Chapter 6

189 6 0
                                    

Zeylee's Point Of View

Papasok na sana ako ng school ng napansin ko ang mga babae na kanina pa nakatingin sa akin, yung mga FANS kuno ng lalaking yun.
Hindi ko pa nakita si Shania At Kian na as usual lagi silang tumatambay sa may Quadrangle.

Kanina pa ako tinitignan ng mga to, nakakailang na hanggang umabot ako sa classroom ko at pagbukas ko sa pintuan ay isang baldeng pintura ang nabuhos sa ulo ko.
Ano bang nagawa ko para pagtripan nila ako ng ganito!?

"You look so..  Ahmm.. Ew??? Haahahah" bungad sa akin ni Bea kasama ang mga babae na masama ang tingin sa akin kanina papasok ng gate palang.

"Ano nanamang trio mo at pati ako dinamay mo? " mahinahong tanong ko sa kanya . Ayokong makipag away dito kasi alam ko namang wala akong laban dito eh. She's the queen of all bitches.
Tinawanan lang nila akong lahat at biglang dumating si Sir Dela cruz na gulat na gulat.

"Miss Azitriya!? Ano nanamang kalokohan yan!? " sigaw niya sa akin, ako nanaman. Ako naman lagi ang sumasalo mga trip ng mga babaeng to eh. Tinignan ko lang si Sir Dela Cruz at nakita niyang pinag tatawanan nako ng mga kaklase ko at ang kaninang galit na tingin niya sa akin at napalitan ng pag alala.
Well, he's still a Teacher.

"Are you Okey!? Who did this to you? " tanong ni tanda sa akin. Pero nginitian ko lang siya.
Tatanggapin ko pa sanang tubig ang ibinuhos sa akin eh. Pero, pintura? What a hell.

"Don't pity me and don't mind me sir. Its all my fault . I have to go,sir. Goodmorning by the way. "

Ganyan nako makitungo sa kanya noon pa, bestfriend na nga kami eh. Halata ba? Haaahaha.
Natatawa nalang akong bumaba sa hagdan na parang baliw.

"Masyado kang mahina, Nakakaawa ka. " isang boses na narinig ko pagkababa ko sa hagdan. Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng hagdan na may mga upuan.

"What did you say!? "

Tinignan ko siya ng masama at, at itinaas niya rin ang ulo niya at isinara ang libro na hawak hawak niya .

"I told you, maglinis ka ng tenga" sambit niya na mas ikinainis ko pa .

"How dare you to talk to me like that,i dont even know you , even a  single details about you!!" sigaw ko sa kanya kahit nalalagkitan nako sa katawan ko dahil sa pintura..

"I know. Hindi ko alam na napakalakas ng boses mo,nalunok mo ba ang speaker sa gymnasium? Pero bakit ni isang salita wala kang nasumbat sa kanila ng gawin nila sayo yan" seryosong sabi niya ay nakadekwatro pa siya,pero ganun parin ang eksprasyon niya. Walang emosyong makikita .

"Ano bang pake mo!? "

"Wala. Wala akong pake. "

O______o? Ganito ba siya ka straightforward!? Ang sakit niyang magsalita! Well Zeylee, wala naman talaga siyang pake sayo, sa lahat. Kita mo ngang yung dalawa niyang kaibigan ang laging kausap niyan eh .

"Wala akong pake sa mahihinang tao"

Anong klaseng tao ba to?hindi niya ba alam na nakakasakit na siya?
Tinitigan ko siya ng masama pero wala paring bago sa kanya .

"Maraming taong may problema, physically, mentally and Emotionally. Pero sa sitwasyon nilang yun lumalaban sila. Pero ikaw? Mahina ka. "

Iniwan niya akong nakatayk at nakatulala. 

Pero ikaw? Mahina ka.

Pero ikaw? Mahina ka

Pero ikaw? Mahina ka.

Pero ikaw? Mahina ka.

Paulit ulit na nag e echo sa isipan ko ang huli niyang sinabi.

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon