C H A P T E R - F I V E

15 5 0
                                    

Neigel's POV

Eto ko ngayon sinasamahan si Rham, actually parang di naman talaga sinasamahan kasi dun din ang punta ko. Remember magkapitbahay lang kami. Saka di sya pwedeng mag-isa. Si Philip kasi...

Nga pala bumili ako ng headphone na katulad na katulad nung binasag ni Philip. Ibibigay ko kasi dito sa cold guy friend namin. Para kasing nakokonsensya ko sa ginawa ni Philip, kung di ako tumigil at pinigilan ko agad si Philip baka napigilan ko pa sya. Isa pa tong si Sky, dati lagi nya kong sinasamahan pauwi ngayon na may barkada na sya di na nya ko sinasamahan. Balingbing talaga.

"Shut up!" bigla namang nagsalita tong nasa unahan ko at tumigil dahilan ng pagtigil ko din.

"I'm not speeking." Sagot ko sa kanya.

"Ahm... Sorry." Sabi nya at kinuha ang headphone sa bag nya, sira na, parang nilagyan nya lang ng tape.

Kinuha ko ang headphone nya. Dahilan ng paglingon nya sa gawi ko at akmang susuntukin ako kaso nahawakan ko ang kamay nya. "Easy!" sabi ko. Kinuha ko ang headphone na binili ko na nakabox pa. Kinuha ko ang headphone na bago at pinalit ang sira ng headphone. Inabot ko sa kanya yung box na may laman na sirang headphone at isinuot ko sa kanya ang headphone na binili ko. "Sorry kung di agad ako nangealam sa away nyo ni Philip. Nasira tuloy ang headphone mo."

Tinanggal naman nya yung headphone na sinuot ko. "Salamat. Regalo ng mommy ko ang headphone na to." Tinukoy nya yung luma nyang headphone. Nagsimula naman kaming maglakad.

"Bakit mahilig ka sa headphone?" tanong ko sa kanya.

"May mga bagay kasi na naririnig ko kahit di ko naman dapat marinig." he smile a bit. "Gusto ko lang ng tahimik at malayang pamumuhay." Dugtong pa nito.

"Victim ka ba ng bullying?" tanong ko sa kanya.

Tumawa sya ng mahinahon. "Pwede rin." Sabi pa nya. Napatingin ako sa mukha nya habang naglalakad.

"Ang ganda mo pala at the same time. Para kang babae." Sabi ko sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa labi nya at sinamaan ako ng tingin. "Ahhh... Joke lang." sabi ko pa, natakot ako, mukha kasing ang lakas nya.

"Hoy! Two cold guys!" napalingon naman kami sa tumawag. Obvious naman kasi na kami ang tinatawag nya. Si Philip... Agad akong humarang kay Rham.

"Kaya ko ding lumaban." Sabi pa nya at nagpunta sa tabi ko.

"Sa tingin mo kakayanin natin ang 20 plus na tao? Tingnan mo nga may mga hawak silang batuta! Imbis na mabugbog ka tumawag ka na lang ng tulong. Mabubuhay pa tayo pareho." Mahaba kong litanya.

"W-wala kong load..." sabi pa nya at yumuko. Kinuha ko naman ang phone ko at ibinigay sa kanya. "Si Sky ba ang tatawagan ko?"

"Bahala ka, kung saulo mo ang number ng kakambal mo, sya ang tawagan mo. Gusto mo both." Sabi ko pa.

"Manahimik nga kayo. Lintik na! Ang ingay nyo!" Sigaw ni Philip.

"Ano ba ang kailangan nyo?" sigaw na tanong ko sa kanila.

"Siguro alam mo naman ang salitang revenge di ba?" sabi nya. "Bakit mo naman tinatago si Rham? Natatakot ba sya?"

"Patumbahin nyo muna ko bago nyo mahawakan si Rham!" sigaw ko.

"Narinig nyo yun boys? Patumbahin yang mayabang na yan."

"Ikaw ang mayabang, kasi nagtatago ka sa mga saya nyang mga alagad mo. Talong talo naman kita pag-ikaw lang." pang-iinis ko sa kanya.

"Boys! Ako ang susugod sa kanya. Manood lang kayo!"

"Neil natawagan ko na si Rey at si Sky. Papunta na siguro sila." Rham

"Tumakbo ka na! Ako ng bahala dito." Sabi ko.

"Hindi, ayoko."

"Aalis ka o aalis ka?!" naiinis kong sinigawan sya.

"Neil..."

My Cold Beautiful ManOnde histórias criam vida. Descubra agora