“Sorry Maj, ito kasing mokong na to-“ sabay turo sa binatilyo.

“Anong ako? Ikaw nga diyan”

“Ano ba? Hindi ba talaga kayo titigil?” Sigaw ni Maja. Tumigil naman ang dalawa pero patuloy pa rin ang titigan ng masama.

“Mga mata niyo…” saway sa kanila ni Fred “Mamaya dumanak ng dugo dito.” Patuloy nito “Siyanga pala Sarah hanap ka ni Manong Guard may naghahanap raw sayo, nandun sa waiting area.”

“Thank you, sige Maj, Fred labas muna ako” paalam niya sa mga ito, saka lumabas ng classroom. “grabe naman makatingin tong mga taong to, para ngayon lang nakakita ng tao.” bulong ni Sarah sa sarili ng mapansing pinagtitinginan siya ng mga kaklase. Malapit na siya sa waiting area ng marinig niyang may tumawag sa kanya.

“MS. SUNGIT!!!!!”

“Ano na naman?” tanong niya dito “Mokong na to, talagang sumunod pa para asarin ako” sabi niya sa sarili. “Bakit mo ko sinundan? May plano kang masama sa kin no?” galit na tanong niya dito.

“Hoy Sungit, kung ano man yang iniisip mo nagkakamali ka.” Sabi nito sa kanya. “O eto!” sabay abot ng paper bag.

“Ano yan?”

“Uniform ni Maja, hiniram ko kanina, malapit lang kasi bahay niya dito.”

“No thanks, nandiyan na si yaya, dala ang uniform ko so hindi ko na yan kailangan. Saka feeling mo naman kukunin ko yan? No way, ayaw kong magka utang na loob sayo noh…” tanggi niya sa alok nito.

“eh di huwag, ikaw na nga tong tinutulungan eh…” sabi nito sabay lakad palayo.

Naging maayos naman ang maghapon niya, nung umaga wala silang masyadong ginawa dahil nga sa nagkaroon ng meeting ang mga teachers nila. Pumasok na rin ang mga subject teacher nila nung hapon. Naging masaya ang unang araw niya sa bagong paaralan, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan, sina Maja at Fred na sa malas eh Best Friend ni Gerald.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Daddy naman eh, pinagtatawanan niyo ako.” Reklamo niya sa ama habang kumakain. Tawa kasi eto ng tawa matapos niyang ikwento ang nangyari kaninang umaga.

“Eh kasi naman anak, tama naman yung Gerald na yun at saka sigurado namang hindi niya yun sinasadya. Humingi nga siya ng sorry sayo diba?”

“yaan mo bunso, igaganti kita bukas” sabi sa kanya ng ate niya.

“JUDY ANN!!!!” saway ng mommy niya sa ate niya.

“Sabi ko naman kasi sayo bunso masama yan ganti ganti na yan… ibalato mo na lang yan kay Lord.” Kambyo ng kapatid, natawa naman siya sa sinabi nito.

“yan, kaya lumalakas ang loob ng batang yan na makipag away kasi kinukunsinti niyo” sermon ng mommy niya sa daddy at ate niya. “at ikaw naman Sarah ha!” baling ng ina sa kanya “pinalaki ka namin ng maayos ng daddy mo, hindi kita tinuruan ng ganyang asal um—“

“ngayon anak alam mo na kung saan nagmana ang ate mo.” Biro sa kanya ng ama. Napahagalpak siya sa biro ng ama, samantalang ang ate niya tiningnan siya ng masama.

“hoy Tonton baka aka—“

“Hon, may beef steak dito, gusto mo?” putol nito sa sasabihin ng asawa sabay lagay ng steak sa pinggan nito. “kain lang ng kain hon, mamaya niyan mamayat ka.” At napuno ng tawanan ang loob ng bahay.

Naghahanda na silang matulog, nauna ng pumasok ang magulang niya sa kwarto ng mga ito dahil maaga pa ang pasok ng daddy niya kinabukasan.  Nagbabasa siya ng libro ng pumasok sa kwarto niya ang ate niya.

“ate, ba’t ka nandito” tanong niya sa kapatid habang nagbabasa.

“wala, namiss kitang katabi eh…” sagot nito saka humiga sa tabi niya.

“ha? Naku di ako payag, ang likot mo kayang matulog” reklamo niya sa kapatid

“bunso naman, sige na please…” pagmamakaawa nito sa kanya.

“Sige na nga, as if naman makakatanggi ako.” Sabi niya sa kapatid sabay baba ng libro binabasa at umayos ng pagkakahiga.

“babe…” tawag sa kanya ng kapatid.

“ano? Ate matulog ka na, inaantok na ako eh…”

“hindi pa ako inaantok eh, kwentuhan na muna tayo…”

“eh ano bang pagkukwentuhan natin, eh halos lahat namang nangyayari sa buhay ko ikwenento ko na sayo.”

“hmmm, ano ba?” huminto ito saglit saka nag-isip. “Alam ko na, kwento mo na lang sakin kung anong itsura nung Gerald Anderson, gwapo ba babe?” tanong nito sa kanya.

“hmmm, bakit siya pa, iba na lang…” reklamo niya sa kapatid.

“Curious lang ako kung anong itsura niya, sige na bunso ano bang itsura niya? Gwapo ba siya? matangos ba ang ilong? Yung lips niya kissable ba?” sunod sunod na tanong sa kanya ng kapatid.

“Gusto mo talagang malaman?” tumango ang ate niya “O sige, maitim, luwa ang mata, yung ilong parang dinaanan ng truck, ang laki ng bibig, (may naalala ako dito…si ***** hehe…peace po…haha) payat, parang si Richie D’ Horsie” humagalpak ng tawa ang ate niya…

“talaga babe ganun yung itsura niya? Grabe naman, ang gwapo pa naman ng pangalan” sabi nito sa gitna ng pagtawa.

“Juday, Sarah, matulog na, maaga pa, pasok niyo bukas” saway ng ina sa kanila.

“yes mom!” sagot nilang magkapatid.

thank you po dun sa mga nagtsatsagang magbasa...haha...hamakin mo yun, may nagbabasa rin naman pala nitong gawa ko...haha...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon