MCCO 38 - #BackedOut

Começar do início
                                    

"Close kayo ng Kuya mo?" tanong ko dahil halatang may alam si Dale kaysa kay Vale.

"Close naman. But, he's not that open. Naririnig ko lang sa usapan nila ng mga pinsan ko." sagot niya sabay baling sakin.

"Ikaw, Ate? Close kayo ni Kuya?" inosenteng tanong niya pero ang mata niya'y nagsusumigaw na may alam siya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Like, I said, Dale. We barely know each"

"But it's not what I see. Unlike my twin sister, she's oblivious habang ako napapansin ko lahat kahit ayaw ko. I feel like my brain is kind of matured." aniya at bumuntong hininga.

"Dale! Play with me!" tawag ni Castielle.

"Wait!" sagot niya bago bumaling sakin.

"It's you right? Queen Susan the Gentle?" she asked bago tumayo na may ngiti sa labi.

Napaawang ang labi ko. Tinalikuran niya nako at nakipaglaro sa tatlo. Hindi parin ako makapaniwala. I knew it. Dale is just so smart to see it.

Bumuntong hininga ako. She's just eleven and she think a lot. Pity. Hindi niya na dapat iniisip ang komplikasyon ng sitwasyon namin ng Kuya niya.

Nakabalik na kami sa hotel namin sa Siargao Island. Bukas ay uuwi na kami sa Manila at back to reality na pero bago 'yun ay kailangan ko munang makausap si Loraine.

"Anak..." tawag ni Papa ng makababa kami sa boat pabalik sa hotel.

Bumaling ako kay Papa, "Po?"

"Usap tayo." aniya at inakbayan ako.

Tumango naman ako. Nagpaalam si Papa kay Tita Sarah. Nagkatinginan pa kami ni Castielle pero pareho kaming nag-iwas ng tingin lalo na't nakasukbit ang braso ni Loraine sa kaniya.

Binilhan ako ni Papa ng buko shake na madaanan namin. We both sat on the chair available there and watched the sunset.

"Masyado akong naging abala. Hindi na kita naasikaso." sabi ni Papa sabay tingin sakin.

Napangiti naman ako. "It's okay, Pa. Nakikita ko naman na masaya ka."

He chuckled. "Sarah is a wonderful woman. Before I met your mother, crush ko na siya noon." natatawa niyang sinabi bago sumimsim sa straw ng kaniyang buko juice.

Nanlaki ang mata ko. "Di nga? And then what?" I asked at nangalumbaba sa lamesa.

"She didn't notice me, of course. Because, she's madly in love with Lazaro. Her ex-husband." aniya na parang malungkot.

Nakaramdam din tuloy ako ng lungkot. At pakiramdam ko ay nalungkot din ako para kay Mama. She wasn't Papa's first love, I guess.

"I love your mother, Nari. I really do. When your mother died, I accidentally saw her again. Nalaman kong hiwalay na sila ni Lazaro dahil sa pambababae nito..."

Napakurap ako. Castielle's father is a casanova too, huh? Ganyan ba talaga ang lahi ni Castielle?

"But, Sarah is too in love. Naghiwalay man ngunit ang puso ay na kay Lazaro parin. But, you wouldn't believe that she fell for me. Kung sana ay naging mas maaga ako..."

Tipid akong napangiti. It was a sad story. If I would be in Tita Sarah's shoes, it would be the worse. Naramdaman ko na kung paano maloko and hearing this story makes me scared.

"I'm happy for you, Papa. I like Tita Sarah."

Ngumiti si Papa. "Thank you, Nari. For understanding your father. I hope you find someone who wouldn't hurt you. Who's not like Lazaro..." anito na parang may tinutukoy pero hindi ko nalang pinansin.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora