PART 5: GETTING EVEN WITH MS. STUPID WITCH

432 30 36
                                    

(Yuane's POV)

Kumuha ako ng mga gagamitin ko para sa aking binabalak na konting kasiyahan para sa dalaga. I searched for a candle then lit it up. Tinapat ko ang kutsara sa apoy hanggang sa mangitim ang ilalim niyon.

"Hey, are you really sure you're going to do this? Bakit hindi mo na lang siya buhatin dun sa unit niya? Kawawa naman siya." ani Indigo. "Even if she's done something wrong, babae pa rin siya."

"Sino bang kaibigan mo?" Sigaw ko sa kanya.

"It's not about who my friend is. Pero Yuane, don't you think this is too childish?" Aniya habang akmang lalapitan ang natutulog na witch.

"Hay naku Indigo, bakit mo ba siya pinagtatanggol? Not unless she's your type." ani Ice.

"I agree with Indigo. Ako na lang magdadala sa kanya sa unit tutal ako naman ang nakatira doon dati." Ani Aaron na lumapit at akmang bubuhatin ang dalaga.

"Wait, wait, wait. Who told you to touch her?" Tapik ko sa kamay niya ng hawak kong kutsara.

"Aray! What the f*ck Yuane! Anong problema mo?" Sambit niya na hawak ang kamay na napaso sa mainit na kutsara. Nalagyan pa nga ng uling yung kamay niya kaya kumuha siya ng tissue para punasan iyon. "Saka teka nga, why can't I touch her? She isn't yours in the first place." Angil pa niya.

"She is my toy so DON'T.YOU.DARE.TOUCH.HER. Kung ayaw niyong masaktang dalawa, puwede na kayong lumabas ng bahay. You know where the door is." Sigaw ko sa mga ito. I don't know what gotten into me nang sabihin ko yun. And I really don't understand why I got irritated when Aaron tried to touch her. Damn this witch.

Goddamnit! Don't tell me she already cast a spell on me? Nah, ano bang iniisip ko. Epekto siguro to ng alak at ng pagkakauntog niya sa ilong ko. I shook my head para iwaksi yung ideyang naisip ko.

"So what are you gonna do?" Maya-maya ay biglang tanong ni Ice at saka ako tinapik sa balikat.

"Wala kang paki." Sigaw ko ulit habang tahimik na nagdidiwang ang utak ko.

"Grabe, bakit pati sa akin galit ka? Magkakampi tayo bro!"

"Puwede ba, magsialis na nga kayong tatlo. Ako na ang bahala dito." Pagtataboy ko sa kanilang lahat. Binitawan ko yung hawak kong kutsara at inilapag sa may gilid ng plato. I crossed my arms and glared at them. "Ano pang tinatayo-tayo niyo? Alis na sabi eh!"

"We will leave but please, don't do anything foolish. You might regret it." Ani Indigo na halatang concerned talaga sa mangkukulam na boarder namin.

"Oo na, oo na. Sige na, magsilayas na kayo. Ngayon na kung ayaw niyong bugbugin ko kayong tatlo. Out!" Atubili pa ang mga itong umalis pero tinulak ko sila palabas ng bahay. Nang makaalis ang tatlo, bumalik ako sa may dining kung saan naroroon pa rin ang lasing na dalaga. Nilapitan ko siya para isakatuparan ang binabalak ko.

"Hmmm. She looks innocent when she's sleeping. Dapat siguro parati lang siyang tulog para hindi siya nakakainis." Bulong ko sa sarili ko. I lifted her chin to see more of her face clearly. She has thick eyebrows and eyelashes, a small pointed nose and full pinkish lips. Her long golden brown hair is so smooth that it feels good to run my fingers through with it.

"May konting ganda din naman pala tong mangkukulam na to eh." Ani ko nang bigla akong matauhan. "Tsk. Erase, erase, erase. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Damn it." At bigla akong napailing. "There's no pretty witches out there. Lahat sila panget."

Sinimulan ko ang aking munting paghihiganti sa pamamagitan ng pagpunas ng uling sa mukha niya. I even draw a small like devil's horn in her forehead. I tried not to laugh but I can't help it especially when she really looked like a real witch. Tatayo na sana ako nang bigla niyang ikalawit ang kanyang mga kamay sa leeg ko. Muntikan ko pang mabitawan yung kutsarang hawak ko.

"You! Yoooou iiiistupid jerk!" Sabi niya. I thought she's awake pero nakapikit ang kanyang mga mata nang sabihin niya iyon. "Don't you know thaaaaat I desssspise you so so sooo muutch, you ugly monkey." Pagpapatuloy niya at iginagalaw-galaw pa ang kanyang ulo habang nakapikit.

Teka, sinong tinatawag niyang ugly monkey? Ang kapal ng mukha niya kung ako yung tinutukoy niya. I'm a heartthrob at maraming babae ang nagkakandarapa sa akin. Aba! Hindi niya ba alam na isa akong Adonis na nabuo dahil sa egg cell at sperm cell ng mommy at daddy ko, at lahat ang mga babaeng nakakakita sa akin ay nabubuhayan ng kanilang hormones?

Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit na mahigpit na para bang gusto akong patayin sa higpit ng yakap niya.

"Oh shit!" Kumalat kasi ang uling sa suot kong puting damit. Damn, I don't know if she's just pretending to be drunk and asleep, or she really talked while asleep. Sampalin ko kaya to nang magising?

"Hahahaha! You scumbag." Nagsalita na naman siya tapos iginalaw niya yung ulo niya palayo sa akin. "Akala mo kung shinong guwapo eh pa----ngeeeeet naman. Pa-----ngeeeet pa ng ugali. Bastos. I haaaaaate you! I really really hate tyou!" at bigla nitong inuntog ang ulo niya sa dibdib ko.

"Aww! Anak ng!" Ano ba tong ulo nitong babae na ito, made of steel? Ang sakit nun ah. Nakakarami na tong mangkukulam na to sa akin. Kung i-salvage ko na kaya to tutal kaming dalawa lang naman ang nandito.

I tried to pull her away pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Para bang sinadya niya talagang higpitan ang pagkakalawit sa leeg ko para hindi ko siya bitiwan. Umaabuso na itong babaeng ito ah. Wala tuloy akong nagawa kungdi buhatin na lang siya hanggang sa unit niya. Kinuha ko yung susi sa bulsa niya para maipasok ko siya sa loob. Gusto ko na siyang bitawan at ihulog sa semento pero ang higpit ng pagkakalingkis ng mga braso niya sa leeg ko. Daig pa yung sawa eh.

Idineretso ko siya sa kanyang kwarto. In fairness, malinis at maayos, well-organized ang mga gamit, puna ko. I stopped beside her bed. Tinangka kong tanggalin yung mga kamay niya pero ayaw talaga kaya naman dahan-dahan ko siyang inihiga. I mean, kaming dalawa pala ang nakahiga dahil nakayakap siya sa akin. It looks like we were a couple hugging each other tightly, and I suddenly felt uncomfortable. Bigla akong napalunok.

Naramdaman kong biglang lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin kaya naman agad sana akong babangon pero nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Smack lang iyon pero damang dama ko yung labi niya: pinaghalong beer at strawberry.

"Thanks for bringing me here. Bayad ko yan sa pagbuhat mo sa akin kapalit ng paglalagay mo ng uling sa mukha ko." She said straight. "Now, we're even." Aniya na nakangiti sa akin ng nakakaloko habang naniningkit ang kanyang mga mata. Tila ba biglang lumabas yung sungay at buntot niya. Hindi pa bumabalik yung huwisyo ko nang bigla niya akong itinulak. Tumilapon ako sa sahig at na-out of balance ako.

"Damn it!" sigaw ko nang bigla akong matauhan.

"You may leave now Yuanito. You know where the exit, right?" At saka siya nagtalukbong ng kumot. Hindi niya ata alintana yung uling kahit na kumalat pa iyon sa maganda niyang comforter na kulay purple.

"Hoy! Bumangon ka diyan, you stupid witch! You deceived me." Sabay tayo ko at lumapit sa kama niya. Hinila ko yung kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Puwede ba, bukas na natin ituloy tong away na to? I don't have any more energy left. Kung gusto mo suntukin mo na lang ako para matapos ka na. Go!" aniya na biglang umupo sa kama sabay iniharap yung kaliwa niyang pisngi na para bang hinihintay na suntukin ko siya.

"Tch! Hindi pa tayo tapos!" Kung puwede lang talagang manuntok ng babae, ginawa ko na. Geez. Tinalikuran ko siya saka pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto niya.

"May araw ka rin sa aking mangkukulam ka!

The Mischievous LoversWhere stories live. Discover now