C H A P T E R - T W E L V E

16 2 0
                                    

Natapos na ang foundation day at balik regular class na sila.

"Anong nangyare? Bat parang pareho kayong puyat?" bungad na tanong ni Sky sa sabay na pumasok na sina Niel at Rham. Di na kasi sila umattend ng second at third day ng foundation. At nung weekend di pa rin sila pinatulog kakaisip sa isa't isa.

"Di ako nakatulog kagabe." Sabay pa na sagot ng dalawa bago magkatinginan si Neil naman ang umiwas ng tingin sa kanya at agad na umupo sa upuan nito. Bagot naman na naupo si Rham sa upuan nya bago umub ob. Tiningnan naman sya ni Neil at bigla ulit umiwas ng tingin nang biglang tumunghay si Rham.

"Sky wala pa rin si Kuya?" tanong ni Rham nang tumunghay ito at tumingin sa direksyon ni Sky. Umiling iling naman si Sky. "Anong oras na ba bat wala pa si Rey? Lagi kaya yung maaga." Napalingon ito sa paligid. "Konti pa lang din kaklase natin"

"Oo nga pala! Di daw papasok ngayon ang barkada. Birthday daw ni Barbie. Sa Condo nya ang handa... kaya pala ko pumasok kasi di ko alam papunta sa kanila... alam nyo?" tanong ni Sky. Makakalimutin talaga ito. Pati ang dahilan ng pagpasok nya, di nya maalala.

Kringgg... Kringgg...

Agad na sinagot ni Rham ang tawag ng kakambal nya. "Oh?"

"Nasa school kayo ano?"

"Oh??"

"Wag na kayo pumasok! Di naman papasok ang mga teachers kasi busy sa kakatapos lang na foundation day. Saka pagagawin lang kayo dyan ng mga iniwan nilang gawain sa mga practicing teachers."

"Pano mo nalaman?"

"Sabi ni Mommy... Tara na dito kina Barbie. Sa condo lang ni Michaela."

"Di ko alam yun!"

"Grabe naman eh magkabilang dulo lang kayo."

"Okay. Pupunta kami."

"Sige b..."

Agad na pinatay ni Rham ang cellphone nya at kinuha ang bag nya. "Kina Michaela daw ang condo ni Barbie." Sabi nito at nagsimulang maglakad. Sumunod naman si Neil at nilingon pa si Sky na biglang lumalim ang iniisip. Makikita nanaman nya si Michaela.

"Sky! Balak mo bang magpaiwan?" tanong agad ni Neil. Kaya agad namang natauhan si Sky at nagtatatakbo papunta sa kinaroroonan ng dalawa.

"Nga pala... nagcomute lang ako pasabay sa inyo." Sabi ni Sky.

"Nakikisabay lang ako kay Rham. Sa kanya ka na lang magpaalam." Wala naman kasing kotse si Neil balak pa lang nya magkaroon next year kaya kahit awkward sumasabay sya kay Rham, nakasanayan na rin kasi nila. Tulad kanina inintay pa nya si Rham palabas ng unit nito saka sumabay papuntang kotse nya. Ang lapit lang naman pero parang natatakot na si Rham na maglakad dahil sa nangyare sa kanila noon dahil kay Philip.

"Rham..."

"No choice." Yun lang ang sinabi ni Rham pero natuwa na agad si Sky. Sumukbit pa ito sa braso ni Rham at binolabola pa ito.

"Ang pogi mo talaga Rham!" sa di naman malamang dahilan nakaramdam ng inis si Neil... Pero inis nga ba yon?

Nang makarating na sila sa kabilang dulo ng floor na yun. Nagtext si Rham kay Rey ng: "Go OUT!" Maya maya naman eh lumabas na si Rey at inayang pumasok sina Sky, Rham at Neil. Pagkapasok nila ang daming handa... Naupo naman sa sofa ang tatlo dahil nakita nilang nakaupo naman lahat ng barkada sa sofa. Kasama si Barbie na nakikipagkwentuhan kay Ace. Wala naman si Michaela pero mayamaya ay lumabas na ito galing sa kusina at may dalang cake. At nagsimulang kumanta... "Happy birthday to you..." sinabayan naman sya ng mga barkada nya. Mayamaya eh may naglabasang walong tao sa kusina nila. Napatayo naman si Sky.

"Kayo yung walang tao sa mansion namin nung isang araw!" sabi pa ni Sky. "Kayo yung kasama ni Aunti Thea."

"Kasi naman Sky bigla kang umalis at nagtatatakbo." Paliwanag ng Aunt Thea nya. "Ako si Aunt Thea nyo. Tita ko nina Ace, Rey, Rham at Sky. Pwede nyo rin akong tawaging tita or Aunti. At eto ang asawa ko."

"I'm your Uncle Rey. Ako ang president ng school nyo ngayon." Sabi naman nung isa.

"Ako si Aunt Adie nyo... Asawa ko si Uncle Edie nyo." May tinuro naman sya lalake na itinaas ang kamay nya. "Oh di ba mtb kame?" magkatunog kasi ang pangalan nila.

"Uncle at Aunt kami nina Ace, Rey at Rham." Sabi nung Uncle Edie nila.

"Ako naman si Aunt Shane nyo. Tita ko nina Sam, Love, Barbie at foster parents na kami ni Michaela."

"Sya si Uncle Lu. Foster dad ko. Sila ni Aunt Shane ang guardian ko sa papers nang mamatay ang parents ko. Sa kanila ako ibinilin" sabi naman ni Michaela.

"Nagpapatawag naman kami sa kanya ng daddy at mommy kaso nasanay na sya sa uncle at aunt dahil yun din ang tawag sa amin nina Barbie." Uncle Lu.

"I'm your tita Gabie and he's your tito Enn. We are..."

"They are the friends of our tita and tito. Nagkakilala sila dahil sa business. Tara kain na!" paniningit ni Rey. Baka kasi pagsinabi nina Tita Gabie at Tito Enn nya na pamangkin nila si Neil eh magtaka si Rham at malaman nyang si Neil at Neigel ay iisa.

Bumulong na lang si Thea sa ginawa ng anak nya kay Gabie. "Pagpasensyahan mo na... di pa daw kasi magkakilala sina Rham at Neil na sila si Amy at Neigel. Baka daw magsabungan. Ayos na daw ngayon na magkasundo sila." Sabi pa nito

"Ahhh~ Akala ko pa naman magkasundo na sila yun pala di lang magkakilala." Bulong naman pabalik ni Aunt Gabie. Bago nila inasikaso ang mga bata na makakain na. Nang makakain na ang lahat...

"Kids~ Aalis na kami. Be good dito ha?! Ace Ikaw ang magbantay sa mga to. Ikaw ang..." di natapos sa pagsasalita si Adie nang magsalita si Edie.

"Ikaw ang lolo dyan parang uncle Lu nyo... Uncle Lulo!" nagtawanan naman ang lahat pero sinamaan lang sya ng tingin ni Ace at ni Lu. Kahit kalian di nagbago ito sa pagiging pala biro at walang preno ang bibig. "Hehehe- Sabi ko nga mananahimik na ko." Sabi na lang nito at nagzipper ng bibig.

"So kids aalis na kami ha." Aunt Thea.

"Bye Aunt! Bye Uncle!/ Bye Tito Bye Tita!" sigaw naman ng mga batang natira.

"They are funny." Sabi ni Neil.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now