PART 9: ♫♫REUNITED AND IT FEELS SO GOOD ♫♫

376 26 29
                                    

(Miko's POV)

"Nakausap mo na ba si Erielle?" Tanong sakin ni Precy. Nasa coffee shop kami ng mga panahong iyon.

Favorite place talaga to ni Erielle and we were hoping to see her here. Pero hindi na siya nagpupunta dito simula nung nagkatampuhan kaming tatlo.

"Yes. Pero ayaw niya akong kausapin. Pinagtabuyan niya ako dun sa bago niyang unit." Bagsak ang balikat na tugon ko. Ni hindi ko pa nagagalaw ang inorder kong mocha latté.

"It's been a month, and until now, she hasn't called me yet. Mukhang wala talaga siyang balak na kausapin tayo." Malungkot at tila naluluhang sambit ni Precy. This is the longest time that Erielle ignored us. Before, it will only take her hours.

"Maybe she hasn't cool down up to now. Actually, nag-aalala ako para sa kanya. What if may mangyaring masama sa kanya? Or baka pagtripan siya nung tropa ng Yuane na yun. Napakadali para sa kanya na gumawa ng masama dahil nasa kabilang bahay lang si Erielle." May pag-aalala sabi ko. Ilang beses ko na rin kasi siyang tinawagan at tinext pero hindi ito sumasagot. Hindi rin niya ako kinakausap kapag inaabangan ko siya sa labas ng gate. Para akong invisible sa paningin ng dalaga.

"Same here. Alam naman natin na nagtatapang-tapangan lang talaga siya, but in reality, she was like our baby. At tungkol kay Yuane, siguro naman hindi yun gagawa ng masama. Babae pa rin naman si Erielle kaya hindi niya papatulan ang kaibigan natin." She commented crossing her fingers. "Hay, nami-miss ko na si Erielle. Pati sa school, super iniiwasan niya ako. Kapag kinakausap ko siya, para akong nakikipag-usap sa pader." Napasalampak sa upuan na kuwento niya sa akin. Nawalan na rin siya ng ganang ubusin ang pagkain na naroon sa kanyang harapan. "Ano kayang ginagawa niya ngayon?"

"I know. Alam naman nating kulang sa atensiyon yun. She feels at ease when she's with us. I know it's certainly my fault for telling her those nasty things. She's a younger sister to me. At nalulungkot din ako dahil hindi niya tayo kinakausap. Ilang beses ko ng sinubukang kausapin siya pero wala pa rin eh. Sabi mo nga, para kang nakikipag-usap sa pader."

"Miko, I think we have to apologize to her. Hindi ko kasi kayang isipin na galit siya sa atin. Nami-miss ko na siya. Kahit pa nga medyo mapanakit yun, mahal na mahal ko yun."

"I know. I love her, too." It was a slip of the tongue.

"But why did you reject her, though? Actually, matagal ko nang gustong itanong sa'yo yan eh. I haven't had the chance though." Biglang umayos ng upo si Precy at tumingin ng diretso sa akin.

"Dahil ayaw kong masira yung friendship na meron kami kung sakali man na mag-break kaming dalawa so I've decided to conceal my feelings for her."

"Now I understand. You chose friendship over love. Mahal mo nga talaga siya." Ngingiti-ngiting sagot sakin ni Precy. "Pero hindi ka ba nagsisisi na hindi mo sinabi sa kanya yung nararamdaman mo? Malay mo, she'll change for the better."

"I will tell her eventually kapag nakita ko na ready na talaga siya."

"What if it's already too late to tell her? What if someone snatched her from us, from you. Anong gagawin mo?"

Moment of silence. . . Parang nagkaroon ng tension at awkward feeling dahil sa tanong na iyon. Pinagdugtong ni Precy ang kanyang mga hintuturo na tila nilalaro-laro niya iyon habang hinihintay ang kasagutan ko.

"Anyways, we better tell her how important she is to us. Kahit pa nga araw-araw ko siyang ilibre basta mapatawad niya lang tayo." Maya-maya ay wika ko. Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang tanong niya pero nagdulot iyon ng matinding kaba at tila ba bumigat ang aking pakiramdam lalo na sa ideya na mawawala ang dalaga sa piling ko. I just can't let her be snatched away.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon