"Nang nalaman niyang babae ang sanggol, mas lalo siyang naging determinado na kunin ka. Kaya naman ginawa namin ang lahat para itago ka. Kaya ka namin dinala sa planetang ito, malayo sa amin.. malayo sa lahat."

Hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto, at ganoon din si Grandmy. Kung ako lang ang dahilan kung bakit nagkaka-ganito, pwes, ako din ang makakapagpa-tigil ng gulong ito. Ang dami kong gustong itanong kay Grandmy pero isa lang ang lumabas sa bibig ko. 

"A-anong nangyari sa Mama at Papa ko?" hindi maitatago ang takot sa boses ko.

Isa na namang malungkot na ngiti mula sa kanya, "Sumunod sila dito para alagaan ka, at binura ng Papa mo ang iyong alaala tungkol sa mundo natin at sa mga nakita mo, na ngayon ay sigurado akong bumabalik na sa pamamagitan ng mga panaginip mo." bumuntong-hininga siya, "Iyon ang kakayahan ng Papa mo, ang mag-manipula ng utak at iniisip ng iba. Iyon ang pinaka-malakas na kakayahan sa planeta nila at siya lang ang meron noon."

Kumunot ang noo ko. Si Papa lang ang meron noon? Pero bakit parang ganon din ang kakayahan ni Daehyun?

"Bumalik din sila sa planeta pagkatapos para protektahan iyon at samahan na din ang kapatid mong makulit na nagpa-iwan." ngumiti si Grandmy at nakaramdam ako ng paghanga sa Kuya ko. Bagay talaga sa kanya ang maging Prinsipe. "Lumipas ang ilang taon at naging tahimik naman ang lahat. Months before your 17th birthday, plano na ng mga magulang mo na kunin ka at ibalik sa planeta dahil akala naming lahat na ayos na ang lahat. Pero masyado kaming naging kampante at hindi kami naging handa sa mga biglaang pangyayari."

"Inatake kami. Hindi nila alam na wala ka na doon kaya naman pinilit ka nilang hanapin; halos masira na ang kagandahan ng planeta natin. Namatay ang ibang taga-alaga ng bawat elemento at unti-unti nang nababalutan ng dilim ang aming kalangitan." niyakap ni Grandmy ang magkabilaan niyang braso na para bang muli na namang natakot sa mga alaala niya. "Nagtulong-tulong kaming lahat para labanan sila pero halatang pinaghandaan nila ang araw na iyon. Oo, nabawasan din ang mga kalaban namin pero masyado silang marami at malalakas."

"Isinakripisyo ng mama mo ang sarili niya para sa ating planeta. Kung ako ang nasa kalagayan niya, gagawin ko rin iyon pero masyado na akong matanda at hindi na ganoong kalakas ang aking kakayahan." Parang nawala ang pandinig ko pagkatapos ng linyang isinakripisyo ni Mama ang sarili niya. 

"G-grandmy.. Paanong.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko at mukhang nahalata naman ni Grandmy ang paghihirap ko dahil binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti at agad akong sinagot.

"Inilabas niya ang lahat ng kanyang kakayahan mula sa kanya, at ang ating kakayahan na rin mismo ang nagsisilbing buhay natin. Iniligtas niya ang ating planeta at panghabang-buhay nang maninirahan ang buong presensya ng mama mo sa ating planeta."

Gusto ko sanang itanong kung paano ito ginawa ni Mama pero hindi ko kayang isipin o ma-imagine man lang ang pagkawala ng buhay ng magulang ko.

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata ni Grandmy. "Nakatingin lang ako... nakatingin lang ako sa walang-buhay na katawan ng sarili kong anak sa sakripisyong ginawa niya."

Parang namanhid na ang buong katawan ko pati ang nararamdaman ko.  Nangyari ang lahat ng ito dahil sa isang kasunduan. 

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα