PART 34: THE SURPRISE ENGAGEMENT PARTY

223 15 2
                                    

(Erielle's POV)

Hay grabe, parang kailan lang nung naging kami ni Yuane, pero ngayon, magkapatid na kami. Yeah, natanggap na ata naming dalawa na magkapatid talaga kami. So ayun, pareho naming tina-try na mag-moved on at kalimutan ang aming nakaraang relasyon.

We became closer at bumalik kami sa dati naming relasyon: aso't pusang away. Ganon kami maglambingang dalawa at mukhang natutuwa naman ang mga closest friends namin dahil bumalik kami sa dating kami.

As for Indigo and I, we don't have any labels as of the moment. Basta, we are enjoying each others' company, pero mukhang malaki ang problema nina Heidi at Yuane dahil parati silang nagbabangayang dalawa.

Hay naku! Di ba sa ganon din kami nagsimulang dalawa? So for sure, eventually, mahuhulog din si Yuane sa kanya. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw ko talaga sa kanya para kay Yuane, I mean kay kuya Yuane. Masyado siyang maarte. Yung tipong ang sarap lang ibitin ng patiwarik sa puno na maraming antik habang pinapalo ng latigo. Nade-delay ang lahat ng activities ng grupo dahil sa kanya. Argh!

Nakaka-stress. Di ko tuloy maayos-ayos yung pagme-make up ko for tonight's party. Anniversary nina mama at papa, and they're throwing a big party to celebrate which was a bit unusual. Dati naman kasi, hindi sila nagpapa-party kapag anniversary nila, or ako lang ang nag-iisip that this party is unusual?

"Erielle, hindi ka pa ba tapos?" ani mama nang pumasok siya sa kuwarto ko. Nakita ko siya sa salamin na papalapit sa akin.

"I'm almost done ma." Sagot ko pero tanging concealer pa lang ang nalalagay ko sa mukha ko and I haven't done my hair.

"Almost done? You haven't even started with your face and your hair is still a mess." She sounded so panicky when she touched my damped mess hair.

"Ma, mamaya pa naman ang party." Sabi ko sa kanya habang nagpapahid ng foundation. "Besides, it's your party, so I don't need to be that glamorous. Ayaw ko namang agawin sa inyo ni papa ang spotlight." Natatawang sabi ko trying to make her calm.

"No, no, no. I beg to disagree. You have to be beautiful tonight." Anito at kinuha ang foundation at sponge at sinimulang ilagay sa mukha ko.

"Why?" Curious na tanong ko habang napapapikit dahil sa paglalagay ni mama ng kolorete sa mukha ko. Sunod niyang kinuha ang eye shadow para ilagay sa mga mata ko.

"Basta." At pinagpatuloy ang pagme-make-up sa akin. Nanahimik na lang ako at hinayaan si mama. Siya rin ang nag-ayos ng buhok ko. She made a braid at inikot niya sa buhok ko na para bang korona tapos may mga maliliit na curl na parang messy look pero magandang tignan. Kumuha siya ng spray net at ini-spray sa buhok ko to put it in place.

"There. You look like a princess." Aniya ng matapos sa pagpapaganda sa akin. She even clapped her hands for enthusiasm and she's smiling like she was some kind of a fairy god mother that turned Cinderella into a lovely princess.

I looked closely into the mirror and I smiled sweetly. Naalala kong bigla nung bata pa ako at parating inaayos ni mama ang buhok ko. I just realized that it's been decade's bago niya nagawa ulit yun.

"Hey, don't cry. Mabubura ang make-up mo." Ani Mama pero bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thanks Ma."

"You're welcome. You don't have to cry over a simple make-up and hairstyle. Para kang bata."

"Am I not your baby?" Tanong ko sa kanya.

"Of course you are. But you're a grown up lady now, and you turned out to be a beautiful fine lady." Aniya trying to control her tears. Kumuha siya ng tissue at marahang pinunasan ang sulok ng kanyang mga mata.

The Mischievous LoversWhere stories live. Discover now