Another Secrets Chapter #2

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa malaking salamin sa loob ng kwarto. Nagulat ako nang makita ko si Sam sa loob ng salamin. "Mapipigilan mo pa ang lahat. Mapipigilan nyo pa ang lahat. Mapipigilan ko pa ang lahat."

"Mapipigilan? B-bakit ka nandyan sa loob?" tanong ko sa kanya. Sa reflection ng salamin, nasa likod ko sya kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman sya doon. Muli akong humarap sa salamin. "Paano?"

"Kailangan kong mamatay. Patayin mo ko. Patayin nyo ko." Lumapit sya sa akin mula sa likod at bumulong. "O utusan mo kong patayin ang sarili ko."

"Ano?" yan lang ang tangi kong natanong. Magulo ang sinasabi nya.

"Kailangan kong mamatay!" yan ang isinigaw nya bago sya biglang naglaho at naging abo. Napahawak ako sa salamin.

"Saglit! Eonnie Sam!" sigaw ko pa. At sa di ko inaasahan nakaramdam na lang ako ng pagtusok mula sa likod ko. Nasa likod ko ang halimaw... kinuha na nya ang puso ko. At nakita ko na lang ang sarili ko na unti unting nawawalan ng malay sa salamin.

"Rhea? Rhea?!" bigla akong napabalikwas ng upo mula sa pagkakahaga ko. Napatingin ako sa tumatawag sa akin kaya bigla ko syang niyakap.

"Mamamatay ang buong white clan. Mamamatay ang buong good vampire sa vampire's eclipse." Bulong ko sa kanya.

Bigla naman nya akong niyakap ng todo. "M-may sinabi bang paraan para mapigilan ang mangyayare?" tanong sa akin ni Neil.

"Kailangang..." di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok sa kwarto ko si Ate Sam kasama si Love.

Takot ang tingin ko ngayon kay Ate Sam. Sya ba? Sya ba yung halimaw? "Amy? Eto ang brunch in bed mo. One pm na kasi di ka pa naglalunch at nag bebreakfast." Sabi nya.

"S-s-salamat po."

"May nangyare ba? May..." hahawakan sana nya ko sa kamay nang iilag ko ang kamay ko. "Bakit Amy?"

"Ahh... Sam, Love, baka pwedeng lumabas na muna kayo ng kwarto. Kakagising pa lang kasi nya. Alam nyo namang isa syang oracle kaya..." di na tinapos ni Neil ang sinasabi nya nang magsalita si Ate Sam.

"Ganun ba? Sana di masama ang nalaman mo." Aalis na sya nang bigla ulit syang humarap. "Nga pala Amy, handa na kong malaman ang lahat." Naalala ko nanaman ang nangyare sa panaginip ko... ang mangyayare sa hinaharap. Tumango na lang ako ng may pag-aalinlangan. Nang makalabas na sila.

"Di ko kayang ikwento... S-saka na lang Neil." Tumango naman sya at tatayo na sana nang bigla ko syang hatakin palapit sa akin. Hinalikan ko sya sa labi at niyakap. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal... na mahal... na mahal din kita." Bulong naman nya pabalik. "Minsan lang tayo maging sweet sa isa't isa pero alam ko na nagmamahalan tayo. Kung ano man ang nalaman mo sana makahanap tayo ng paraan para mapigilan ito. Di ko kakayaniing makita kang..." napatigil sya at lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Napaisip ako, "Makita akong mamatay? Hindi Neil... ako ang makakakita ng kamatayan mo." "Mahal kita Rhea Amy. Mahal na mahal."

Ang makikita kita kang walang buhay, iyon ang di ko kakayanin. Umiyak lang ako. "G-gagawa ako ng paraan."

Humiwalay na ako sa pagkakayakap. Pinunasan nya ang luha ko at ngumiti bago umalis. Nag-isip pa ako ng maraming beses bago ko tuluyang makakuha ng lakas ng loob na lumabas at ikunsulta sa kanilang lahat ang mangyayare. Pero pagbaba ko wala ang mga lalake at mga babae na lang ang naiwan sa sala. "Ate... Ayos ka na?" tanong agad sa akin ni Love. Naalala ko nanaman ang pangainip ko. Ngumiti naman ako at tumango.

My Cold Beautiful ManWhere stories live. Discover now