Chapter 28

177 8 0
                                    

Neon Xavier 's Point of View

Napagdisisyunan naming dalhin nalang si Zeylee sa kinaroroonan ni Zaire, dahil mas gugustuhin namin na siya mismo ang makakita at makaalam kesa manggaling ito sa amin.

"A-ano bang gagawin n-natin di-dito? " nauutal niyang tanong pero hindi kami makatingin sa kanya dahil alam naming bibigay din ang mga luha namin .
Walang pumansin sa tanong niya kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa loob ng hospital.

"May bibisitahin ba tayo? Akala ko ba pupunta tayo sa abnormal niyong kaibigan? Asan na bayun? " tanong niya sa amin.

Halata ngang wala kang alam
Halatang hindi niya sinabi sayo.
Bakit ang daya mo bro?
Di ka naman pala lalaban pero bakit dinamay mo pa ang inosenteng babaeng to?
Alam kong nagmahal kalang, pero sana lumaban ka..
Ayaw mo sa mg mahihina diba?

Hindi ko napansin na huminto na pala kami sa tapat ng kwarto na kung saan nandun ang hinahanap ni Zeylee.

Nasa unahan namin siya, alam kong hindi siya manhid. At nararamdaman ko na kinakabahan siya. Kitang kita ko ang panginginig ng mga kamay niya habag naka hawak sa doorknob ng kwarto.. At dahan dahan niyang binuksan at tuluyan na siyang pumasok.

Patuloy siya sa pag lalakad papunta sa kinaroroonan ng taong hinahanap niya. At nakita ko na ang reaksyon niya.
Iba ang reaksyon niya sa amin.

"Hh-oy! Bakit ka nakahiga jan!!  " sigaw niya dito at halatang umiiyak na siya kaya nakita ko ang mga kasama ko na nakayuko nalang at nakatingin sa sahig habang tinitignan ko ang ginagawa niya.

"Patulog-t-tukog ka p-pa jan! A-alam mo bang dalawang araw n-a kitang h-hinahanap ku-kumag ka! " patuloy niya sa pagsasalita.

Hindi naman pala siya mahina.

Biglang may tumulong luha sa pisnge ko at nagtuloy tuloy na yun pero nakatingin parin ako sa kaniya..

Bro gumising ka na. Yung girlfriend mo oh. Ang ingay

"A-ano sakit ng b-bugok nato? " baling niya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na sobrang nasasaktan siya sa nakikita niya pero pinilit niya paring ngumiti.

Tumingin ako sa malayo.
Mas nasasaktan akong nakangiti siya. Dahil ganun si Zaire. Ganun ang utol ko.
Kahit nasasaktan na siya. Hindi niya pinapansin yun. At pinilit niya na maging masaya.

"L-le-leukemia" nanginginig kong sagot sa kanya, at mas narinig ko na ang hagulgul ng mga kasama namin.

"B-bakit ba kayo umiiyak? Para naman kayo namatayan. " diretsong sabi niya. Kaya lahat kami napatingin sa kanya.

"Leukemia? Susss. Kaya yan ng baby ko. Ito pa? Wala ba kayong bilib dito? Matapang to no " umiiyak na sambit niya kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko. Katulad sila ni Zaire.

"Wag nga kayong umiyak jan. Gagaling tong kumag nato. " sa sinabi niyang yun humagulgol narin si Zeylee.

"Kaya ba lahat ng mga character mo sa wattpad ay may sakit? At pinapatay mong mokong ka" sambit niya habang hawak hawak ang buhok ni Zaire.

"Napaka daya mo. Umiyak na nga ako ng umiyak sa mga storya mo, pati ba naman sa storya natin? Mahal ,wag ganun" sunod sunod na sabi niya at walang tigil ang iyakan ng mga kasamahan namin lalo na si Tito Zei,Mom and Dad.

"Baby.. Gising ka na. Nandito nako "
At hinalikan niya sa pisnge si Zaire habang umiyak na ng umiyak.

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon