Chapter 36 - A Trip To Remember

Start from the beginning
                                    

Amp! Bakit ba ganun?! Lagi na lang akong EPIC FAIL nung mga nakaraang araw. Kainis kasi, bakit ba ang sarap sarap matulog?! Nagmadali na akong kumilos. Baka ma-late kami sa flight. Ayoko pa namang maiwan. HELLO?! Pinaghandaan ko ito ng bonggang-bongga noh tapos hindi lang ako makakasama?! Psh! BADTRIP! Buti na lang din at inayos ko na yung mga dadalin kong gamit kagabi.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Tinulungan na rin ako ni Rhea. Pagkatapos, bumaba na kami pareho, sakto dahil nakagayak na rin sila mama at papa pati si kuya. Grabe, so ako na lang pala talaga yung iniintay nila. Pa-VIP talaga e noh?! ( -___- )

Umalis na kami. Si kuya ang driver namin. Si Papa yung nasa passenger's seat tapos si mama, ako at si Rhea yung nasa likod. See? kumpleto talaga family ko... Ganun sila ka-supportive. Haha.. Parang kung saang malayong lugar ako pupunta e noh? Kung sabagay, malayo rin naman ang Cebu. Tapos tatlong araw rin yung itatagal namin dun.

Medyo traffic pa dito sa nadaanan namin. Argh! Tinignan ko yung relo ko, 8:25 na. Nagtext na rin sila Bunny at Rosel, nandun na raw sila sa airport. Inhale Alexa.. inhale.. 9 pa naman yung flight diba? So, aabot pa kami. Hindi pwedeng hindi...ayokong maiwan. Gusto ko siyang makasama...este! gusto kong makasama. (= 3 =)

8:30...

8:35...

Para na kaming lumilipad sa bilis.. alam rin kasi ni kuya na late na ako. Bakit kasi hindi nila ako ginising. Amp.... O sige na nga, ginising nila ako... bakit kasi hindi ako nagising e. (-___-  )

8:40...

8:45...

SA WAKAS!! Narating na namin ang airport.. Bumaba na kaming dalawa ni Rhea para makapasok na rin kami sa loob. Nandun na rin kasi sila Erik at yung iba pa naming kasama.. Pero bago yun, inakap muna ako ni mama. Sabi niya mag-iingat daw ako dun at tumawag ako once na makarating na kami sa Cebu. 

Bumaba na rin si kuya at inilabas na yung mga bag na dala namin ni Rhea. Pag-kaabot sa akin ni kuya nung pink na bag ko may sinabi siya sa akin....

"O Alexa, mag-enjoy ka dun ha.." - sabi ni kuya tapos ngumiti siya..

Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad nang narinig ko ulit siyang nagsalita..

"Oo nga pala, ikamusta mo ako kay Erik ha?" - kuya

O___O

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now