MCCO 38 - #BackedOut

Start from the beginning
                                    

Tama si Papa. Ayokong matulad kay Tita Sarah. Ayokong magkaroonng anak at sa huli ay iiwan ng unang asawa at makakatagpo ng pangalawa. For me, I only want one. One true love... if ever there is.

Pagkabalik naming Manila, sa bahay ako dumiretsyo. Papa wants me to go home with them dahil ito na ang magiging bahay namin soon but I refuse. Mas malapit sa bahay ang hospital.

It's kinda disappoing dahil hindi ko man lang nakausap si Loraine dahil hindi na siya mawala sa tabi ni Castielle. I wonder how close they were when they're alone.

Tsk. You wonder! Stop wondering, you fool!

Nagbibihis na ako para sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit ganado ako ngayon. Ang alam ko ay gusto kong ilipat ako ni Jackson sa ibang ospital pero mukhang nawala na ito sa isip ko.

But, there will be a hundred percent chance that Loraine and I would meet.

Abala ako sa pag-aayos ng mukha ko. I chose a comfortable yet sophisticated outfit for my first day. Dala ang bag at files na kailangan ay lumabas nako ng kwarto.

"San ang punta mo ngayon, Ma'am Nari?" tanong ni Tuning habang inilalapag ang kape ko sa island counter dahil doon nako pumwesto.

"Sa ospital." sagot ko.

"Ang ganda mo naman para pumunta sa ospital?"

Napalabi ako. "I just feel like dressing up."

Napaawang ang bibig ni Tuning. "Okay... Fine..." aniya at may thumbs up pa.

I chuckled at sumimsim sa kape ko. I don't know why I feel excited. Maybe because I'm working that's why. I miss working on the hospital.

Yes, that's it. Bakit naman kasi ako ma-e-excite sa ibang rason? Diba?

Nang makarating ako sa Montañez Group Hospital ay kaagad kong pinarada ang sasakyan sa underground parking lot.

When I went out of my car nakita ko ang isang grupo ng lalake na nakasuot ng itim na suit. Dalawa sa unahan at likod habang sa gitna ay may bukod tanging lalake.

Seryoso ang mukha at mukhang suplado. May kausap siya sa telepono na para bang seryosong seryoso.

Napatingin ako sa mga taong nakatingin din sa mahiwagang lalake. May mga tao rin kasing katulad ko nakakalabas lang n sasakyan at pinanood kung paano maglakad papasok sa isang magarang sasakyan ang lalake.

I know this man, Jackson brief me with the hospital's big boss. He's the CEO of Montañez Group Industries. Mayron itong hospital, mall, hotel at iba pang hindi ko alam.

Magaling ito sa negosyo at misteryoso. Nang makita ko ang litrato niya sa internet, ay napakagwapo nito. At ayon sa mga magazine ay suplado at malamig ang binata.
Well... kahit sa pangalan ay makilala mo na siya.

He's Cold Montañez. Naiwang tumitili ang mga babaeng nanonood sa kaniya kanina.

Nang makaalis ang sasakyan nito ay kaagad akong pumasok sa loob. The hospital is amazing kung sa hotel ay parang five star.

When I asked for them my internship from Seoul Hospital ay kaagad nila akong inakay papunta sa isang opisina. It was on the fifth floor.

I don't know if Castielle would be my boss. I hope... not...

Ugh! Bakit tumututol ang utak ko? It's like I wanted to see him again. It's like I want to know more about his anger?

Bakit siya galit kahit ako naman dapat ang magalit. Ano ba talaga ang nangyari? He didn't deny na may plano sila ni Aebril noon pero bakit ganito? This is not what I expect it to be.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Where stories live. Discover now