C H A P T E R - F O U R

16 4 0
                                    

Anthon's POV

Kilala nyo na ko! Grabe, si Neigel pala at si Neil ay iisa lang. Ang talas talaga ng pandama ng mga matatanda. Joke lang kay Ace-hyung.

Ilang araw na din ang lumipas. Nandito kami ngayon sa canteen. Nagulat nga ko nang may babaeng nag-abot ng chocolates kay Amy. Kainis, mas maappeal sya sa mga girls kahit na ako naman ang lalake sa amin at fake lang sya. Sa grupo naming lima, nina Ace, Sky, Neil at sya, sila ni Neil ang nakakatanggap ng maraming gifts galing sa mga girls. Ngayon nga utas ng katatawa si Sky. Alam nya kasing babae si Amy kaya natatawa sya.

"Grabe Rham ang appeal mo kasing haba ng traffic sa Edsa!" pagbibiro ni Sky.

"Anong nakakatawa dun?" tanong ni Neil~ Well wala syang alam eh.

Sandali namang natigil si Sky at pinilit itigil ang pagtawa nya. "Wala naman." Sabi ni Sky.

"Kumain na nga kayo." Sabi naman ni Ace at nagpalinga linga. Parang may hinahanap. Hanggang sa maya maya ay may dumating na grupo ng apat na babae. Eto yata yung transferee na dalawang Grade 12 at tig-isang Grade 9 at 8, sikat sila dahil model din sila ng The Smith Company. Nakita ko na sila dati pero isang beses lang.

"Barbie!" sigaw ni Ace-hyung at kumaway kaway sa babaeng maliit at cute. Isa sa apat, sya siguro yung Grade 8.

"Ace!" sigaw nung Barbie. Dahil sa sigawan nila nayanig ang canteen at nag-iyakan ang mga fangirls ni Ace-hyung. At lahat nakatingin sa amin. "Hi!" bati sa amin nung Barbie.

"She's Barbie, kaklase ko and my girlfriend." Napanganga ako again. Di ko to alam ah!

"Hi!" bati namin sa kanya.

"He's Neil Perez, Rey Lee, Sky Smith and Rham Lee." Pakilala sa amin ni Ace. Nagpabebewave naman kami, pero joke lang hi wave lang.

"By the way they are my friends... My classmate Sam Santos, her sister Love Santos, at ang bunso namin Michaela Kim." Pakilala nya sa mga friends nya. Ang gaganda nila pero parang familiar yung dalawang magkapatid.

"Hey Sam and Love long time no see!" sabi ni Ace-hyung sa kanila.

"You know babe..." tiningnan naman sya ng masama ni Barbie. "Sorry cousin bata pa lang kasi kami babe na ang tawag ko sa kanya."

"Mukha kasing baboy." Biro ni Love na kinatawa naming lahat.

"Pasalamat kang bata ka bababe ka kundi naupakan na kita ng isa." Tumawa naman si Love. Wait~ Tanda ko na!

"Tanda ko..." di ko na natapos ang pagbulong ko nang tapikin ni Ace hyung ang balikat ko.

"Later." Sabi pa nya. Tumango na lang ako ng alanganin at nanahimik. Lumalaking maganda si Lovelie.

As usual nauna ng umalis ang mga cold people sa barkada dahil mas mahal nila ang kama at magpakatamad kesa makipagkwentuhan sa kapwa nila. At oras na para...

"Nga pala Sam and Love pinapupunta kayo ni Anthon sa waiting area ng The Smith Company." Sabi ni Ace. Napangiti naman ako.

"Later muna, di namin pwedeng iwan ang bunso namin, idaan muna natin sya sa condo nya mahiyain kasi sya. Di sya pwedeng magbyahe." Sabi ni Lovelie habang akbay nya si Michaela. Sabay sabay na kaming nagpunta sa kumpanya. Idinaan naman namin si Michaela sa condo nya, condo din to nina Neil at Rham ah? Nakauwi na kaya sila, naglakad lang kasi ang dalawang yun eh. Si Barbie at Ace-hyung kasi may photoshoot. Ako naman makikipagmeet sa dalawang to, si Sky nakisakay lang ng kotse kasi madadaanan naman namin ang bahay nila. Familiar nga ang bahay niya eh. Oooops! Mansion pala.

"I'm so excited to meet my isa pang babe! Finally!" Sammielyn

"Lahat naman ata babe mo!" sabi naman ni Lovelie. "Sana makita ko din si Eonnie Amy."

"Oo nga pala si Amy. Namiss ko na din ang girl na yun. Di ko makakalimutan nung mutik na silang magbugbugan ni babe Neigel. Nasaan na kaya si Babe Neigel?" Sammielyn.

Nang makarating na kami sumabay ako kina Love at Sam papuntang waiting area. "Nga pala Rey babe, may iniintay ka din ba? Sayang naman at di sumama si Rham babe." Napangiti naman ako. Kung alam lang nya.

"Meron eh. Dalawang babae. Kaso nakita ko na sila" sagot ko.

"Ganun ba? Puntahan mo na po sila baka naiinip na sila." Sabi ni Love

"Bat? Naiinip na ba kayo? Ate Thsamielyn ang Lovelie Thsantoths?" sabi ko sa kanila.

"Oh my gosh! Babe Anthon?! Ang bulol kong babe!? Kyah~" sigaw ni Sam at niyakap pa ko.

"Kayo po si Kuya Anthon?" manghang tanong ni Love. Tumango naman ako. At niyakap sya.

"Ahem! Until know ba naman?" alam kasi ni Ate Sam na may gusto ko kay Love simula pa nung bata pa kami. "Wait kung ikaw si Anthon... Then sabi nila kambal mo si Rham? Oh... Oh... Oh my gosh! Bumigay na ba si Amy? Nagpasex change na sya?!" ang ingay tlaga ng bunganga ng babaeng to.

"HINDI! Manahimik ka nga! Ang OA mo! Nachallenge kaya ayan nagpanggap na lalake. Sa ating lahat, si Ace hyung lang ang safe na magpakilala sa totoo nyang pangalan. Dahil..." naalala ko nanaman ang araw na yun.

"It's okay. Alam ko yan. Kalokohan talaga ni Rham. Natawag ko pa syang babe. Humanda yun sa akin sa isang araw." Sabi nya sa akin. Ngumiti na lang ako.

Kring... Kring...

"Hello? Sky?"

"Putakte bro! Alam mo ba kung nasaan sina Neil! Putakte talaga! Sabihin mo!"

"Hey easy! Bakit mo naman hinahanap sa akin si Neil?"

"Kasama nya si Amy di ba? Nasaan kayo? Puntahan nyo ko dito sa school. Kailangan tayo nung dalawa!"

"Hindi kita gets! Nakadrugs ka ba?"

"Tooot... Tooot.."

"Pinatayan..."

Kring... Kring...

"Hello? Neil, hinahanap ka ni..."

"Si Rham to! Tulungan nyo kami."

"Anong nangyare?"

"Sina Philip... toooot... toooot... toooot!"

"Sh*t!" sigaw ko pa bago ko nagsimulang tumakbo papuntang kotse. Alam ko namang nakasunod silang dalawa.

"Anong nangyare?" Sam

"Sina Neil at Rham nasa panganib. Kailangan nila ng tulong." sagot ko. Agad naman tinawagan ng dalawa sina Ace at Barbie.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now