Chapter 1

566 20 0
                                    

Zeylee Azitriya's Point of View

Kasalukuyan akong tumatakbo sa gitna ng quadrangle kung saan kasama ko ang mga kaklase ko .

"Azitriya!! Bilis bilisan mo pa ang pagtabo! Physical Education to, hindi Pageant! " bulyaw sa akin ng P.E teacher namin na Sir Dela Cruz. Kung hindi ko lang to teacher pinatid ko na ito eh. Masyadong nakakarinding pakinggang ang boses niya. Nakakabadtrip.

Mas binilisan ko pa sa pag takbo hanggang sa pinahinto na kami ng matandang hukluban na si Sir. Dela Cruz. Masyado niya kaming pinapahirapan araw araw kaya minsan hinihiling namin na sana mag retiro na siya. Hahahahaha pero biro lang.

"Hindi na kayo nagtanda! Diba ang sabi ko sa inyo, kapag oras ng klase ko. Sa klase ko lang dapat nakatuon ang atensyon niyo! " sigaw nito at bigla siyang napatingin sa akin.
Problema niya sa kagandahan ko?

"Ikaw babae ka! Ke adik adik mo sa Wattpad wattpad nayan, eh sa subject ko napakahina mo. Jusmiyo marimar, millenials now a days." tinuro niya ako at biglang napahawak sa sintido niya.
Tinignan ako ng mga kaklase ko na parang ako ang sinisisi nila.
Problema nila? Buti pa nga sa wattpad Boys ako adik at hindi sa lalaki na nasa realidad na ke papanget! Duh?

Pinandilatan ko lang sila ng mga mata ko at agad na iniwas nila ang tingin sa akin.
Umalis na si Tandang Hukluban at pinag breaktime na kami. Buti marunong pang maawa yun, eh tagaktak na ang mga pawis namin sa kakatakbo halos isang oras.

------

"Zeylee!! " sigaw ng isang babae na papasok sa canteen.

Si Shania. Ang bungangera kong bestfriend kasama ang boyfriend niyang si Kian.
Ay kinawayan ko lang sila Habang papalapit sa akin
Nasa canteen kami ngayon dahil sa haba ng oras na ibinigay sa amin ni Matandang hukluban para mag breaktime.

"Girl! Balita ko sinermonan ka nanaman ng Papa mo. Hahahahaha" Pabirong sambit ni Shania sa akin habang paupo sa harapan ko.
At inismiran ko lang siya. PAPA niya to

"Gagu! Baka Papa mo? Sayo na yun, walang mang aagaw sayo" at tinawanan niya lang ako.
Si Kian na ang nag order para sa amin, mabait yun eh. Ewan ko, baka kinulam ng bestfriend ko. Hahahaha

"Girl! Kailan ka pa ba magkakaboypren! Pang lima ko na si Kian oh? Ikaw kahit isa wala!? Wag mong sabihing tatanda ka ng dalaga niyan? " sermon nito. Lagi niya nalang akong pinapaalala sa RELATIONSHIT RELATIONSHIT nayan eh nagdadala lang ng SHIT sa buhay yan.
Tinignan ko lang siya at huminga nalang siya ng malalim.

"Wag mong sabihing kukulong nalang sa kwarto, magbabasa ng mga story sa wattpad watty nayan? Punta sa bookstore, bili ng libro. Punta sa stores, bili ng mga merchandice? Punta sa booksigning? Papapirma kay author? Ganun ganun nalang girl? Ang boring ng Layp mo. Di ko keri" nag iinarteng sabat nito na parang nahihimatay siya.

Yung bestfriend mong OA pa sa OA?

But she's right. I really love reading stories from wattpad, and having a collections of wattpad books and Merchandise? Going in a Booksigning events just to see my Favorite author? Yeah. That's my life.

Tinignan ko ulit si Shania at Tinanguan ko nalang siya.
Kaya napailing nalang siya.
At eksaktong papunta na sana si Kian dito ng may nakabangga siyang lalaki.

Ngayon ko lang siya nakita ah?

My Boyfriend is a Wattpad Author [Completed] UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon