Another Secrets Chapter #2

6 0 0
                                    

Rhea Amy's POV

Isang nakakatakot na nilalang ang lumabas mula sa mansion at kitang kita ko kung gaano sya karahas pumatay. Punong puno ng itim na aura ang katawan nya kaya di mo maaninag ang itsura nya.

Nakita ko pang umiiyak si Love sa isang gilid.

"Ate..." yan lang ang iniiyak nya. Nilalabanan nila ang kakaibang nilalang na naghahasik ng lagim sa mansion. Napalingon akong muli sa nilalang na iyon. Kalaban nya na ngayon si Barbie, Ace at Michaela. Parehong gumagamit ng Spell sina Barbie at Michaela samantala ginagamit naman ni Ace ang bilis at ang kapangyarihan nyang maglabas ng yelo at magpalamig. Ilang beses nyang pinagtangkaang kulungin sa yelo ang halimaw pero nakakatakas ito.

Napalingon naman ako sa kabilang side ko at nakita si Sky na iyak ng iyak habang pinagagaling si Neil. Napatakbo ako sa pwesto nila. Duguan si Neil. At walang malay. "N-neil? Anong nangyare?"

"K-kinuha nya ang puso ni Neil." Paghikbi naman ni Sky. Niyakap ko si Neil. Wala na syang buhay. Umiyak na din ako nang umiyak. Napatingin akong muli kay Sky. "Sam..."

Tumayo ako at tinulungan na din sina Ace, Barbie at Michaela. Ang hirap basahin ng nasa isip ng halimaw na to. Di ko mabasa kung saan sya titira. Dahil na rin sa wala na ako sa sarili na nakikipaglaban sa kanya. "Amy!" rinig kong sigaw ni Anthon, bago ako tuluyang tumalsik sa pader ng mansion sa labas. Pinuntahan ako ni Anthon. "Amy..." Napabalik ang tingin ko sa halimaw at nakitang nacorner na nya si Michaela. Pero bago nya makuha ang puso nito. Humarang si Sky.

"Sky!" sigaw ko. At pinilit makatayo. Kitang kita ko ang karahasan nya. Kinuha nya ang puso ni Sky na parang bumubunot lang ng halaman. Parang nanghina ang tuhod ko at bigla akong napaupo sa lupa. Napatingin ako sa langit. Ang dilim.

"Kailan ba matatapos ang eclipse na to! Dahil dito kaya sya nagkakaganyan." Sigaw ni Rey at inalalayan nya akong tumayo. "Tutulungan ko si Ace." Tumango naman ako. Nakita ko kung gaano kalakas ang pwersa nya. Magkakonekta sila ng nangyayareng vampire's eclipse.

"Ha-ha-ha-ha-ha! Mauubos ang buong lahi nyo at wala nang magiging mabuting bampira sa mundo! Ako! Ako ang uubos sa inyo." Isang nakakatakot na tinig ang lumabas sa bibig ng halimaw. Isa lang ang masasabi ko... babae sya.

Nakita kong pinatay na din nya si Barbie at Ace. Tumalsik naman si Anthon. Nakita ko pang palapit sya kay Love. "A-ate... Ako to si Love!" sigaw ni Love pero unti unti lang syang nilapitan ng nakakatakot na nilalang.

"Love! Tumakbo ka na! Hindi sya ang ate mo! Sasaktan ka nya!" sigaw ko.

"Hindi!" sigaw naman ni Love at niyakap ang nilalang. Pero gaya ng inaasahan dinukot lang nya ang puso ni Love mula sa likod. "A-ate... mahal kita." Yun ang huling sinabi ni Love bago sya tuluyang mawalan ng malay.

"Hindi!" sigaw ni Anthon. Nakita kong hawak nya ang cursed dagger ni Barbie. Pero sinalubong lang sya ng mabilis na kamay ng halimaw. Pinatay na din nya si Anthon. Napalingon sya sa akin. "T-takbo..."

"Ikaw na lang ang huli..." yan ang sinabi ng halimaw bago sya nagsimulang maglakad palapit sa akin. Napatay na nya silang lahat. Tumakbo naman ako papasok ng mansion. Nakita ko ang iba't ibang bangkay ng mga tito at tita namin. Lahat ay sa puso ang tama. Nakita ko si Mommy. Lumapit ako sa kanya.

"Mommy..." paghikbi ko. Pero naramdaman kong papalapit nanaman sa akin ang halimaw. Dali dali akong tumakbo paakyat sa isang kwarto. Sinarado ang pinto.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now