C H A P T E R - O N E

60 5 0
                                    

Neil's POV

Maybe this is not yet time to know me so much. I'm Neil... not nail but kneel! Ganyan ipronounce ang name ko. I'm in my new condo. Masyadong malaki ang mansion para sa iisang taong iniwan ng parents nya. Pero kahit ganun sinosoportahan pa rin nila ko. Ang laki kaya ng weekly allowance ko. Nasaan na nga kaya sila? Eh nasaan na din ba ang susi ng condo ko? Kanina ko pa hinahanap yun sa bag ko ah.

"Aray!" angal ko nang may bumangga sa akin. At ako pa talaga ang nadapa.

"Sorry." Sabi nya at naglakad ulit paalis. Nakahead set sya, naka leather jacket na black, nakashades. Ang astig ng porma nya lalakeng lalake pero ang boses parang babae, siguro hindi sya pinalad sa boses. May nararamdaman din akong iba sa aura nya. Parang iba. Tumayo na lang ulit ako. At ayun nakita ko na ang susi ng condo ko. Kung di pa ko nabunggo ng lalakeng yun di ko pa makikita.

Bago pa ko makapasok sa loob ng condo unit ko may nakita pa kong nag-uusap sa labas ng kabilang unit. Parang may pagtatalong nagaganap. Teka? Yung lalakeng nabangga ko yun kanina ha. Makinig kaya ako? Kunware di ko mahanap ang susi ko.

"Anong outfit yan?" sigaw nung kausap nya.

"Damit!" sagot nung lalakeng astig.

"Lumayas ka lang ng bahay nagbago ka na ng pananaw sa buhay!" nakita kong binuksan nung astig ang condo nya. Pumasok sila nung lalake. "Lumayas ka lang asfhjanefhoehalkvnk..." ano ba yan pumasok na sila sa loob. Yung kasama nya mukhang good boy, sya naman parang bad boy. Sino kaya yun.

Ayan nawawala nanaman yung susi ko. May narinig naman akong lumabas ng pinto sa unit nung lalake.

"So brat!" Narinig kong buntong hininga nung good boy pagkadaan nya sa akin. Asan na naman ba ang susi ko, nawala nanamn. Naramdaman ko namang tumigil yung lalake. "Bro, sa likod ng paa mo." Ngumiti pa sya nang lingunin ko sya. He seems familiar. Kinuha ko naman yung susi.

"Thanks!" sabi ko. Umalis na naman sya. They are really different! Sino kaya sila?

Nakalipas na ang summer vacation at magpapasukan nanaman. Grade 10 na ko. At papasok ako sa pinakamalapit na school sa condo na to, kaya nga ako lumipat sa condo na to kasi ang lapit lang sa school namin. Syempre tamad ako eh!

"Neil! Narinig mo na ba ang bagong policy sa school?" tanong sa akin ng kaklase kong fealing close.

"Nope!" sagot ko. Mag-eenroll pa lang naman kasi ako di ba?

"Bro! Wala na tayong uniform! Papasok daw kasi ang kambal na anak ng may ari ng school na to! At ayaw ng isa sa kanila na mag-uniform! Dahil sa wala ang parents nila, ayon sila ang nasunod." Daldal nya.

"Seriously?!"

"Actually narinig ko lang sa chismis. Hehehe! So what's up?" hinayaan ko na lang syang sumunod sa akin. At di ko na sya sinagot. "Ahmmm~ Balita ko babae lalake ang anak ng may-ari ng school. Chicks sana yung babae." Napangiti naman ako ng lihim, so new girl... new victim.

"Chismis again?" tanong ko. Ngumiti naman sya ng alanganin. I knew it he's not sure from everything. Lagi naman. I know him for 3 years. Since grade 7 magkasama na kami and mukhang until now. Sya lang ang natagal sa akin. Naalala ko naman tuloy ang dalawang lalakeng naging kabarkada ko nung bata pa ko, bukod dito kay Sky sila lang ang nakatagal sa ugali ko. Sa isip lang naman ako madaldal pero hindi ako palasalita. Yes, ang madaldal na to ay si Sky, ang tinuturing akong bestfriend kahit never ko naman syang kinausap ng ayos. Wala naman akong kinakausap ng tino. Girls lang ang kinakausap ko ng ayos, well I wouldn't deny, chickboy nga ko kung tawagin. Sila ang lumalapit sa akin, not me.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now