Napapangiti na lamang ako dahil sa saya na onti-onti napapasaakin din si Japan, kahit hindi man nya sabihin alam ko sa mga kinikilos nya, nagugustuhan nya na din ako. Mabuti naman na pinagbibigyan nya ako, talagang ipapakita ko sa kanya na seryoso ako sa kanya.

"Aw!" napalayo ako sa kanya nung kagatin nya ang labi ko. 

Napangisi sya at umupo tapos tumingin sakin na mapang-asar.

"Bakit mo kinagat?" tanong ko sa kanya.

"Hoy kayong dalawa." umangat ang tingin namin kay Ate Gail. "Hindi uso sa inyo ang salitang PDA?"

"Nagsalita." sabi ko at may nambatok sakin sa likuran. "Ate Abby!"

"Kapal mong bata ka. Hindi kami PDA ni Gail 'no." sabi nya at lumapit kay Ate Gail tsaka hinalikan sa pisngi.

"Yan bang hindi PDA?" nakalingon sa ibang sabi ko.

"At least sa pisngi lang eh ikaw? nakipaglaplapan ka pa kay Japan."

"Ate Abby! ang panget ng term na ginamit mo, grabe sa laplapan." sabi ko. Natawa naman si Ate Gail habang si Japan tahimik lang na nakaunan na naman sa hita ko.

"Eh 'yon ang ginawa nyo ano magagawa ko?" napasimangot ako.

"Sana man lang gumamit kayo ng magandang term, hindi yung ganon."

"'Yon ang gusto ko eh para classic."

"Classic kayo dyan."

Natawa na lamang sila. "Pumunta na kayo sa court, maglalaro tayo." sabi nya at nauna sila ni Ate Gail na pumunta sa kasamahan namin.

"Hoy tayo na dyan. Narinig mo naman si Ate Abby." sabi ko kay Japan dahil hindi man lang sya kumilos nung sabihin 'yon ni Ate Abby.

Tumayo naman din sya agad kaya pumunta na kami sa mga kasamahan namin. Dahil nadagdag sa Red team si Steph sumali si Ate Juls sa laro. Ang magkakagrupo ay kami nila Japan, Alexa, Louise at Kiara sa kabila naman sila Steph, Torey, Jayden, Ivy at Ate Juls.

Ito ulit ang pagkakataon na makateam ko si Alexa, nung nakaraan kasi lagi ko syang kalaban. Sya palagi ang bumabantay sakin at hindi ako nakakaalis sa bantay nya, palagi din nya nakukuha sakin ang bola kaya hindi ako nakakapuntos sa lahat ng laban kapag sya ang bumantay sakin.

Hindi sa naeepektuhan ako pero masasabi kong magaling talaga si Alexa, mas gumaling lang sya ngayon na wala syang sinasanto, I mean ang seryoso nyang maglaro kahit practice lang ito.

"Sa wakas magkateam na din tayo." isa din pala itong si Louise, ngayon ko lang ulit nakateam. Kadalasan kasi na kateam ko ay si Japan, Torey at Jayden na ngayon ay kalaban ko na yung dalawa.

"Nako talo na tayo." biro ko kaya napasimangot sya.

"Nagsalita ang walang kapuntos puntos." ako naman yung napasimangot.

"Magkakapuntos na din yan ngayon, nasa satin si Alexa eh." sabi ni Kiara. Tumingin naman kami kay Alexa na pinaglalaruan ang bola. "Mananalo tayo dito, nandito din si Japan."

"Grabe nandito din naman ako." sabi ni Louise. Natawa ako tapos hinampas nya ako sa braso. "Bwisit ka! tsaka ka tumawa dyan kapag natalo mo si Alexa."

"As if naman mangyayari 'yon, si Japan pwede pa." sabi ko.

"As if." sabat naman nung isa kaya napasimangot ako nung pinagtawanan ako ng dalawa.

"Game na guys!" tawa ni Ate Krystal, sya ang referee namin ngayon at si Ate Maybelle.

Pumunta kaming lahat sa court. Si Alexa ang magju-jump ball samin habang si Ate Juls naman sa kabila. Sinimulan na namin ang paglalaro. Sa una palang mahigpit na agad ang bantay nila Torey, hindi ko alam kung bakit bigla silang nagseryoso. Hindi naman sila ganyan sa una, nagkakainitan sila kapag medyo tambak na pero ngayon, kakaumpisa palang ng laban at wala pang kapuntos puntos ang bawat grupo, ang seryoso nila.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon