Another Secrets Chapter #1

3 0 0
                                    

Nagising sya na puro putik ang kanyang paa at puro dugo ang kanyang kamay. Nataranta sya... Nagtataka kung ano ang nangyare. Hindi sya makasigaw, alam nyang weird ang nangyayare sa kanya at ayaw nyang mag-alala ang sino man na nasa mansion.

Dahan dahan syang sumilip sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto nya. Nakaputi sya ng damit, sobrang dumi ng damit nya. Feeling nya naglaro sya ng putik at ng dugo. Dali dali syang tumakbo sa cr ng kwarto nya at umiiyak na naligo.

Ang pakiramdam nya ngayon nakapatay sya at sobrang sama nya.

"Bakit nakatingin kayo sa akin? Kumain na kayo!" sabi ni Sam. Nasa hapag kainan sila ngayon. Kailan lang ay lumipat na sila sa iisang mansion para masubaybayan ang isa't isa.

"Kasi ate parang amputla mo... saka ba't ang tahimik nyo po ngayon?" tanong ni Love sa kanya.

"Baka bagong gising lang yan. Kumain na nga tayo." Sabi ni Neil habang bored na bored na kumakain.

"Eonnie ayos ka lang po?" tanong ni Rhea.

"Oo nga hon. Ayos ka lang?" tanong sa kanya ni Sky.

"Ayos lang ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko. May tinapos lang kasi akong mga Gawain kagabe sa restaurant." Sagot ni Sam sa kanila.

"Oh! Yun naman pala eh! Tara na kain na tayo." Aya ni Rey sa kanila.

Habang nagsisimula pa lang sila kumain biglang dumating sina Ace at Barbie na halatang puyat na puyat.

"Nag-over time nanaman po kayo?" tanong ni Michaela sa kanila. Tumango lang ang dalawa at umupo na sa pwesto nila.

"Katapusan kasi ngayon kaya kailangan naming ayusin yung mga accounts ng Smith at Space." Paliwanag ni Barbie. Sa The Smith Company at sa The Space nagtatrabaho sina Barbie at Ace bilang accountant. Ang The Space ay isang fashion business din na sister branch ng The Smith Company na pagmamay-ari nina Neil.

"Sa ating lahat ako lang ata ang paeasy easy." Comment ni Rhea. Under sya ng finance department ng TSC. Si Rey naman at Neil ay trainee na para maging future president ng TSC at TS. Accountant naman sina Barbie at Ace ng parehong kumpanya. Si Sam naman ay nagmamay-ari ng isang branch ng restaurant ng pamilya nila. Si Sky naman isang doctor, minsan sa ospital na sya natutulog lalo na pag may emergency. Nag-aaral naman sina Michaela at Love. Graduating na si Love sa course na IHM, idol nya ang ate nya kaya yun na din ang kinuha nya. Si Michaela naman kumukuha ng legal management. Balak nya sanang mag-law kaso may iniwang maliit na business ang parents nya sa kanya kaya napag-isip nyang ihandle na lang nya yun kesa mag-aral pang ulit ng paglolaw. Isang department store na pansamantalang nakapangalan sa parents ni Barbie bilang guardian nya. Makukuha nya yun at mahahandle pagnakagraduate sya.

"Di pa nga kami natutulog." Daing ni Ace.

"Nga pala, Michaela, sabi ni mommy kung gusto mo daw magpunta sa department store nyo. Kasi in less than 2 years mahahawakan mo na yun. Sabi ni Mommy, kung gusto mong magtrain na nang maaga." Barbie.

"Sige pupunta ko dun mamaya. Salamat po sa pagsabi ate Barbie." Michaela.

"Sam? Anong nangyare sayo? Bat parang mas nagpuyat ka pa kesa sa amin?" Ace

"Ahh... Madami kasing inaasikaso sa restaurant." Sam.

"Love parang nakikinita ko na ang future mo." Ngingiti ngiting biro ni Rey. Hinampas naman sya ng mahina ni Love bilang sagot.

Nakalipas pa ang ilang araw at bumalik na naman ang sigla ni Sam. Baka nga masama lang ang pakiramdam nya ng panahon na yun.

"Blooming ka na ulit ah?" biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Si Sky...

My Cold Beautiful ManDär berättelser lever. Upptäck nu