Chapter 29

215 8 4
                                    

Nickel Xavier's Point of View

Ilang araw ng nandito si Zeyl sa hospital at binabantayan si Zaire. Hindi na rin siya pumapasok, at hindi na umuuwi sa kanila.
Dinalhan nalamang siya ng gamit ng ma magulang niya at ang yaya naman nila ang laging kasama ni Zeyl.

Ganun parin siya araw araw, sinisigawan ang boyfriend niyang nakalatay sa Hospital Bed at wala paring malay. Tulog parin.

Hindi siya nauubusan ng kwento, minsan lumalabas lang siya pag naubus na ang mga pagkain nila sa mini fridge. para mag grocery.

Kahit hindi niya pinapahalata nakikita namin,naririnig namin.
Tuwing gabi pumupunta kami rito sa Hospital at ang yaya naman nila ay madalas nagkakape sa canteen ng hospital kaya minsan hindi namin nakikita.
Sa tuwing pupunta kami sa room ni Zaire, hindi pa namin masyadong nabubuksan ang pintuan ay tanging pag iyak niya lamang ang naririnig namin ng kakambal ko laging nagmamakaawa na gumising na at walang tigil sa pagsasalita kaya madalas hindi nalang kami pumapasok.

"Grocery lang ako ha?" nangingiting sambit niya at tinanguan lang namin siya.. Halatang kagagaling sa pag iyak dahil mugto ang mga  mata.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Zaire at tinignan ang mga nakakabit sa kamay niya.at oxygen.

Nahihirapan ka na ba kumag ka?abay hindi pwede yan. Ang dami naming naghihintay sayo dito.

Tatalikod na sana ako.

*Tiiiiiiiiiiit*

*Tiiiiiiiiiiit*

*tiiiiiiiiiiit*

Biglang huminto ang mundo ko, nakikita kong napaka daming Nurse at doctor na tumatakbo dito pero para akong na paralisado at hindi ko maigalaw ang katawan ko ..

Putangina dre. Lumaban ka! Peste!

Narinig kong nag iyakan na sila Mom at Dad lalo na si tito Zei na tinatawag ang anak niya.
Biglang may tumapik sa balikat ko.

"Nakapagdesisyon na siya" sambit ni Kian na tuluyan ng umalis aa kwarto at hindi ko na namalayan na hindi na tumigil ang pag agos ng mga luha ko.

----------*

Third Person's Point of View

NP: I wanna Grow Old with you..
BY: Westlife

"ZAIRE TRIP ASTRID. TIME OF DEATH: 11:11 AM. "

Isang malakas na hagulgol ang tanging naririnig sa kwarto.
Ama na tinatawag ang anak na nanghihingi ng tawad at napaluhod nalang dahil sa sakit na nararamdaman.

Isang Ama at Ina na umiyak sa gilid at hindi kayang makita na ang kanilang batang inaalagaan noon ay iniwan na sila.

Kambal.  Dalawang lalaki na nahumahagulgol na sa isang tabi.

"Iligtas niyo ang anak ko parang awa niyo na please!!! Parang awa mo na Doc! " sigaw ng ama ni Zaire na ngayo'y nakaluhod sa harapan nito.
Ngunit niyakap  na lamang siya ng doctor at mas napalakas ang iyak ng ama ni Zaire dahil alam na niya ang ibig sabihin ng yakap na iyon  .

Na hindi na maibabalik pa ang buhay ng anak niya.

----*

Biglang bumukas ang pinto at lahat bg mga tao sa kwaro ni Zaire ay iyak na napalingon sa kanila at bumungad ang mukha ni Kian at Shania na mugto ang mga mata at walang tigil ang pag agos ng mga luha nito.

Hindi na napigilan ni Shania kaya napaupo na lamang ito at may lumakas ang boses ng pag iyak nito.
Habang si Kian ay napa takip nalang sa bibig na parang pinipigilan niya ang pag iyak .

"S-si Zeylee. " naiiyak na sabi ni Shania.

"Naaksidente " dugtong nito na siyang ikinagulat ng lahat.

"Nasagasaan ng Malaking truck. Dead on arrival. " sambit ni Kian na hindi na napigilan ang ang pag iyak at kusa naring napaupo sa kinatatayuan.

"Zeylee Azitriya. Dead on arrival. Time of death 11:11 am"

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon