C H A P T E R - F I F T E E N

12 1 0
                                    

Rhea Amy's POV (Rham)

Sinabayan akong maglakad ni Kiel papuntang parking lot.

"Sorry talaga sa pambabastos na ginawa ng kapatid ko. Sana mapatawad mo sya." Mukha naman syang mabait. He looks harmless.

"Okay." Simple kong sagot pero nakasunod pa rin sya sa akin hanggang parking lot. Nasaan na ba si Neil, uuwi na kami ah?

"Ahmmm Rham. Was the name Rheam Lee familiar to you?" napakunot naman ako ng noo.

"No." sagot ko agad. It was the name I'm about to use nung unang pasok namin ni Rey sa school na ito. Well... as a female.

"Ang bilis mo namang sumagot Ms. Lee."

Nagulat ako nang tawagin nya akong Ms. Lee. Tumingin pa ko sa paligid bago sya ko sya titigan sa mata. Anong alam mo?

"Nagulat ka ba? Nung kasi hinipuan ka ng kakambal ko sabi nya..." lumapit ang mukha nya sa tenga ko. "It's kinda fluffy." Agad akong napaatras sa sinabi nya. "I know you're a girl." Dugtong pa nito.

Pero bago pa ko makareact ng todo sa sinabi nya may biglang humila sa akin at hinalikan ako sa labi. Natigil ang mundo ko ng makita ang nakapikit na mata ni Neil habang nakalapat ang labi namin sa isa't isa. I don't know what to react. When he breaks our kiss. Hinila nya ko sa passenger sit at sya ang nagdrive. Marunong syang magdrive. Tinuruan ko sila ni Sky. Di pa rin ako nagrereact hanggang sa hawakan nya ang kamay ko. Nagulat naman ako at binawi ito.

"W-w-what..." di ako nakapagsalita sa sobrang bilis ng pangyayare.

"I don't care kung lalake ka. Di ko alam! Di ko na kayang itago pa to. More than a year na kong may gusto sayo Rham." Daldal lang sya ng daldal. Pero ako nasa state of shock pa. "Nung sinabi ni Kiel na magtatapat sya sayo natauhan ako, I can't lose you."

Magtatapat si Kiel? Pero ang tinapat sa akin ni Kiel eh alam na nyang babae ako. Mukhang iba ang nasa isip ni Neil. "Ahm... Neil hindi naman nagtapat si Kiel."

"It's good! At least naunahan ko sya."

"This is wrong, not know... Di mo alam ang sinasabi mo."

"Alam ko ang sinasabi ko Rham. At alam kong MAHAL KITA!"

Napansin ko naman na nasa condo na kami. "Bumaba ka na. Hindi ako uuwi sa unit ko. Sa mansion ako uuwi." Malamig kong saad sa kanya.

"Rham..."

"Labas!"

"Kung dahil dito mawawala ka sa akin kalimutan mo na lang na mahal kita." Malumanay na saad nya bago lumabas ng kotse ko. Lumipat naman ako sa driver's sit. Naiwan namin si Michaela. Kaya binalikan ko pa sya.

Pagbaba ko ng kotse ang daming nakatingin sa akin. Umiiyak pa nga ang ibang babae tapos di ko maintindihan kung bakit iba na ang tingin sa akin ng mga lalake. Alam na ba nilang babae ako? "Was it real? Kayo na ni... ni... Neil?" biglang may nagsalita sa likod ko. Pagharap ko sa kanya, si Jassmine pala.

"Huh?" tanong ko. Panong nangyare yun.

"May nakapost na picture sa SLA Famous page sa facebook. Tingnan mo na lang. H-hindi ko kayo huhusgahan dahil sa gender nyo pero nalulungkot talaga ako sa naging reacsyon ng mga schoolmates natin sa paligid. Kaibigan ko na din kayo. Sana maayos nyo to." malungkot na saad nito bago umalis. Agad ko naman tiningnan ang facebook page ng school at nakita ko yung picture namin ni Neil. Nung hinalikan nya ako. Sunod sunod n din ang tag, notification at messages sa akin kaya nilog out ko na agad ang facebook ko. Napatingin ako sa paligid, iba na nga ang tingin sa kin ng lahat. Naluluha ako, di ko alam kung bakit. Nakita ko naman si Michaela na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

My Cold Beautiful Manजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें