PART 11: UNAVOIDABLE FEELINGS

367 21 16
                                    

(Yuane's POV)

After that motor ride incident, I tried avoiding her. Whenever I see her coming, I would take the opposite direction. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. I should have started a fight with her but I won't. As if naman may gusto ako sa kanya di ba para iwasan ko siya. Ang layo niya sa mga naging ex ko lalo na yung pinakahuli. She's sweet, thoughtful, loving and undeniably pretty. But unfortunately, she was taken from me by the One above us all. Thinking about her made me feel sad. Aish.

So napakaimposible talaga kung bakit ako nagkakaganito sa isang witch na tulad ng bruhildang iyon. Siguro kinukulam na ako ng babaeng iyon ngayon kaya ako ganito? Kaya nga todo iwas talaga ako sa kanya at naaasar ako sa tuwing babanggitin ng mga tropa ko ang pangalan niya.

"Puwede ba, ilang beses ko bang sasabihin na huwag niyong babanggitin ang pangalan ng babaeng yun? Hindi ba kayo nakakaintindi?" Sigaw ko sa nag-uusap na sina Aaron at Indigo na biglang napalingon sa akin na bakas sa mga mukha ang pagtataka.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Takang tanong ni Aaron.

"I said don't mention Eriella's name in front of me." I shouted as I glared at them. Sinipa ko pa yung upuan na nasa harapan ko. "Nang-aasar ba talaga kayong dalawa?"

"Nababaliw ka na Yuane." Ani Indigo na umiiling-iling at ngumiti nang nakakaloko. Buwisit to!

"Ikaw ang nababaliw Indigo, not me. You're falling for that witch."

"Ako ba ang baliw, o ikaw? We haven't mentioned her name. I said friends are like angels. Am I the one falling for her, or YOU?" He said grinning.

"I'm not stupid. You mentioned her name." I insisted.

"Pare, hindi naman siya ang pinaguusapan namin. I think she's been in your mind kaya akala mo naririnig mo pangalan niya. Are you starting to like her?" Ani Aaron na tinignan ako nang may pagtataka at halong pagdududa kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"I guess. Umamin ka na kasi. I'll stop courting her if you say that you LIKE her, too." Ani Indigo.

"Anong aaminin ko? Magtigil nga kayo. Ah basta, don't you ever mention her name again." Naiinis na tugon ko at bigla akong tumalikod sa kanilang dalawa. Kakasabi ko lang na wag banggitin nang biglang isigaw ni Aaron ang pangalan ni Erielle.

"Hey Indigo, di ba si Erielle yun?" anito kay Indigo.

"Yeah, siya nga yun." Sagot naman nito.

"Di ba kakasabi ko lang na huwag niyo siyang babanggitin? Nang-aasar ba talaga kayong dalawa?" sabi ko sa dalawa pero tila yata hindi ako narinig.

"Let's go Aaron. Puntahan natin siya. Let's meet her friends."

"Yeah. Mukhang maganda yung kasama niya eh." At bigla na lang umalis ang mga ito nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.

"Shit! At talagang iniwan ako nang hindi man lang nagsasabi?" Nakita ko na lang ang mga ito na papalapit sa puwesto nila Erielle.

"What the hell is that guy doing in our school? At kailan pa sila nagkabating dalawa? The last time I saw them, they were fighting and Erielle walked out at him." Then I saw them laughing at nakaakbay pa yung lalaking iyon sa kanya. Hindi ko namalayan na nasuntok ko pala yung upuan at nasira iyon. Bigla akong tumayo at saka sinipa ang upuan palayo sa akin at nawarak iyon. Wala namang ibang tao, no one will ever know na ako ang nakasira noon.

"Damn her. She's being taken advantage at gustong-gusto niya lang. Ni hindi man lang siya umaangal. Grrrr. Nakakainis!" I said mumbling to myself while looking at their direction, my fists were tightly closed and my body is shaking with anger.

The Mischievous LoversWhere stories live. Discover now