Chapter 13

176 8 0
                                    

Zeylee's Point Of View

Hila hila ko si Zaire palabas ng gate, at tinatawanan niya lang ako.
Kainis ka.

"Ikaw!? Bakit mo sinabi kay Dad yun? At ano yung pinagsasasabi mo kela mom at dad?! Ha? "

Inexpect ko na sasagutin niya ako pero nilahad niya lang ang kamay na katulad kanina. Siraulo ba to? O wala lang talaga tong ulo?

"I saved you. I saved you yesterday and I saved you today, from that wedding right? So, its pay time" sambit niya at biglang umiba ang ekspresyon. Balik sa dati.

Mukha ka talagang pera, ke yaman yaman. Naniningil.

"Ok then. Wag mo muna akong bayaran." ibinaba niya na muna ang kamay niya at ipinasok sa bulsa ng school pants niya.
Pa cool. Ts
Sumakay na siya sa motor niya at nagsuot na ng helmet.
Minsan gusto kong alamin ang pagkatao ng mokong nato.

"Tatayo ka nalan ba jan? Hindi ka ba papasok ?" tanong niya sakin .

Papasakayin niya ako sa motor niya? Kyaaah. Ang sweet din naman pala nito.
Hahakbang na sana ako sa motor niya ng tinignan niya ako na parang nagtatanong-look.

"Sinong nag sabi na sasakay ka sa motor ko? Hahawak ka lang sa bewang ko eh. "

O_______O hauf to.
Pahiya ako dun ah. Bakit ba nakilala kitang ungas ka. Argghh! Tinignan ko siya ng masama at... Kinindatan niya lang ako???? O/////O

Pinaharurot na niya ang kanyang motor at Naiwan akong nakatulala sa gate . Bastos -.-

---------*

"Zeylee!!! " agad kong hinanap kung sino ang tumawag sa akin nang pumasok ako sa school nakita ko si Shania na papunta sa kinaroroonan ko. Ano nanaman kayang dala dalang balita nito.

"May good news ako sayo!!Yiee! " nagtitiling sambit niya at nakita ko si Kian na papalapit na rin sa kinaroroonan namin. Kawawang kian hahahaah iniwang ng girlfriend.
Binaling ko ulit ang tingin ko kay Shania at parang excited talaga itong sabihin.

"Ano nga kasi yun? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bukas! Alam mo anong meron bukas?? Kyaaahh!!! " ano batong babaeng to. Nandito boyfriend niya pero kung makasigaw jusko.

"Ano nga kasi!? Diretsuhin mo nga ako?! "

"Bukas! Yung DarkTripAstrid na bebehlabs mo. Pupunta dito para sa booksigning at fanmeeting!!!!!"
Yun lang naman pala eh.

HANUH DAW!???

"PAKI ULIT MO NGA!?? " ulit kong tanong sa kanya baka kasi bingi tama si Zaire na binge talaga ako eh.

"Sabi ko! Yung DarkTripAstrid na bebehlabs mo. Pupunta dito para sa booksigning at fanmeeting!!!"
Nagtatalon na sigaw niya.

"O______O Wahhhhhh!!!! Ang asawa ko pupunta dito!!! " sigaw ko sa kanya at para kaming timang nagtatalon sa tuwa.

Pero teka nga.

"Bakit mas excited ka kesa sakin? " takang tanong ko sa kanya at tinignan ko si Kian na nakapamewang na parang naghihintay sa sagot ni Shania. Hahahahahaha lagot ka.

"Heheheheh. Ahm. Excited lang ako para sayo girl. Hehehehe" sagot niya at napakamot nalang siya sa may batok niya at nilapitan niya si Kian at niyakap.

Heller!? May single dito oh?

"Wag kayong magkalat ng langgam dito. " sabi ko sa kanila at tumawa nalang kaming tatlo.. Hangang nagpaalaam na silang dalawa kasi raw maaga daw ang prof nila .
And again 'n again. Mag isa nanaman akong pupunta sa Classroom of Hell.

Iniisip ko palang yung sinabi ni dad sakin kanina na may muta pa ako, lintek! Nakakahiya!!
Paakyat na sana ako sa hagdan ng may umabot sa akin ng payong.

Si Zaire the Bipolar.

Tinignan ko siya ng anong-gagawin-ko-dito-look.
Binigyan niya lang ako ng Poker face expression. Kahit talaga may saltik to.

"Baka pag pasok mo sa classroom mo may party nanamang magaganap. Dapat always ready ka. Ts. Walang utak " Sambit niya at tinalikuran niya na ako at nakita kong kasama niya yung dalawang lalaki na lagi niyang kasama . Mga gwapo rin eh.

Inisip ko ulit ang sinabi niya.

"Baka pag pasok mo sa classroom mo may party nanamang magaganap. Dapat always ready ka. Ts. Walang utak "

"Baka pag pasok mo sa classroom mo may party nanamang magaganap. Dapat always ready ka. Ts. Walang utak "

"Baka pag pasok mo sa classroom mo may party nanamang magaganap. Dapat always ready ka. Ts. Walang utak "

Ako? Walang utak!? Siya walang ulo. -____-

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon