PART 32: SOUR DATE

200 14 0
                                    

(Yuane's POV)

"Look who's here. Can we join you guys?" Dinig kong wika ni Indigo na noo'y kasama si Erielle. Nakahawak pa nga ito sa bewang ng dalaga. Parang gusto ko siyang suntukin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sure. You're Yuane's friend?" Tanong ni Heidi na siyang kasama ko ng mga oras na iyon. We were having a lunch meeting with a client together with my uncle pero nagmamadali silang umalis kaya naiwan kaming dalawa. But I'm sure sinadya yun ni uncle dahil inirereto niya kaming dalawa.

"Yeah.. I'm Indigo, and this is Erielle, my girlfriend." Pagpapakilala ni Indigo.

"Kailan pa?" Nakasimangot na tanong ko.

"Ngayon lang. Hahahaha!" ani Indigo na inalalayan sa pag-upo si Erielle. Grrr.... Damn it.. I should be the one doing that for her, not him. Not anyone else. The hell with him. Nananadya ba talaga siya?

"By the way, I'm Heidi Yupangco. Please to meet you." At nakipag-handshake sa dalawa.

"Yupangco? So are you related with the Yupangco Group of Companies? You're specializing with Consultancy and Management, right?" ani Indigo.

"Yeah.. you got that right. I didn't know I'm famous." Maarteng wika nito.

"I read an article about the company that's why I'm kind of familiar. Waiter!" senyas nito at lumapit naman ang waiter na may dalang menu. Argh! Gusto ko nang sapakin si Indigo dahil may pahawak-hawak pa itong nalalaman kay Erielle eh oorder lang naman sila. Aish.

Habang magkakasama kami sa iisang table, ramdam ko yung awkwardness at tension sa pagitan naming dalawa ni Erielle na noo'y nasa kaliwa ko nakaupo. Tahimik lang ito at hindi nakikisali sa usapan. Hindi na siya yung dating Erielle na madaldal. Does she really believe that we are siblings?

I know she's kind of dense and stupid sometimes. But believing that lie is way beyond her stupidity..

"So, what do you do Erielle?" baling ni Heidi sa nananahimik na dalaga at abala sa pagkain. Napatigil sa pagkain ang dalaga at tumingin sa nagtanong. Inubos muna nito ang laman ng kayang bibig at saka uminom ng juice.

"Oh well, I'm working for my father's company." Simpleng tugon nito at halatang ayaw kausapin ang maarteng dalaga. Oo nga pala, ayaw niya sa mga babaeng masyadong maarte.

"I see.. what group are you in? Zoyala? Villarica? Tobiante?" Anito na para bang gustong maliitin ang dalaga. She even gave her a wicked smile.

Hmmm, I wonder what she would say to shut her dirty big mouth.

"It's not really that big. You don't need to know." Ani Erielle na halatang nagpipigil sa kaartehan ni Heidi. Kung siya yung dating Erielle, malamang, nakatikim na si Heidi ng matinding suntok.

"Ohhh. You don't need to be shy. If you want, I can recommend you to our company. Puwedeng-puwede ka maging secretary. Medyo maganda ka naman eh." Anito. "Here, this is my card. You can call me anytime." She said as she handed Erielle her calling card. And she has that bitchy smile that really annoys me.

Uminom muna si Erielle bago sinagot ang sinabi ng maarteng dalaga. "Oh really? Okay. That's so nice of you. I will ask my father, Mr. Ric Delmundo, if he would allow me to work in another company." Aniyang nangingiti.

Oh Gosh! I miss that devilish smile of her. Naalala ko tuloy bigla yung mga panahong parati kaming nag-aaway na dalawa and she would always have that smile kapag may sinasabi siya na ikinaiinis ko.

Hay, I feel like hugging her right now. Grrrrr!

I want to laugh loud and roll on the floor when I saw Heidi's eyes' popped out in surprised when she heard the name Delmundo. Sino ba hindi makakakilala sa pangalang iyon? The no.1 group in the field of construction and consultancy. And not only that, it's also part of the publishing company that Erielle's mother is handling for decades now.

The Mischievous LoversWhere stories live. Discover now