Chapter 2

299 12 0
                                    

Zeylee Azitriya's Point Of View

Ngayon ko lang nakita ang nakabangga ni Kian.

Transferee?

"Sorry bro, di kita nakita eh . Pasensya na" pag hingi ng sorry ni Kian. At gad ko namang narinig ang mga tilian ng mga babae sa loob at labas ng canteen, at kasalungat sa ekspresyon ng mga lalaki at inismiran lang nila ang baguhan na lalaki na kaharap ngayon ni Kian na tinitigan lang siya na parang i inaaral ang mukha ni kian.

Bakla bato?

"Hindi mo nakita? Eh anong silbi ng mata mo? Design lang? " sagot ng lalaki kay Kian na ikinabigla ni Kian at naming lahat na nasa canteen.

Imbis na mainis ang lahat mas lalong lumakas ang pagtitilian ng mga babae mapa Juniors man o Seniors.
Landi. Ts
Tinignan ko ulit si Kian at nakita ko naring tumayo si Shania at nilapitan si Kian para tulungan ang boyfriend nito.

"Nagsorry na nga siya sayo diba? Ginanyan mo pa? " pagtataray ni Shania sa lalaki, at laking gulat ko ay nginitian niya lamang si Shania ng nakakaloko.
Masyado tong hambog. Gwapo nga, hambog naman. Ang sungit ng dating, pero masama ang ugali! Tsk!

"Zaire Trip Astrid! " sigaw ng lalaki sa may pintuan ng canteen at lahat kami ay napalingon. Si Sino naman kaya ang tinatawag niya?

Ibinalik ko ang tingin kela Shania at wala na ang lalaki at nakita ko siyang papalabas sa Canteen at kausal ang lalaki na may tinawag na pangalan kanina, siya pala yun?

"Akala mo kung sino! Transferee lang naman! Tsk! " naiinis na bulyaw ni Shania habang inihahanda ang pagkain namin. Nakita ko si Kian na napangiti lang.
Weird din to minsan eh.

"Kilala ko yun"

Nabitawan ni Shania ang mga kutsara at tinidor at napalingon sa boyfriend niya .
Kilala niya pala yung hambog na masungit na yun?
Tinignan lang namin si Kian na parang hinihintay ay sunod niyang sasabihin.

"Kilala mo yun babe? " paniguradong tanong ni Shania.
Minsan talaga naiilang ako sa kanila, lalo nat nagtatawagan sila gamit ang iba ibang endearments nila.
Nakakainggit minsan eh. Hahaha

"He's Zaire Trip Astrid, narinig niyo naman ang pagtawag sa kanya diba? Sikat na Varsity Player yan dito noong elementary days, Team captain namin yun noon. " nakangiting sambit nito at nakatingin lang sa kawalan.
Ano kaya ang Past nila?
Curious tuloy ako .

----------

Nang matapos ang Breaktime ay naghiwalay-hiwalay na kami nila Shania, syempre kasama niya si Kian classmate kasi sila at ako lang ang naiba.

"Bumalik na pala si Zaire no? "

"Kyaaahhh!Oo nga, mas pumogi pa! "

"Pustahan tayo magiging boyfriend ko yun! Kyaaahh"

Yan ang Tanging naririnig ko lamang bawat pagdaan ko sa lobby na may babae akong nadadaanan.
Ganun ba yun ka Popular dito.
May itsura nga, 0% naman sa ugali.

Pagkarating ko sa tapat ng classroom agad na pumasok ako at puro yung Transferee lang ang topic nila.
Ano bayan? Nakakarindi na pakinggan ang pangangan niya.
Agad kong inilabas ang Cellphone ko at bumungad sa akin ang isang notification sa Wattpad

"DarktripAsteroid updated a new chapter of FALLING STAR"

O_______O

Holygooodd!! Nag update na ang bebelabs ko!!!
Isa sa gustong gusto ko ng makita na Author ay si DarktripAsteroid, all social media accounts niya ay fina follow ko siya, sa Tumblr, mapa Twitter,Instagram ,Blog at syempre sa Wattpad .
Kaso hindi pa nakikita ang mukha niya,kahit isang Fan hindi oa nakakita sa buo ng mukha, Dahil bukod sa naka mask ito lagi every booksigning daw,ay naka cap pa ito.

Im so curious about what he looks like.
Basta ang sabi ng mga fans na nakapunta sa booksigning niya ay ang bango niya raw, amoy Bench na pink bayun? Basta yun.

At hindi nako nagdalawang isip pa at binasa ko na ang Update niya .

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon