C H A P T E R - S I X

14 5 0
                                    

"Neil..." Mahinahong sigaw ni Rham. Maririnig ang awa at pag-aalala sa boses nya. Aabante pa sana sya nang bigla syang harapin ni Neil at itinulak palayo dahilan ng pagbagsak nya sa kalsada.

Sinugod ni Philip si Neil. Papaluin na sana sya ng baseball bat nang mailagan to ni Neil. Naglaban sila, wala pa namang nagkakasakitan kasi puro ilag lang ang ginagawa ni Neil. Pero dahil sa panggigigil ni Philip agad na natamaan ng isa sa kanang braso si Neil. Nainis na din si Neil kaya agad nyang sinunggaban ng isang suntok sa sikmura si Philip dahilan ng pagbagsak ng baseball bat na hawak nito. Pero masyadong naging mabilis ang pangyayare, agad na nakakuha ng patalim si Philip mula sa bulsa nya at nakipagbunuan kay Neil. Makikita ang takot sa mukha ni Neil. Kaya maingat syang umiilag sa saksak ni Philip pero di nya na magalaw ang kanang kamay nya sa sakit ng braso nya. Dahil doon nasaksak sya ni Philip sa tagiliran nya.

"Neil!" muling napasigaw si Rham nang bumagsak si Neil sa sahig. Dagling napalingon sa kanya si Philip. Tatayo na sana si Rham ng mabilis na nasipa sya ni Philip sa mukha. Di naman kasi sya kalayuan sa eksena kanina. Mabilis na kinuha ni Philip ang baseball bat nya at nang ihahapas na nya ito kay Rham, napapikit na lang si Rham pero imbis na hampas ng baseball bat, isang pagbagsak ng isang tao ang naramdaman nya.

Napamulat sya at nakita si Neil na nakatingin sa kanya. "M-may galos ka sa mukha, S-sorry." Sabi pa nito bago tuluyang bumagsak sa balikat nya.

"Neil!" Humikbi si Rham habang pilit na ginigising si Neil.

"Ano Rham?! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kaya naging ganyan ang reaksyon mo? Alam mo malakas ka eh! Kaya kita gustong isama sa grupo namin kaso iyakin ka pala!" pagtawa ni Philip.

"P-patay na ata sya." Bulong ni Rham. Natahimik naman si Philip, di naman nya intension na makapatay pero imbis na makonsensya sya, pride ang nangingibabaw sa utak nya.

"K-kaya ka siguro naiiyak... Hindi mamamatay yan! M-masamang damo rin yan ano. At kung mamatay man sya isusunod na kita para walang witness." Hahampasin na sana nya si Rham nang biglang sumigaw ang isa sa mga myembro nya.

"Ang mga tauhan ni Neil nagdatingan na!" sigaw nito.

Napalingon si Philip. "Mga duwag dinoble ko na nga ang dami nyo wag nyo sabihing di nyo sila kaya! Sugurin nyo." Nagkaron naman ng bugbugan sa dakong yun. Si Philip naman dahan dahang tumakas at iniwan ang myembro nya na nakikipaglaban sa tauhan ni Neil, kasama sina Rey, Ace at Sky. Nang mapatumba nila ang karamihan sa grupo ni Philip nagtakbuhan na ang iba.

"Sige! Tumakbo na kayo! Mga duwag." Sigaw ni Sky. At tumakbo silang lahat. Nang mawala na ang mga gang ni Philip tumakbo sila kay Neil at Rham.

"Nasaan na ba ang ambulansya?" Sigaw at inis na inis na sabi ni Rey. Bigla namang may dumating na van sa tapat ng kinaroroonan nila lumabas ang tatlong babae.

"E-eonnie Amy..." bulong ni Love at tumakbo kay Rham at niyakap sya. Niyakap din sya ni Rham pabalik dahil takot na takot ito. Bubuhatin na sana ni Sky si Neil nang marinig nila ang ambulansya. Agad naman naisinugod sina Neil at Rham. Buti nakadating agad sina Rey, Love, Sam, Ace, Barbie at Sky kasama ang tauhan ni Neil. Si Barbie naman ang tumawag ng ambulansya.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now