PART 33: The Present Vs. The Past

212 14 2
                                    

(Indigo's POV)

"Hey workaholic, aren't you going home already?" Bungad na bati ko sa dalagang noo'y nakasubsob ang atensyon sa kanyang laptop at mukhang hindi niya alam kung anong oras na. Ang mga papeles ay naroroon sa kanan nito habang ang isang branded na kape naman ay naroroon sa kanyang kaliwa.

Nag-angat ito ng mukha at nakangiting tumingin sa akin. "What are you doing here? You didn't say you're going to drop by." Aniyang tumigil sa pagtipa sa keyboard at iniayos ang mga papel at inilagay sa folder.

"Well, I wanted to surprise you at home pero sabi ni Manang, hindi ka pa daw umuuwi so I went back here and see you working up late." Inilapag ko ang dala kong coffee.

"Thanks. Ubos na rin yung coffee ko eh." Aniya na kinuha ang kapeng dala ko at saka ininom. "Geez, maga-alas nueve na pala." She exclaimed as she glanced on her wristwatch.

"Yeah... nag-dinner ka na ba?"

"Not yet. May tinatapos kasi akong report kaya hindi ko namalayan yung oras eh." Aniya nang biglang kumalam ang kanyang sikmura. Nagkatinginan kami at saka sabay na natawa.

"I guess your tummy is calling your attention my dear. Hehehehe! C'mon, dinner muna tayo bago mo tapusin yang report mo." Aya ko sa kanya.

"Yeah, let's go." Saka siya tumayo mula sa swivel chair, dinampot ang kanyang bag at saka umangkla sa akin. "Alam mo naman, masamang magalit ang tummy ko. Napapasabak sa eat-all-you-can kapag nagririgodon. Hehehe!"

Napatingin ako sa kanya kasi hindi man lang siya nag-abala na mag-retouch gaya ng ibang babae.

"Why are you looking at me like that? Don't tell me wala kang dalang wallet? Don't worry, ako muna magbabayad." Sabi niya. Hindi ko napigilang bigyan siya ng smack sa lips.

"Hey!" aniyang nagulat sa ginawa ko.

"Sorry. Hindi ko mapigilan eh. You look beautiful as always."

"Tse! Bolero. Tara na nga. Nagugutom na ako eh."

"Yes your highness."

We went to the restaurant just across the building that specialize Mexican cuisine. Most of the time, the restaurant is full especially at night. Just like today, wala na daw available seat.

"Sorry sir but we don't have available seat for two. Do you mind waiting for a couple of minutes?" Anang receptionist.

"What do you think?" Baling ko kay Erielle.

"Let's find another place to eat." She turned to me and smiled.

"Sige." Pero bago pa man kami makaalis, nandoon na sa tabi namin si Miko na mukhang galing sa labas at may kinuhang kung ano kaya nakita niya kami.

"Hey, Indigo, Erielle. Where are you going?" tanong nito sa amin.

"Oh hi! Wala na daw available seat so we are going to find another place to eat." I said while Miko made an act of kissing Erielle's cheek.

"There's no need to go all that trouble. I'm with Precy and we got a big table. You can join us." Alok nito.

"Okay. We'll accept your invite then." Sagot ko at saka nagpatiuna na si Miko para i-guide kami patungo sa table nila.

"Hey, good eve!" Bati ni Erielle sa kaibigang si Precy. Nagbeso-beso pa ang dalawa at bumati rin ng good eve ang dalaga.

"Good eve. Pasensiya na kung makiki-istorbo kami sa inyo." Bati ko naman sa dalaga habang inalalayan kong makaupo si Erielle.

The Mischievous LoversWhere stories live. Discover now