C H A P T E R - E I G H T

17 5 0
                                    

Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ni Amy. Naabutan ni Neil na nakaupo sa sofa ang tatlong babae.

"N-nasaan si Rham?" tanong ni Neil.

"Hi Babe Neil!" pagbati ni Sam.

"Si Rham?" tanong ni Neil. At napatingin sya kay Amy.

"Ahmmm... Hi! Ako si Rhea." Pakilala nya.

"Si Rham?" tanong ulit ni Neil.

"Wala na sya." Love

"A-ano?!" sigaw ni Neil.

"Ahm... She mean umalis na sya kasi may ahm... ah! May inasikaso sya sa kumpanya nila. Tanong mo kay Rey." Sam

"Oo pinatawag sya sa kumpanya." Rey.

"Sino sya?" tanong ni Neil nang mapatingin sya kay Amy.

"Ako si Rhea, Rham's..." napaisip si Amy ng ilang beses, di nya pwedeng sabihing kapatid dahil alam ni Neil na dalawa lang sila ni Rey na magkapatid. Imposibleng kaibigan kasi napagkwentuhan na nilang napaka anti social ni Rham. "... girlfriend." Yun na lang ang naisip nya dahil yun lang ang di nila napagkwekwentuhan. "Gusto ko nga syang samahan papuntang kumpanya nila pero... sya lang daw kasi ang pinapatawag. Ayos na naman sya galos lang ang nakuha nya."

"Ganun ba? Akala ko kung ano nang nangyare sa kanya. Ang tagal kasi nito." Tinulak naman nya ng mahina si Sky.

"Sorry na ha! Si Rham kasi... hindi sinabi kung nasaan kayo, kaya nakipagkita pa ko kay Rey para malaman yung locasyon ng cellphone ni Rham. Yun talagang kumag na yun ang kailangan mong sisihin hindi ako! Tapos tingnan mo, di manlang nag-alala sayo nagpunta agad sa office nila. Tsk tsk." Sky. Di manlang nya alam na si Rham ay nandun lang sa kwartong yun at lihim na syang minumura at pinapatay na sya sa isipan nya.

"Ahem! Excuse me! Nandito pala ako." Amy.

"Ay sorry Rhea, yung boyfriend mo kasi..." napatigil si Sky at napaisip, "Babae si Rham di ba?" "Panong nagkagirlfriend yun?"

"Let's talk later Sky." Sabi na lang ni Amy at ngumiti ng nakakatakot.

"Patay ka sa girlfriend ni... Ahhh... Aray!" parang ininda ni Neil ang pagkakasaksak sa tagiliran nya. Agad namang lumapit si Amy.

"Ayos ka lang? Tara bumalik ka na sa room mo." Sabi nya kay Neil.

"Ako na ang aalalay kay Neil." Alok ni Rey. "Mukha kasing mag-uusap pa kayo ni Sky. Love, Sam, samahan nyo ko." Sumunod si Love pero si Sam nagpaiwan.

My Cold Beautiful ManKde žijí příběhy. Začni objevovat