The Another Secrets Chapter #3

3 0 0
                                    

Sammielyn's POV

Habang naglalakad ako sa garden may narinig akong nag-uusap. Mukhang sina Tita Thea at Amy. Sasama sana ako sa kanila nang mapatigil na lang ako dahil sa narinig ko.

"Ang ibig mong sabihin? May paraan para magbago ang mangyayare?" tanong ni Tita Thea. Agad akong kinabahan.

"Oo mom. At yun ang di ko kayang sabihin sa kanila."

"Sinong nagsabi sayo?"

"Ang future mismo ni Ate Sam." Sagot nya. Napahawak naman ako sa dibdib ko at muling nakinig.

"Paano?"

"Sa Vampire's Eclipse na mangyayare next year lalabas na ng tuluyan ang dark aura sa katawan nya at maiiwan ang kaluluwa nya sa salamin ng kwarto nya. Nakausap ko yung kaluluwa nya sa loob ng salamin. Ang paraan ay..." lalo kong kinabahan sa sumunod kong marinig. "Ang kamatayan nya bago ang eclipse."

"Y-yun din ang naisip ko. Lahat ng mangyayare sa future maaari lang magbago sa absence ng main character. Kaso di ko din kayang sabihin sa kanila. Kahit na alam kong yun ang tama." Sabi ng mommy nya. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

"S-sinubukan kong magbasa ng mga libro pero lahat ng nakikita kong sagot ay kamatayan." Dagdag pa ni Amy. Di ko na kinaya kaya tumakbo na ko palayo. Ang kamatayan ko ang sulusyon?

"Ate? Ate..." si Love yun. Agad kong tinanggal ang mga luha sa mukha ko at umayos ng kinikilos ko bago ko sya hanapin.

"Oh... Love bakit?"

"Ate fullmoon kasi ngayon. Maggagabi na din kasi... tara na?"

Tumango naman ako at sumama sa kanya papuntang kulungan ko. Tinatawag ko na nga syang kulungan ko eh kasi ako lang naman ang nagamit. Habang nakakulong ako nakita ko pa ang pagpasok nina mommy at daddy. Nakita kong kumunot ang noo ni daddy habang sumisinghot, parang may naaamoy ito na kakaiba. "Parang may kakaibang amoy dito." Sabi nya pa bago ko tuluyang makatulog.

Paggising ko nasa labas na ako ng kulungan. "Bakit nasa labas ako? Nakatakas ba ako?" agad kong tanong sa kanila.

"Hindi anak, inilabas ka namin nang mahimatay ka. Anak... Alam namin na normal pa kayong mga tao kahit na may mga kapangyarihan na kayo. May itatanong ako sayo ha..." tumango lang ako. "Buntis ka ba?" agad na napakunot noo ako sa tanong nya. "Kailan ka huling dinatnan?" Two weeks na rin ang nakalipas sa nangyareng yun.

"Kasi ate naamoy si daddy." Agad akong napabangon sa mga sinasabi nila. Mabilis makaamoy ng kakaiba ang mga bampira.

"Anak... alam kong buntis ka. Si Sky ba?"

Agad akong umiyak. Masaya ako pero may halong lungkot.  "Sorry po."

"Ayos lang yun, wag ka ng umiyak. Naiinitndihan ka namin ng daddy mo." Sabi naman ni mommy.

"Ipapaalam mo ba to kay kuya Sky?"  tanong sa akin ni Love. Umiling naman ako. Bakit ko ipapaalam ang balak ko nga kanina eh umalis na papuntang Korea. "Bakit?"

"Mga bampira ang ilan sa mga tao dito sa mansion. Ang mga tito at tita mo. Malaki ang possibility na malaman nila yun." Daddy.

"Kaya ang plano ko po umuwi ng Korea. Doon mas maganda ang mga gamit na makakapigil sa halimaw sa loob ko. Baka may paraan sila doon." Sabi ko.

"Pero bakit ayaw mong malaman ni Sky?" Mommy.

"Pano po kung wala na talagang paraan? Ayoko pong masaktan sya." Sagot ko.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now