Chapter 23

145 6 0
                                    

Neon Xavier's Point of View

Nasa bahay kami kasama ang kakambal kong si Nickel, mas matanda siya sakin ng limang minuto pero siya ang pinaka isip bata.

"Sa tingin mo tol tama ang desisyon ni Zaire? " pangunang tanong ng kakambal ko na si Nickel habang naglalaro ng Xbox sa harapan ko.

"Hindi ko alam, si mom and dad nga hindi payag eh. Pero may isip na si Zaire para malaman ang taman at mali tol" sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung matutuwa na kami kasi nagka girlfriend na siya kasi dun naman siya masaya eh, pero alam namin masasaktan lang silang dalawa sa huli.

"Sana makaligtas siya" muling sambit ng kakambal ko at napansin kong napatigil siya sa paglalaro ng Xbox at nakayuko na.

"Diba sabi niya? Ayaw niya sa mga mahihina. Syempre lalaban yun tol" sambit ko. Sa kanya.

Para na naming naging kapatid si Zaire, hindi ko nga matandaan kung kailan kami huli nag away nun, mabait siyang kaibigan kahit hindi halata. Kaya hindi na siya iba sa pamilya namin.
Matapang, masipag, matalino at masungit ngalang. Di na bago samin yun may sapak eh.

Simula nong nagka cafe na siya mas pinili niyang umalis sa bahay kasi gusto niya raw tumayo sa sarili niyang mga paa at ng may maipagmamalaki siya ng dad niya. He was a little kiddo, when. His parents abandoned him.
At natupad nga ang pangako niya sa sarili niya na may ipagmamalaki na talaga siya, hindi man sikat na artista, pero isa siyang sikat na manunulat sa Wattpad na sinasabi niya.

Noon ayaw na ayaw niya jan, para ngang nandidiri pa pag nakakakita ng mga tao na nagbabasa nun, pero isang araw naging adik nadin siya dun kaya di namin makalimutan yung araw na pinagtatawanan namin siya nila mom, dad at nickel dahil na adik na siya sa wattpad.
Pero ang sinabi niya lang sa amin nung mga araw na yun

"Feeling ko kasi hindi ako nababagot sa kwartong yun habang nagbabasa ako. Nakakalimutan ko lahat. Lahat lahat pag nagbabasa ako" -Zaire

Hindi ko makakalimutan yun dahil alam ko ang punto niya. Hanggang naging sikat na nga siya na Author.

Tinignan ko ulit ang kambal ko.
Iyakin talga, kulang nalang magka crush to kay Zaire eh.

"Wag ka ngang umiyak. Ang panget mong umiyak tol. Masabihan nga si Zaire Hahhahaha"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at ibinato sa akin ang Unan na nasa tabi niya. Hahhahaha pikon.

"Pero posible kaya ang sinabi ni Mr.Lim? " wika niya na siyang ikinagulat ko.

Hindi ko inaakalang makakalimutan ko yun, dahil yun mismo ang siyang dahilan kung bakit kami nag iingat.
Lalo na't pag kasama namin si Zaire.
Mas lumungkot ako at lalo na si Nickel.

"Sa tingin mo kailangan na malaman ni tito ? Lumalaki na si Zaire bro. Kahit hindi niya sinasabi ramdam mo naman diba? " lungkot na sabi niya sa akin.

Siguro kailangan nga naming sabihan si tito, anak niya parin si Zaire kahit balik baliktarin man ang mundo.
Alam din naming nilalagyan ni Tito ang account ni Zaire ng pera, kaso hindi ginagalaw ni Zaire para. Wala daw siyang utang na loob sa ama niya.

Alam naman naming mahal ni tito si Zaire, nasaktan lng siguro siya nung nanghiwalay sila nila tita kaya nadamay ang anak nila.

Nakikita naming pinipilit ni tito na bumalik ang anak niya sa kanya.
Pero di namin masisisi si Zaire kung ganun na nga ang galit niya sa ama at ina niya na hanggang ngayon hindi niya parin nakakalimutan ang lahat.

"Sa tingin ko dapat malaman nga ni Tito" sagot ko sa kanya.

"Pano si Zeylee? " hirit niyang tanong.

Yun ang hindi ko alam.

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon