“Good morning Sungit!!!” bati sa kanya ni Gerald saka pinisil ang ilong niya, itinapon nito ang bag sa upuan saka humarap sa kanya.

“ARAY!!!!!!!! Masakit yun hah…”

“uyyyyy, diyan nagsisimula yan…” tudyo sa kanila ni Maja.

“Ikaw Gerald, mamaya ma inlove ka diyan” si Fred.

“ako? Maiinlove? Kanino? Diyan?” sabay turo sa kanya. “NEVER!!! Hindi ganyan mga tipo kong babae noh… ang gusto maganda” tiningnan ito ng makahulugan ng mga kaibigan. “Ok fine, sige na nga maganda siya! Pero gusto ko yung sexy…” tiningnan ulit ito ng mga kaibigan “phfft…sige, sexy rin siya…pero ang pinakagusto ko yung matangkad…”

“Matangkad naman si Sarah ahh…” sabi ni Fred.

“Gusto ko yung 5’9” sabi nito, sabay namang tumungo sina Fred at Maja.

“hahanap ka rin lang ng Girlfriend yung mas matangkad pa sayo…baka akala mo hindi ko alam 5’8” lang ang height mo…” sabi niya rito. “Saka as if naman magkakagusto ako sayo, yuck!!!over my dead beautiful body. Hindi katulad mo yung mga tipo ko noh. Ang gusto ko yung respectful…yung polite…yung courteous…yung –“

“teka…eh halos pare-pareho lang naman ang meaning nun ahh…” puna sa kanya ni Gerald

“eh sa yun yung gusto ko…”

“talaga yun lang ang gusto mo? Ayaw mo ng gwapo? Katulad ko?”

“gwapo daw oh…”

“bakit? Hindi ka naniniwalang gwapo ako? Hoy sungit…gwapo ako noh…” sabay lapit ng mukha sa kanya.

“oo na , sige na gwapo ka nga…eh ano naman? Hindi ko naman kailangan ng gwapo noh?”

“Bakit naman?” tanong ni Maja.

“Mahirap pag gwapo, chick boy…”

“hindi porke may itsura eh chick boy agad…” sabi sa kanya ni Gerald.

“teka nga, teka nga” singet ni Fred. “Nakakahalata na ako sayo Gerald ha…ba’t ba napaka defensive mo? Saka bakit mo tinatanong si Sarah kung gusto ng gwapo? May plano kang ligawan siya ano?” sunod-sunod na tanong dito ni Fred. Namula naman silang pareho sa sinabi nito.

“Anong pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga” sabi ni Sarah kay Fred. Natahimik naman bigla si Gerald. Maya-maya pa, pumasok na ang teacher nila.

“Alam niyo naman siguro na malapit na yung JS Prom.” Umpisa ng teacher nila. “mamayang hapon ang start ng practice kaya shorten period tayo mamaya. Nakapili na rin pala kami ng mga muses galing dun sa mga nag audition last week. “Ms. Dela Cruz, ikaw ang magiging Binibining Pilipinas, Ms. Salvador naman para sa Ms. Justice at Ms. Young for Ms. Wisdom. Although hindi tayo nagpa audition para sa magiging muse and escort ng 3rd year may napili na rin kami for escort and that is Mr. Anderson”

“Gwapo ko talaga…” bulong sa kanya ni Gerald sabay wink.

“pffft…yabang”

“ang problema namin ngayon eh yung muse…” patuloy ng teacher nila. “Ms. Geronimo?” tawag nito sa kanya.

“Maam”

“Pwede bang ikaw nalang ang maging ka partner ni Gerald? tutal bagay naman kayo…”

“PO???” “ano bang klaseng teacher to…parang gumagawa lang ng love team”

yan...nkapag update na ako...haha...thank you po dun sa mga nagbasa, nag vote ska nag comment nung mga last chapters...sensya na rin po kung medyo mabagal yung usad nung kwento, ayaw ko po kasing matapos agad yung kwento...hehe...actually tapos na po yung ending nito...hehe...wala pa yung simula pero nakagawa na ako ng ending...haha...balita ko pala, nag ttape na ng MMK si Ge...kasama niya kaya si Sasa? sana kasama niya, pero kung hindi ok, pero mas maganda kung kasama diba? hehe... magulo ba????

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon